PEP EXCLUSIVE. Coleen Garcia not bothered by detractors of her budding romance with Billy Crawford

Coleen Garcia reiterates that she’s not the third party in Billy Crawford and Nikki Gil’s breakup. "I really made my point here naman na I really have nothing to do with it. Their breakup happened over half a year ago. I mean if ever I had anything to do with it, we’d actually be together right now. But we’re still not,” says Coleen in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


“We’re just enjoying each other’s company. That’s what it is right now.”

Ganito inilarawan ni Coleen Garcia, 21, ang estado ng relasyon nila ngayon ni Billy Crawford, 31.

Magkasamang dumating ang dalawa sa 30th birthday bash ni Raymond Gutierrez, na ginanap sa 71 Gramercy resto-bar kagabi, January 21.

Kapansin-pansin na masaya at kumportable sila sa isa’t isa, habang nakikihalubilo sa mga kakilala nilang dumalo rin sa naturang private party.

Lampas isang linggo na rin ang nakalipas mula nang umamin si Billy sa isang talk show na nililigawan niya ang kanyang It’s Showtime co-host.

Read: Billy Crawford admits courting Coleen Garcia; insists, "We’re not a couple yet."

Kaya marahil bukas na rin si Coleen na magkuwento tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Billy sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP kagabi.

“What I like about me and Billy is that there’s so much space, there’s so much room for ourselves, for each other,” pagbabahagi ni Coleen.

Bagamat araw-araw silang nagkikita sa iisang show, napagkasunduan daw nila na dapat ay parang magbarkada pa rin ang kanilang turingan sa oras ng trabaho.

“We have both talked about it that once we step in ABS-CBN, it’s just work.

"Nothing. Not even backstage.

“We’re all friends naman on Showtime.

"We’re all close. So, lahat kami nagkukulitan.

"But nothing special during work."



COURTING STAGE. So far, ano na ang pinaka nakakakilig na ginawa ni Billy para sa kanya?

Sagot ni Coleen, “I think it’s the regular gesture of giving me flowers.

"As for the most kilig, I think it’s too early pa to answer.

"Kasi we’re not really in the stage na ano...”

Kung tutuusin ay wala nang hadlang kina Billy at Coleen na maging sila dahil pareho naman silang single ngayon.

Ngunit hangga’t maaari ay ayaw raw ni Coleen na basta-basta na lang pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been single for a year.

"I just think that I need maybe a bit more time. I am not rushing.

“I just wanna be very sure of my decisions this time. Just make sure that I’m doing everything very carefully.”



NOT THE THIRD PARTY. Sa kabila ng masayang ligawan sa pagitan nina Billy at Coleen, patuloy pa ring umaani ng batikos mula sa publiko ang dalawa.

Ito ay sa kadahilanang isa si Coleen sa mga pinaghihinalaang third party sa hiwalayang Billy at Nikki Gil noong nakaraang taon.

Read: Coleen Garcia denies involvement in Billy Crawford-Nikki Gil breakup

Nang tanungin muli ng PEP si Coleen tungkol sa isyung ito, nanindigan ang dalaga na hindi siya ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang anim na taong relasyon ng dating magkasintahan.

“I really made my point here naman na I really have nothing to do with it.

"Their breakup happened over half a year ago.

“I mean, if ever I had anything to do with it, we’d actually be together right now.

"But, we’re still not,” diin ni Coleen.

Sa kabila nito, inamin ni Coleen na nakaramdam siya ng pag-aalinlangan kung hahayaan niya bang manligaw si Billy sa kanya, sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng singer-TV host.

“Well, there was a time before this whole thing na I wanted to stop it, na parang ang hirap, mahirap.

“Tapos, if ever, we’re not even together yet.

"So, sobrang hirap for something na it’s not even solid.”


TAKING A CHANCE WITH BILLY. Ngunit kinalaunan ay napag-isipan daw ni Coleen na worth it na ipaglabaan kung ano man ang unawaan nila ni Billy.

“But then I figured, it’s not his fault, e.

"Everything that comes with it is not his fault.

“He didn’t do anything wrong to me. He’s a gentleman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t see the point in blaming him or taking it out to him.

“At the end of the day, people will really believe what they want to believe.

"But as long as I know the truth, my friends know the truth, my family knows the truth, that’s fine.”

Sa ngayon, ang mahalaga ay hindi na raw takot si Coleen na sumugal sa pag-ibig at tanggap niya kung ano man ang nakaraan ni Billy.

“As for myself and how I feel about his past, it’s my new belief that in every relationship, you really need to start from scratch [and] not talk about the past.

“And it’s also part of my New Year’s resolution to keep moving forward.

"Take a leap of faith. There’s no need for a safety net."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN