Deniece Cornejo on Vhong Navarro’s mauling incident: “Kung may biktima at inosente dito, wala nang iba kung di ako.”

Binasag na ng modelong si Deniece Cornejo ang kanyang katahimikan kaugnay ng akusasyon ni Vhong Navarro sa insidenteng pambubugbog sa kanya noong January 22.


Nagbigay na ng pahayag si Deniece Millet Cornejo kaugnay ng pambubugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro sa isang condo unit sa Bonifacio Global City noong gabi ng January 22.

Binanggit ni Vhong ang pangalan ni Deniece sa panayam ng Kapamilya star sa Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN kahapon January 26.

Ayon kay Vhong si Deniece ang pinuntahan niya noong mangyari ang insidente.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Sa maikling text message na ipinadala ni Deniece sa GMA News na iniulat kaninang tanghali January 27 sa Balitanghali sinabi ng 22-year-old na model na siya ang "biktima" at inosente sa insidenteng ito.

Narito ang kabuuang text message ni Deniece:

“If you want justice I will give you the real justice.

“In the field of women’s rights, the right will always be right.

“Mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan.

"Kung may biktima at inosente dito wala nang iba kung di ako."

VHONG’s STORY. Ayon sa kuwento ni Vhongsa Buzz ng Bayan inimbita siya ni Deniece na pumunta sa kanyang condominium unit noong gabi ng January 22.

Nang makapasok na siya sa condo unit ni Deniece nakita niya raw na may dalawang lalaki na nakakatutok ang baril sa kanya.

Ang isa sa mga lalaki ay kinilala ni Vhong bilang si "Cedric Lee."

Si Cedric Lee ay ang negosyanteng naugnay at ama ng anak ng singer-actress na si Vina Morales.

Bukod kay Deniece at Cedric may binanggit din si Vhong na isang lalaking nagngangalang “Mike.”



BLACKMAILED. Sa naturang panayam inamin din ni Vhong na umabot siya at ang grupo ni Cedric sa pagpunta sa isang lugar na di niya masigurado kung isang police precinct.

Dito ay nakita raw niyang nagpa-blotter si Deniece.

Ang police blotter na unang iniulat ng GMA News ay naglalaman umano ng reklamong attempted rape laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student says blotter report

Sa naturang okasyon din ayon kay Vhong sinabihan siya ng isang nagngangalang Mike na “Sinasabi ko sa ‘yo sundin mo lang ang gusto namin lahat ng ‘to mawawala

“Wala kang video na lalabas walang media na lalabas. Basta ibigay mo lang ang usapan natin.”

Diin ni Vhong ang tinutukoy na blotter na kanyang pinirmahan ay may kasamang pangba-blackmail.

“Nakalagay po dun is hindi nila itutuloy hindi sila magrereklamo.

“Kasi nga may usapan po... ginawa lang ang pagba-blotter na yun just in case na magsumbong ako e meron silang panghahawakan laban sa akin.

“Basta ibigay ko ang gusto nila na magbabayad ako sa kanila ng one million po.”

Ayon kay Vhong sumang-ayon siya rito dahil natatakot siya para sa kanyang mga anak at pamilya.

Ed’s Note: Nananatiling bukas ang PEP sa panig nina Cedric Lee at ni "Mike" sa mga paratang ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN