Bianca Lapus shocked by assault on ex-husband Vhong Navarro; fears safety of their son

Ipinagtanggol ni Bianca Lapus ang dating asawang si Vhong Navarro laban sa mga nagdududa tungkol sa sinapit nito noong Miyerkules ng gabi, January 22, sa isang condo unit sa Bonifacio Global City.


Labis na nababahala ang dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus sa nangyaring pambubugbog sa komedyante noong January 22 sa isang condo unit sa Bonifacio Global City.

Kahit matagal na silang hiwalay, matinding pagkagulat, takot, at pag-aalala raw ang nararamdaman ngayon ni Bianca para kay Vhong at sa kanilang anak.

Sabi ni Bianca, sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang madaling-araw, January 27, “I haven’t seen Vhong since the incident kasi sensitive and delicate ang issue.

"Sa phone lang kami may communication.

"I can’t even look at his pictures.

"He draws strength from his family, friends, and supperters, most especially from the kids.

“I am really not good right now.

"May maganda rin kaming pinagsamahan.

"It has been days since the incident happened and I’m still in shock.

"Hindi ko mapigilang umiyak, matakot, at mag-alala."

Ayon sa aktres—na kasalukuyang apat na buwang buntis sa ikatlong anak niya sa kanyang present partner na si Jim Velasquez—hindi siya makatulog sa kakaisip at sa pag-aalala.

Nag-spotting pa nga raw siya nang mabalitaan niya ito.

Dagdag niya, “Hindi ko matanggap na nangyari yun sa kanya, e.

"Mabuting tao yun at walang kaaway.

"Kahit ordinaryong tao, hindi deserve yun.

“I told him na masakit sa akin ang nangyari sa kanya. Sobra.

"Siyempre, at the end of the day, whatever happens, pamilya pa rin kami.

"Naging asawa ko siya, kaibigan ko pa rin siya, at mahal ko siya bilang tao."

VHONG’S CHILDREN. Labis ding nag-aalala si Bianca para sa kanilang anak, lalo na’t may pagbabantang ginawa raw ang mga nambugbog kay Vhong na papatayin siya ng mga ito ang kanyang pamilya kapag nagsalita siya.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ayon sa aktres, kahit siya ay hindi niya alam kung nasaan ngayon ang kanyang anak dahil nasa safehouse daw ito, gayundin ang isa pang anak ni Vhong mula sa isa ring dating karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Bianca, “The agony of not knowing where our son is, because he needs to be kept in a safe place with security, is really hard for us.”

Ayon pa kay Bianca, nakausap niya si Vhong pagkatapos ng interview nito sa Buzz Ng Bayan sa pamamagitan ng text message.

“Nag-heart to heart talk kami sa text kanina, kasi kanina ko lang din nalaman yung buong kuwento.

"Kasi nga, di ko kinakaya noong una ko pa lang nalaman.

"Tapos, ganoon pala kalala."

Dagdag pa ni Bianca, “I told Vhong, his family, the kids and his girlfriend, ’Sa pagsubok na ito, we are ONE family. We will draw strength from each other. Through prayers, malalagpasan din namin ‘to.’

"I posted the other day sa Twitter and Instagram that in behalf of our family, ’Thank you for the overflowing messages of love, support and prayers for Vhong especially during this difficult time.’

"Huwag natin siyang iwan at i-judge. Isa siyang mabuting tao!

"Together, let’s all pray for his fast recovery, safety and justice."

Sa palitan din ng text messages namin ni Bianca nalaman na kung walang mababago sa schedule, posibleng ngayong araw na ito, January 27, sasailalim sa operasyon si Vhong dahil sa mga natamo nitong injury.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN