Senator Bong Revilla’s camp denies mulling impeachment raps against President Noynoy Aquino

Ayon sa tagapagsalita ng Malacañang na si Secretary Sonny Coloma, handa si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (kanan) na harapin ang anumang kasong impeachment na ihahain dito bunsod ng rebelasyon ni Senator Bong Revilla (kaliwa) na humingi raw ng pabor si PNoy para ma-convict si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.


Handa raw si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kung sakaling may maghain ng impeachment case laban sa kanya sa Kongreso.

Naging laman ang usaping ito sa press briefing sa Malacañang ngayong araw, January 21, matapos ibunyag ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kanyang privilege speech sa Senado kahapon, January 20, ang tungkol sa pulong nila ni Pangulong Aquino noong 2012.

Sa naturang meeting, sinabi ng senador na personal diumanong nakiusap sa kanya si Pangulong Aquino para bumoto ng guilty verdict laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong impeachment trial nito.

Bahagi pa ng pagbubunyag ni Senator Revilla kahapon, “Tama po ba na habang nililitis ang dating Chief Justice na si Renato Corona ay kailangang makialam ang mismong Pangulo ng Republika sa isang prosesong legal na dapat ay independiyente?”

Read: Senator Bong Revilla claims PNoy asked him to vote for former CJ Corona’s impeachment

Ayon sa magkakahiwalay na ulat ngayong araw, sinabi raw ng abugado ni Senator Revilla na si Atty. Joel Bodegon na ang ginawang paghingi ng pabor ng Pangulo upang i-convict ang isang government official ay isang “impeachable offense in itself.”

Pero hindi malinaw sa reports kung pinag-iisipan nga ba nilang magsampa ng impeachment case laban kay PNoy.

NO TRUTH TO THAT. Upang kumpirmahin ang balitang ito, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng SMS (short messaging system), kay Atty. Bodegon.

Mariing pinabulaanan nito pinag-iisipan ng kampo ni Senator Revilla ang magsampa ng impeachment case laban kay Pangulong Aquino

Saad ni Atty. Bodegon (published as is): "’Di totoo ang balitang iyan. Walang balak si Senator Bong Revilla na maghain ng impeachment case laban kay Pangulong Pnoy."

PNOY IS READY. Sa ginawang press briefing ngayong araw sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Herminio Coloma Jr. na madalas maitanong kay PNoy ang posibilidad na sampahan siya ng impeachment case—at iisa lang daw ang sagot ng Pangulo sa media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Coloma, “Ang impeachment po ay maaaring masimulan ng mga kasapi ng House of Representatives.

“Sa marami na pong pagkakataon ay tinanong ninyo sa ating Pangulo hinggil sa posibilidad ng impeachment.

“At palagay ko po ay presko pa sa inyong pag-alala na sa bawat pagkakataon din ay palaging sinasagot ng Pangulo ay handa naman siyang harapin kung ito man ay ihahain ng mga miyembro ng kongreso.”

Kumpiyansa ba ang Palasyo na hindi matutuloy ang kaso kung sakaling may maghain?

Tugon ni Coloma, “Nasa pagpapasya na po nila yun, hindi naman po natin sila gustong pangunahan.

“Iginagalang po natin ang Kongreso bilang separate and co-equal branch of government.”


PNOY CAN’T BE IMPEACHED. Sa ulat naman ng GMA News Online ngayong araw, January 21,sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi matatanggal sa puwesto ang Pangulo dahil lamang sa pakikipagpulong nito kay Senator Revilla noong kasagsagan ng Corona impeachment trial.

Ayon kay Senator Drilon, ang naturang meeting ni PNoy at Bong “does not constitute an impeachable offense.”

Dagdag niya, "Of course not. It [The meeting] is not impeachable. It is all part of politics.”

Si Drilon ay kaalyado ng administrasyon.

Siya rin ang vice chairman ng Liberal Party, kung saan si Pangulong Aquino ang kasalukuyang chairman.

Ayon sa 1987 Constitution, ang nakaupong Pangulo ng bansa ay maaaring ma-impeach sa susunod na mga kadahilanan: culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.

Ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na sumailalim sa impeachment na-impeach ay si Joseph Estrada.

Samu’t sari ang naging reklamo dito, kabilang na ang kickbacks sa jueteng at tobacco excise taxes.

Ang iba pang naktala sa impeachment case noon kay Erap—tawag sa kanya ng publiko—ay ang plunder at perjury.

Hindi natapos ang impeachment proceedings noon ni Estrada—na ngayo’y alkalde na ng lungsod ng Maynila—dahil nag-walkout ang mga senator-judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kusang bumaba si Erap sa puwesto noong January 19, 2001.

Read: The Rise and Fall of Joseph Estrada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN