PEP EXCLUSIVE. Phil Younghusband: "I just don’t wanna say anything about Angel."

In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal last January 21, Phil Younghusband was very apologetic when he refused to answer queries about ex-girlfriend Angel Locsin. “I don’t wanna answer questions about Angel, I’m sorry. Anything about her… I just don’t wanna say anything about Angel,” the Azkals striker reiterated.


“I don’t wanna answer anything about that. I’m sorry.”

Ito ang sagot ni Phil Younghusband nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang Instagram post kamakailan.

Matatandaang isang larawan ng peace symbol ang ibinahagi ni Phil sa kanyang Instagram account noong gabi ng January 20.

Sabi pa ni Phil sa caption na kalakip ng naturang larawan: “We appreciate all your support, but if we are to be happy, we must all move on.”

Read: Phil Younghusband: "We must all move on."

Kaugnay ito ng iba’t ibang reaksiyon ng publiko matapos umamin ni Angel na mahal pa rin niya ang dating boyfriend na si Luis Manzano.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Angel, lalo pa’t ang huli niyang naging karelasyon ay si Phil at hindi si Luis.

Tatlong buwan pa lang ang nakararaan mula nang kumpirmahin ni Angel na hiwalay na si Phil.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

Kung noong isang linggo ay bukas pa si Phil sa pagsasabing mahal pa niya si Angel, ngayon ay desidido na ang Azkals football striker na kalimutan na ang dating nobya.

Kaya’t hangga’t maaari ay ayaw na niyang pag-usapan si Angel.

Pag-ulit ni Phil, “I don’t wanna answer questions about Angel, I’m sorry.

"Anything about her… I just don’t wanna say anything about Angel.”



GOOD SUPPORT SYSTEM. Eksklusibong nakausap ng PEP si Phil sa birthday party ni Raymond Gutierrez na ginanap sa 71 Gramercy restobar, noong January 21.

Ang tanging kaumpukan ni Phil noong gabing iyon ay ang kanyang kapatid na si James Younghusband, at ilan pang Azkals football players na sina Aly Borromeo at Anton del Rosario.

Sa nakaraang panayam ng PEP kay James, inamin nitong nalungkot siya nang maghiwalay sina Phil at Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito ay proud daw si James kay Phil dahil nanatiling professional ito sa paglalaro ng football, kahit pa noong kagagaling lang nito sa breakup.

Read: James Younghusband feels letdown by Angel-Phil breakup

Ano ang masasabi ni Phil tungkol dito?

“He’s my kuya. So, he has to say nice words about me,” nakangiting sagot ni Phil.

Kung mayroon mang nakakapagpalakas ng loob niya, iyon daw ay ang kanyang pamilya.

Bukod dito ay magpo-focus na lang daw muna si Phil sa kanyang karera.

“We have the Azkals, we have the Challenge Cup in May.

"We have the United Football League with the Loyola Meralco Sparks from now until May.

"I just want a chance to play football right now,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN