Robin Padilla reacts to Senator Bong Revilla’s privilege speech, proposed tax exemption for Manny Pacquiao

Ayon kay Robin Padilla, kung gagawa man siya ng teleserye ay gusto niya ng father role. “Gusto ko, tatay-tatay na lang ako ng mga bata dito. Kasi, yun, maiksi ang oras ng trabaho ko. Hindi naman kasi tumataas ang suweldo. Kung tumataas ang suweldo, lumalakas ako!" biro pa niya.


"Karapatan yun ni Pareng Bong."

Ito ang reaksiyon ni Robin Padila sa privilege speech ni Senator Bong Revilla sa Senado noong Lunes, January 20, kaugnay ng pagkakaugnay ng actor-politician sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Read: Senator Bong Revilla strongly denies PDAF allegations; calls Benhur Luy “Boy Pirma” and “political wrecking crew”

Dagdag pa ni Robin, “Mabuti nga nagsalita na sila.

"E, ako nga, nauna pa akong ipinagtanggol sila. Pambihira naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Robin, sa presscon ng pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak kagabi, January 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



TAX EXEMPTION. Maging ang usapin tungkol sa panukalang tax exemption para sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay naitanong din kay Robin.

Ang panukala ay inihain ni Valenzuela Representative Magtanggol Gunigundo sa Kongreso. Ito ay dahil daw sa mga karangalang ibinigay ni Pacman sa ating bansa mula sa mga napagwagian niyang laban sa boxing.

Read: BIR Commissioner Kim Henares slams proposal to exempt Manny Pacquiao from paying taxes

Sabi ni Robin tungkol dito, “Ang sinabi kong advice ko kay Pacquiao, e, huwag niyang tanggapin yung mga sinasabi ng mga congressman na magiging tax exempted siya.

"Kasi, para sa akin, trap yun.

"Alam naman ng lahat ng mga Pilipino na... lalo na’t nangangarap siyang maging Presidente ng Pilipinas balang-araw.

"Napakapangit naman sa kasaysayan ng buhay niya na siya ay naging tax exempted.

"Kung meron man dapat na ma-tax exempt, yun ang ay ang maliliit ang suweldo.

“Number one para sa akin ay mga teacher."



WHICH NETWORK? Naitanong din kay Robin ang tungkol sa pahayag niya noon na pupunta siya sa TV network kung saan hahayaan siyang mag-produce ng sarili niyang shows.

Saang network ba ang tinutukoy niya?

Ayon sa 44-year-old actor, "E, parang nandito na ako [sa ABS-CBN].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung huling nakausap ko si Ma’am Malou [Santos, Star Cinema managing director], ang sabi niya sa akin, ’Sabihin mo lang ang working hours mo.

"Yun din naman kasi ang hinihiling ko, kasi hindi na ako bata.

“Hindi na ako dapat nagtatrabaho ng 24 hours.

"At saka, yun, nag-usap namin kami kung ano ang mga gusto ko, nagkaintindihan naman kami.

"Ang sabi ko, gusto ko, tatay na rin ako.

"Gusto ko, action pa rin. Pero siyempre, kung teleserye, iba na yun.

“Gusto ko, tatay-tatay na lang ako ng mga bata dito.

"Kasi, yun, maiksi ang oras ng trabaho ko.

“Hindi naman kasi tumataas ang suweldo.

“Kung tumataas ang suweldo, lumalakas ako!" natatawang biro niya.

BALIK-KAPAMILYA? Samantala, kasabay ba ng posibleng pananatiling Kapamilya ni Robin ay ang pagbabalik ni Mariel sa ABS-CBN?

Sagot ng aktor, “Bahala na sa kanya si Boy [Abunda, Mariel’s manager].

"Sila ang nakikipag-usap.

"Pero gusto ko sa kanya yung makita yung other side niya.

"Gusto ko siyang mag-host muli, pero hindi pa ngayon.

"Darating din yung time na yun na kung ano ang hilig niya, mapapagbigyan pa rin ang gusto niya.

"Hintay-hintay lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN