Heart Evangelista becomes numb about possible reconciliation with her parents

Nang tanungin kung hihilingin niya sa kanyang kaarawan na magkaayos na sila ng mga magulang niya, ito ang naging tugon ni Heart Evangelista: “Actually, I really feel numb. I feel bad that I feel nothing. But, I think, wala na akong maiyak. Wala na akong… wala na talaga, e.”



Bagamat napagsasabay ngayon ni Heart Evangelista ang career at lovelife, aminado siyang may isang aspeto ng kanyang buhay na naaapektuhan nang labis.

“I think, that’s my family side.

“I think there’s a certain balance in your life, e.

“We can’t have it all,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig, kahapon, January 22, sa Antipolo City.

Dumaan ang Pasko at Bagong Taon, kumusta siya at ang kanyang pamilya?

“Waley!” natatawang sagot ni Heart.

Hindi kaila sa publiko ang alitan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang na sina Rey at Cecile Ongpauco dahil sa pagtutol ng mga ito sa relasyon ng kanilang anak kay Senator Chiz Escudero.

ACCIDENTAL MEETING. Hindi rin itinanggi ni Heart ang insidente kung saan aksidente silang nagkita ng kanyang ina sa isang restaurant sa Greenbelt, Makati City, bago mag-Pasko.

Read: Heart Evangelista deeply hurt by mom’s public rebuff in Greenbelt before Christmas Day

Kuwento niya, “Kasi una, nakita ko siya, inisip ko lang, it’s Christmas.

“And then, nakita ko siya sa window. Nasa labas siya, kumakain ako [sa loob ng restaurant].

“E, gutom na gutom ako noon, ang dami kong in-order.

“Noong nakita ko, sabi ko, it’s Christmas, you know, blessed naman ako, I’m happy.

“So, yun… kasama ko ang friend ko, kaming dalawa lang.”

Kumaway raw si Heart sa kanyang mommy nang makita niya ito, at bahagya naman daw tumango ang ina ng aktres.

Patuloy na lahad ni Heart, “I think it was okay, then lumabas siya.

“I don’t know if she’s smoking or may kausap siya sa phone. Hindi ko na matandaan, ang daming tao.

“Sabi ko sa friend ko, ‘I should go up to her, right?’

“So, lapit ako, ‘Hi, Mom!’

“Tapos, ginanun [hinarang] niya ang kamay niya. Nagulat ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Okay.’ Naupo ako.

“Nawala tuloy ang gutom ko!”

Naiyak siya pagbalik niya ng upuan?

“Hindi, hindi talaga ako umiyak,” sabi ni Heart.

“Pero sa kotse… na-upset.

“Not because of anything, but I also have my share of sentiments about certain things, but I swallowed that.

“That was a bitter pill to swallow, but I did. And it’s Christmas.

“But after that, it’s something that, you know... I guess that’s the world. That’s life.”

Pagkatapos ng aksidenteng pagkikita nila ng mommy niya ay hindi pa raw sila ulit nagkakaroon ng anumang komunikasyon.

Ano ang naging reaksiyon ni Senator Chiz sa aksidenteng pagkikita nila ng mommy niya?

Ayon kay Heart, “Actually, ang haba ng text niya. Mas lalo akong naiyak.

“Wala kang maririnig sa kanya.

“Parang he just said something, like, ‘Don’t worry, mahal ka naman nila,’ ganyan. ’That’s just how it is.’

“Binubukas niya ang mata ko na, ’Hindi ka naman pilay. It’s not the end of the world.’

“Kaya hindi rin ako makapagreklamo na ang hirap-hirap ng buhay.

“Na, ‘Ano ba ‘yan, ang bitter-bitter ko! Bakit naman ganun?’

“Kapag nakikita ko ang mukha ko sa salamin, mommy ko ang nakikita ko!” natatawang sabi ni Heart.



HER DAD AND SIBLINGS. Kumusta naman sila ng daddy niya? Nagkakapalitan pa rin ba sila ng text messages?

Sagot ni Heart, “Okay naman kami... pero hindi ko na alam.

“Parang, I’m really tired na rin.”

Hindi ba gumagawa ng paraan ang mga kapatid niya para magkaayos sila ng kanyang mga magulang?

“Ano kasi, noong umpisa, okay sila. They were also starting to bond with us.

“And then, pinagsabihan sila. Pinagpili sila or something not to see me or whoever I’m with.

“Although they ano… but, really, ano... okay na.”

Sa February 14, Valentine’s day, ay ipagdiriwang ni Heart ang kanyang 29th birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba hihilingin ng aktres sa birthday niya ang pagkakaayos nila ng kanyang mga magulang?

Umiling si Heart.

Sabi niya, “Actually, I really feel numb.

“I feel bad that I feel nothing.

“But, I think, wala na akong maiyak.

“Wala na akong… wala na talaga, e.”



HEART’S WEDDING. Paano kung dumating ang araw na ikakasal na siya, at hindi pa rin maayos ang relasyon nila ng mga magulang niya?

“I’ve accepted that a long time ago,” sambit ni Heart.

Dagdag niya, “I think I owe that to myself.

“To be honest, I think I owe that happiness to myself without thinking any other person’s happiness.

“For the longest time, I’ve lost a lot of great people, friends, persons that I truly love.

“I’ve lost a lot. I’ve sacrificed a lot.

“And I always thought about my wedding day, that it would never happen because nobody would be good enough.

“Until I got somebody that I felt it was best, best among everybody.

“So, for me, on my wedding day, on that day, I think I owe it to myself and to that person that I’m going to be with to just be incandescently happy, without thinking na masama ang loob ng taong nandoon dahil igi-give away ako.

“So, okay lang sa akin.”



PARENTS AND CHILDREN. Binanggit namin kay Heart ang kasabihan at paniniwala ng mga Pilipino na ang kaibigan, boyfriend o maging asawa ay napapalitan, pero ang magulang ay hindi.

Sabi naman niya, “I know, I know…

“Yung boyfriend, mga kaibigan, pero pamilya mo, hindi.

“I was actually… parang end of the world yun para sa akin.

“Kasi, ganoon akong mag-isip, e.

“Ako kasi, kahit anong gawin ko, yung pamilya ko lang.

“But it’s different when they said I turned my back on them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was other way around.

“There are things that happened that I never told anybody.

“May mga taong nasaktan. May mga inosenteng tao na… ang daming nangyari talaga.

“Doon ko na lang nasasabi na magulang pa rin ‘yan.

“Yung balik ko na lang sa kanila is on how I am now.

“That’s the only thing that I can give. I always believe on that.

“Parang ganun pa rin ako mag-isip, but there are some things that I don’t understand.”

Pero may kasabihan din naman na ang magulang, kahit anong gawin ng anak, hindi nila ito matitiis.

Natatawang sabi ni Heart dito, “Akala ko rin yun!”

May mga pagkakataon namang kapag nagkaroon na ng apo ang mga magulang sa anak nilang nagkasala o itinakwil ay nagbabago at natatanggap ang mga hindi nila matanggap noong una.

Pero pagkontra muli ni Heart, “Hindi ganun, e, it was very different with us.”

May nangyari na bang ganun sa mga kapatid niya?

“Basta… may ganun sila, e.

“It’s not about grandchildren, it’s not like that.

“They are very tough. My mom is very tough,” sabi ni Heart.

Ang daddy niya?

“My dad is not tough. My dad is actually different.”

Hindi ba’t daddy’s girl siya?

“Yeah, daddy ko ang umaano sa akin.

"But, mahal na mahal niya ang mommy ko,” sabi ni Heart.



JERICHO & DANIEL. Noong 2013 ba ang unang Pasko na hindi nakasama ni Heart ang kanyang pamilya?

Tugon niya, “Before… noong kami ni Jericho [Rosales]. Naulit lang siya.”

Noong sila pa ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, nakasama naman daw niya ang pamilya niya.

Pero ayon kay Heart, hindi rin daw boto ang mga magulang niya kay Daniel.

“Ini-escort pa nga niya [Heart’s mom] palabas ng condo si Daniel.”

Ang lumalabas, tila walang lalaking nakakapasa sa panlasa ng mga magulang ni Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ng aktres, “Ganoon nila talaga ako kamahal.

“And this time, I understood.

“That’s why for the longest time, I understood. Kasi, mahal na mahal nila ako.”

Kapansin-pansin ang pagiging bukas na ni Heart ng kanyang saloobin tungkol sa mga magulang niya.

Paliwanag naman niya, “There was a time talaga na hindi mo ako makakausap.

“Siyempre, ayoko na rin namang anuhin, kasi mahal naman nila ako.

“It’s just, yun nga lang, very different nga lang.

“I think, with press, I couldn’t answer this, I couldn’t answer that.

“Alam ko naman how showbiz. Alam ko rin naman how to play with my answer. Not to give exactly yung ayaw niyang ipatanong.

“But, hindi ako makadiskarte.”

Tila wala siyang kalayaan noon?

“Ano naman, my mom naman always wanted me to take… to see the world.

“She just didn’t want me to settle down.

“Pero ganun talaga. Ganun talaga ang buhay.”

Kung titingnan si Heart ngayon, tila larawan na siya ng isang “strong woman.”

Sabi niya tungkol dito, “Well, now, kasi I’m also blessed naman.

"Hindi naman ako yung parang pilay na pilay ako.

“Meron naman akong mga blessings, pero hindi para magreklamo ako nang todo-todo.

"Hindi naman ako yung parang pilay na pilay.”

Nami-miss din ba ni Heart ang kanyang mga magulang?

Tugon niya, “I don’t know, e.

“Ganoon pala yun, parang nagiging bato nang slight.

“Kahit sa mga eksena ng mother and child, hirap akong umiyak. Siguro, nag-survival instinct.

“Siyempre noon, naiisip mo yung sa amin, maiiyak ka.

“Pero ngayon, siguro dahil nagkaroon ng survival instinct, siguro nag-shut down.

“Ganoon naman talaga yun kapag survival, or you’ll go insane.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN