Vhong Navarro’s camp to file legal action against Cedric Lee and other suspects

Atty. Alma Mallonga on attempted rape accusation against Vhong Navarro: “He is not a rapist. Maaaring hindi siya santo, pero siya’y isang mabuti ring tao. At, definitely, hindi siya kriminal, siya’y biktima."


Pagkatapos magbigay ng statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpaunlak ng inteview, sa pamamagitan ng telepono, ang legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga sa Startalk ng GMA Network, kaninang hapon, January 26.

Ito ay kaugnay pa rin ng pambubugbog sa komedyante at sa alegasyong "attempted rape" laban dito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation

Kinumusta muna ng host ng programa na si Butch Francisco kay Atty. Mallonga ang lagay ngayon ni Vhong.

Saad ng abugado, “He is in the hospital, medyo malubha yung kanyang kalagayan.

"He has been severely injured and he’s scheduled to undergo surgery procedures, iyon ang pagkakaintindi ko."

Pero nakakausap naman nang malinaw si Vhong.

Sabi pa ni Atty. Mallonga, “You know what, yung kanyang napagdaanan, anybody na napagdaanan yung kanyang naranasan, they will be very traumatized as Vhong is traumatized right now.”

Aware ba siya sa police blotter kung saan lumabas ang bintang na attempted rape kay Vhong?

Sagot ng abugado ng Kapamilya star, “Actually, iyon ang dahilan kung bakit palagay namin na importante na maliwanagan.

"Nagpa-screen kami ng statement today, it is because of that particular news item na meron daw police blotter na lumabas, na may paratang raw o accusation ng attempted rape against Vhong.

"Gusto lang naming liwanagin na si Vhong ay isang biktima sa kasong ito."

Diin pa niya, “He is not a rapist.

"Maaaring hindi siya santo, pero siya’y isang mabuti ring tao.

"At, definitely, hindi siya kriminal, siya’y biktima.

“Yung nakasaad doon sa police blotter na supposedly meron siyang ginawang attempted rape ay isang malaking kasinungalingan.

“It is part of this horrible crime that was committed against Vhong.

"Siya ay idinitena, he was the victim of detention.

"Tinorture siya, he was being blackmailed, he was being extorted.

"At itong ginawang krimen sa kanya, binalaan siya na huwag magsalita, huwag siyang magbigay ng kahit anong pahayag sa media, itago niya ang krimen na ginawa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ginamit nila itong paglagay sa police blotter ng isang napaka nakakatawa at hindi makatotohanang akusasyon para i-blackmail siya na huwag siyang magsalita."

LEGAL ACTION. Mayroon ba silang legal na hakbang na gagawin?

Saad ni Atty. Mallonga, “Of course, the process is already... it’s begun.

"Ang umpisa niyan, of course, is nakunan na ng statement si Vhong. The matter is being investigated.

“Ayaw nga namin sanang magsalita at ayaw ring magsalita sana ni Vhong.

"Kaya lang, lumabas ito, itong news na ito, na lalong pambababoy kay Vhong.

“Yung ginawa sa kanya, sa katotohanan lang, kung alam niyo yung mga ginawa sa kanya ay dapat hindi maranasan ng kahit na sinong tao.

“Walang karapatan ang kahit na sinong tao na gawin ito sa kapwa niya, yung pambababoy, yung pambabastos, pambubugbog, pananakit, pananakot.

“And, I think, Vhong is prepared to do what is necessary dahil sa katotohanan lang, kung ito’y ginawa sa kanya ng kilala, meron siyang pangalan, at siguro nama’y may mga kaibigan siya, at meron siyang mga puwedeng gawin, paano pa yung mga ibang tao?”

Kailan sisimulan ang proceedings ng pagdedemanda?

Ayon kay Atty. Mallonga, “Actually, you know what, the process has already begun.

"Nagkakaroon na ng investigation dito.

"At the proper time, the complaint will be filed.”

Marami na raw ang nagtutulung-tulong para mabigyan ng linaw ang kaso.

“Because I think, meron mga ano, ’no... there are government entities involved here—including the NBI [National Bureau of Investigation], the police authorities.

"We are gathering the necessary evidence, they are being documented, they are being preserved.

"We are very confident na napakalakas ng kaso ni Vhong, at ang priority namin ngayon is that he should fully recover in the meantime."

THE SUSPECTS. Mayroon ba silang lead sa mga suspect?

Sabi ni Atty. Mallonga, “Yes... I understand na naglabas na actually si Vhong, naglabas na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi na niya yung pangalan noong kilala. Meron kasi siyang kilala doon at mga hindi kilala.

"At isang taong kanyang pinangalanan ay si Cedric Lee.

“Iyon ang tao na nanakit sa kanya, kasama sa nanutok ng baril sa kanya, gumawa ng kababuyan kay Vhong—and he has said it.

“Hindi niya alam kung bakit.

"We do not know the exact story kung ano ang motivation, but ito’y ginawa kay Vhong."

Pinangalanan ni Vhong si "Cedric Lee" sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Malaking tao o maimpluwensiya ba si Cedric Lee?

“Hindi ko kilala nang personal si Cedric Lee,” sagot ni Atty. Mallonga.

“At hindi ko kilala yung mga ibang tao.

"There are, I think, mga six or seven men who did this to Vhong, ’no?

"Ang naaalala lang niya, ang nakilala niya doon ay itong Cedric Lee.

"Hindi ko kilala nang personal itong Cedric Lee.

"Hindi ko alam kung mayaman siya, hindi ko alam kung powerful siya.

"Pero ang pag-aasta niya, yung parang pagpapalabas niya sa sarili niya, according to Vhong, ay malakas siya.

“Dahil hindi siya nahihiya, e.”

Sabi pa Atty. Mallonga sa huli, “I would just like to say, the only reason I agreed to this interview, is against this abuse, any notion that there is any truth to the allegation that Vhong is a perpetrator of rape.

"He is the victim."

Kinumpira ni Atty. Mallonga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text ngayong gabi, na ang "Cedric Lee" na tinutukoy ng kanilang kampo ay ang negosyante at dating karelasyon ng singer-actress na si Vina Morales.

Bukas ang PEP sa panig ni Cedric Lee sa alegasyong ito ng kampo ni Vhong Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN