Senator Jinggoy Estrada says PNoy did not influence him to vote for former CJ Renato Corona’s conviction

Ibinunyag ni Senator Jinggoy Estrada na nagkaroon din sila ng meeting ni Pangulong Noynoy Aquino noong kasagsagan ng impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona, pero hindi raw humingi ng pabor ang Pangulo para i-convict niya ang Punong Mahistrado.

Sabi ni Senator Estrada, “Well, sabi ko nga, in our meeting, wala namang diretsang sinabi sa akin ang Pangulo na, ‘O, i-convict mo ‘yan.’ Walang ganun e. So, I cannot say


Taliwas sa naging pahayag ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kanyang privilege speech sa Senado noong Lunes, January 20, sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na hindi siya inimpluwensiyahan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III para sa kanyang guilty vote sa impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Ayon kay Senator Estrada, nagkaroon man sila ng pagpupulong, hindi nagsabi sa kanya ang Pangulo na dapat ay guilty ang maging hatol niya para kay Corona.

Pahayag niya sa programang Primetime ng ANC (ABS-CBN News Channel) kahapon, January 21, “As far as our meeting is concerned, during the height of the impeachment trial, the President had breakfast… the President just sat down and listened to what was Secretary Mar Roxas was saying.”

Noong panahong iyon, si Roxas ang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ngayon ay ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ang pinamumunuan ni Secretary Roxas.

Dagdag pa ni Senator Estrada, “In fairness to President Aquino, he didn’t even utter a word regarding the impeachment case against former Chief Justice Renato Corona.”



“I’M NOT DEFENDING THE PRESIDENT…” Nilinaw ni Senator Estrada na hindi niya ipinagtatanggol si PNoy sa pagsasabi niya ng nangyari sa kanilang breakfast meeting.

Ayon pa sa actor-politician, bukod kina PNoy at Secretary Roxas, nasa pagpupulong din si Department of Budget and Management Secretary Butch Abad.

Ang dalawang cabinet secretaries din kasama ni Senator Revilla sa pakikipagpulong niya kay PNoy noong 2012.

Matatandaang sa privilege speech ni Senator Revilla noong Lunes, sinabi niyang hiniling diumano sa kanya ni PNoy na bumoto para ma-convict ang si dating CJ Corona.

Read: Senator Bong Revilla claims PNoy asked him to vote for former CJ Corona’s impeachment

Pero ayon kay Senator Estrada, katulad ng kuwento ni Senator Revilla, si Secretary Roxas din ang sumundo sa kanya upang makipagkita sa Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang privilege speech noong Martes ay binansagan ni Senator Revilla si Secretary Roxas na “Boy Pick-up.”

Hindi ba nagtaka si Senator Estrada kung bakit kasama sina Secretary Roxas at Secretary Abad sa meeting niya kay PNoy?

Tugon nito, “Well, unang-una, it was Secretary Mar Roxas who did all the talking.

“Sabi ko, in fairness to the President—I’m not defending the President, alam mo naman yun.

"Gusto ko lang sabihin yung totoong nag-transpire doon sa meeting namin.

“Si Presidente kumakain, ako kumakain, si Secretary Mar Roxas ang nagsasalita tungkol dun sa impeachment trial.

"But ako, I kept mum, I kept my silence all throughout.

"But the President never approached me kahit noong umalis ako, wala siyang sinasabi na, ‘O, bahala ka na sa impeachment complaint.’

“Walang ganun na sinasabi si Presidente."

Natandaan ba niya ang sinabi ni Secretary Roxas? Nagulat ba siya dito?

Sagot ni Senator Estrada, “Well, he was just appealing actually regarding the impeachment complaint against Chief Justice Renato Corona, that was it.

“Ang sabi ko naman, I will base my decision on the pieces of evidence presented in the impeachment court.

“Sabi ko naman, after I delivered my privilege speech sometime in September, si Senator [Juan Ponce] Enrile, even interpolated me.

"Ang sabi ko, ‘No one even persuaded me, no one convinced me, no one influenced me in my decision to convict former Chief Justice Corona.”

Ang tinutukoy ni Jinggoy na speech ay ang kanyang privilege speech sa Senado noong September 25, 2013, tungkol sa pagkakadawit niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Read: Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue

Bukod kay Senator Estrada, idinadawit din sa prok-barrel scam sina Senator Revilla at Senator Enrile.

Ayon sa whistleblower na si Benhur Luy, tumanggap diumano ang tatlong senador ng kickback dahil sa pagpondo nila sa bogus NGOs ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles mula sa kanilang PDAF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa affidavit na isinumite ni Luy, nakatanggap diumano si Senator Revilla ng P224.5 million.

Si Senator Enrile naman daw ay nakatanggap ng P172.8 million.

Habang si Senator Estrada naman ay tumanggap diumano ng P183.79 million.

Nahaharap ngayon ang tatlong senador sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) sa Office of The Ombudsman noong September 2013.



“THE PRESIDENT DIDN’T UTTER A WORD…” Sa privilege speech ni Senator Revilla noong Lunes, sinabi nitong nakaka-pressure ang pakikipagpulong niya kay PNoy at sa iba pang opisyales ng Malacañang.

Pero pagbibiro ni Senator Estrada dito, “Siyempre, pag kaharap mo yung Presidente, you’re always pressured.

"But, sabi ko nga, the President didn’t utter a word about the impeachment trial, much less made an appeal to me.

“But, si Secretary Roxas made that appeal, not the President.

"In my case, ha, in my case.”

Dagdag pa niya, “Well, sabi ko nga, in our meeting, wala namang diretsang sinabi sa akin ang Pangulo na, ‘O, i-convict mo ‘yan.’

“Walang ganun e.

"So, I cannot say that he’s influencing or appealing to me to convict Chief Justice Corona dahil wala talaga, e.

“Ayoko namang magsinungaling, ayoko namang mag-manufacture na, ’O, ganito sinabi ng Presidente sa akin, i-convict mo.’

“Hindi naman totoo na may ganung sinasabi.”

Natatandaan pa ba niya ang eksaktong sinabi ni Secretary Roxas sa kanya tungkol sa impeachment?

Aniya, “Matagal na ‘yan, that was two years ago.

"2012 pa yata yun, bandang March yun o April.

"I really cannot get the exact date, ’no, pero ang parang naalala ko lang, ’no, ‘Sama-sama na tayo rito. Huwag mo na kaming pabayaan.’

“Yun lang, yun lang ang sinabi niya.

"So, alam ko na yun, gets ko na yun."

Paglilinaw pa niya, “Those were not the exact words. Yun lang ang nari-recall ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



P50M BRIBE? Pagkatapos ng impeachment trial noon kay Chief Justice Corona, kung saan ito na-convict at napatalsik sa Korte Suprema, lumabas naman ang balitang nakatanggap daw ang senator-judges na bumoto for conviction ng tigpi-fifty million pesos.

Pahayag ni Senator Estrada tungkol dito, “It was the time during my privilege speech that I showed the letter of the then chairman of the finance committee—who happens to be our Senate President right now, si Senator [Franklin] Drilon—na may sulat sa akin na magbigay ng listing ng projects, infrastructure projects to be submitted to the DBM [Department of Budget and Management], and which I did naman.

“Kasi fifty million yun, that was after the conviction of former Chief Justice Corona.

"Yes, after the trial.

"At tinanong ko rin kay Senator Drilon kung saan ba galing ang pondong ‘to.

"Consequently, the next day, inamin naman ni Secretary Butch Abad na galing sa DAP [Disbursement Acceleration Program].

“That’s why nabuhay yung DAP, kasi hindi ko alam… hindi naman alam—majority of the senators—they never knew about that Disbursement Acceleration Program.

“Wala pa namang mga projects na nababanggit na dapat pondohan.

"Yung fifty million na ibinigay sa mga senador, I don’t consider it as a bribe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN