Janno Gibbs on relationship with wife Bing Loyzaga: "Solid na solid kami."

Janno Gibbs: “Ang marriage, trabaho talaga. Hindi puro feelings ‘yan, e. Hindi puro in love, emotion. Kumbaga, career din ‘yan. Dumaan din sa time na nililigawan ko siya ulit. Siya rin naman, nagtiyaga rin siya na intindihin ako. Patawarin ako sa mga kalokohan ko. So, tiyaga rin.”


Nilinaw ni Janno Gibbs ang estado ng pagsasama nila ng kanyang misis na si Bing Loyzaga.

Diin niya, “Okay kami, okay na okay kami.

“Marami ngang lumalabas, parang nalilito ang mga tao.

“Pero, hindi kami masyadong vocal ni Bing. Wala kaming masyadong interview.

“Pero sa totoo lang, ano kami ngayon, solid na solid kami.”

Hindi kasi mamatay-matay ang isyung hiwalay na raw sila?

“No, we’re together, we’re together,” tanggi ni Janno.

Hindi sila naghiwalay?

“Never naman kaming naghiwalay.

“Kahit maraming away… lahat naman dumadaan doon.

“Pero never kaming naghiwalay na hindi nagkikita. Never na umabot sa ganun.”

Sa isang interview ni Bing ay sinabi nitong bagamat hiwalay sila ng tirahan ni Janno ay maayos naman ang kanilang pagsasama.

Read: Bing Loyzaga describes relationship with husband Janno Gibbs as living harmoniously apart

Paglilinaw ni Janno tungkol dito, “Ang totoo nun, townhouse lang kasi kami.

“Ang house namin, nasa Australia. Pero dito, townhouse kami.

“Magkatabi kasi yun na nabili naming magkatabi.

“So, doon, I have my own room.

“Sa kabilang unit, nandoon ang mga damit ko.

“Sa kabilang unit, yun naman ang main house namin.

“Ginagamit lang namin ang isang unit, nandoon ang mga gamit.”



FOR LIFETIME. Masasabi ba niyang panghabambuhay na talaga ang pagsasama nila ni Bing bilang mag-asawa?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Alam niyo, kahit naman noon, kahit may mga isyu ako… may mga nahuli sa akin, di ba?

“Alam niyo, never akong nag-isip na…

“Kahit na may mga kalokohan ako noon—sabihin na nating kalokohan—pero never sumagi sa isip ko na, ‘Ay, ano kaya kung humiwalay na ako?’

“Never sumagi sa isip ko yun.”

Ganoon din ba si Bing sa kanya?

“Sana, sana ganoon din siya!” natawang sagot ni Janno.

Tahasan niyang masasabi na masaya silang mag-asawa o pamilya?

“Oo, very,” nakangiti niyang sagot.

Napakaraming naging isyu sa kanilang dalawa bilang mag-asawa. Pero hanggang ngayon ay solido pa rin ang pagsasama nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila ito nagawa sa kabila ng pareho silang nasa mundo ng showbiz?

Ayon kay Janno, “Alam mo, ano, tiyaga rin. Trabaho.

“Ang marriage, trabaho talaga.

“Hindi puro feelings ‘yan, e. Hindi puro in love, emotion.

“Kumbaga, career din ‘yan.

“Dumaan din sa time na nililigawan ko siya ulit.

“Siya rin naman, nagtiyaga rin siya na intindihin ako. Patawarin ako sa mga kalokohan ko.

“So, tiyaga rin.”



FROM BADING TO “BADONG.” Kung sa huling teleserye ni Janno na Pyra: Ang Babaeng Apoy ay bading ang role na ginampanan niya, ngayon naman sa Paraiso Ko’y Ikaw ay “Badong” naman daw ang pangalan ng karakter niya.

Ang Paraiso Ko’y Ikaw ay ang bagong early primetime series ng GMA na pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Paglalarawan pa ni Janno sa kanyang role, “Bale, kapag lumaki na si Kristoffer, mapapadpad siya sa akin. Sa aming mag-asawa, si Maricel Morales.

“At kaming dalawa ni Kristoffer, magtatrabaho kami kay G Tongi.”

Masaya siya sa paggawa ng mga teleserye?

Sagot ng singer-actor, “Oo, oo naman… puwede naman akong maging mapili o pihikan.

“Ang acting, pareho rin ng singing ‘yan. Kailangan hasa ka.

“Kapag hindi mo nagagamit, nangangalawang din ‘yan—both in singing and acting.”

Hindi ba nagiging problema ang sleeping habit niya kapag nagte-taping siya?

Aniya, “Hindi naman.

“Actually, bagay nga ako sa taping.

“Kapag yung madaling-araw na, tulog na ang lahat, ako, buhay pa.

“Nakakapag-taping din naman ako nang maaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN