Vhong Navarro’s lawyer on threat of Cedric Lee and Deniece Cornejo to file charges against actor: "Do it. Just do it."

“Gawin na nila ang gusto nilang gawin. Mabuti siguro ‘yon nang magkaalaman na. We’re very confident on the basis of the evidence. The consistency of the story, the believability, the credibility of the story, that will come out,” says Atty. Alma Mallonga (inset, top) challenging Deniece Cornejo (inset, below, split photo with Vhong) and Cedric Lee (main) about their threat to file charges against her client, Vhong Navarro.


“Do it. Just do it. You know, we’re also prepared to stand by the truth.”

Ito ang hamon ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga nang banggitin sa kanya ang balak na pagsasampa ng reklamong libel at attempted rape nina Deniece Cornejo at Cedric Lee laban sa aktor.

Sina Deniece at Cedric ang mga isinangkot ni Vhong sa pambubugbog sa kanya noong gabi ng January 22, Miyerkules, sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City, Taguig.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Sa panayam kina Deniece at Cedric, na umere sa TV Patrol kanina, January 27, sinabi nilang magsasampa sila ng libel at attempted rape laban kay Vhong.

Pero nanindigan si Atty. Mallonga na may sapat din silang ebidensiya upang magsampa ng kaso laban kina Deniece at Cedric.

Sa phone interview ng TV Patrol, sinabi ni Atty. Mallonga, “We have set the records. We have documented everything.

“Magpa-file din kami ng kaso. It will be very soon.

“It will not be tomorrow, but we’ll file the case soon.

“So, do it. Gawin na nila ang gusto nilang gawin.

“Mabuti siguro ‘yon nang magkaalaman na.”



VICTIM OF VICIOUS CRIME. Sa naturang panayam, pinabulaanan din ng abugado ni Vhong ang mga pahayag ni Cedric.

Una, kinuwestiyon ni Atty. Mallonga ang sinasabing reklamong attempted rape ni Deniece laban kay Vhong, na nakalagay umano sa police blotter.

Ayon sa hiwalay na salaysay ni Cedric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine, pumayag na lamang si Deniece na hindi ituloy ang reklamong ito laban kay Vhong matapos siyang makiusap kay Deniece.

Sabi ni Cedric, “Nung ikukulong na siya sa kulungan, nakiusap siya kay Deniece, huwag siyang kasuhan.

“Baka masira daw yung showbiz career niya at saka yung mga anak, hindi raw niya alam… hindi niya maipaliwanag sa anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kinausap niya si Deniece, pinatawad siya.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: "Ayaw niyang masira yung career niya."

Di naman ito sinang-ayunan ni Atty. Mallonga.

Aniya sa TV Patrol, “Can I just say, yung nakalagay sa police blotter, yung explanation nila, kung totoong rape ang nangyari, ‘tapos pumunta ka sa [pulis], nakalagay hindi naman sila magsasampa ng kaso.

“Anong klaseng complaint ‘yon?

“And this was supposed to have happened in Burgos.

“Saan dinala si Vhong? Bakit sila umabot sa SPD [Southern Police District]? Nasaan ‘yon. Napakalayo, di ba?”

Sinabi rin ni Cedric na hindi tumupad sa usapan nila si Vhong kaya itutuloy na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

Pahayag naman ni Atty. Mallonga, “Alam mo, yung sinasabi mong parang kami ang naglabas nito, no.

“The priority of those who care for Vhong is his recovery.”

Kaya raw nagsalita si Vhong ay para maproteksyunan ang sarili nito.

“Unfortunately, after he was victimized by this vicious crime, at binaboy siya, brinutalized siya, mayroong lumabas na publication na ipinapakita doon, na parang pinapalabas na si Vhong pa ang perpetrator ng isang krimen.

"It’s too much," sabi ng abugado.

Dagdag pa niya, “In the end, because of the pananakot sa kanya, yung threat not only to him, but also to his family members, Vhong’s protection is to tell the truth, which was what he did.”

Muli ring binanggit ni Atty. Mallonga ang sinabi ni Vhong sa panayam sa kanya ng Buzz ng Bayan, “[H]e’s not a rapist, may takot siya sa Diyos, may pagmamahal siya sa kapwa niya, sa mga anak niya, sa pamilya niya.

"He may not be a saint, but he’s not a criminal.

"He was a victim of a vicious crime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ni Cedric sa TV Patrol kanina rin, sinabi niyang may kuha sila ng video ni Vhong, kung saan diumano’y umamin ang aktor na ni-rape niya si Deniece.

Kaya tinanong ni TV Patrol news anchor Noli de Castro si Atty. Mallonga kung maaari itong gamiting ebidensiya laban sa kanyang kliyente.

Sabi naman ng abugado, “That’s precisely the point.

“Kapag pinakinggan mo yung kuwento ni Vhong, yung pagba-blotter, it’s a premeditated crime.”



NO EXTORTION. Hindi rin naniniwala si Atty. Mallonga sa sinasabi ni Cedric na hindi sila nangingikil nang humingi sila ng pera kay Vhong.

Ang katuwiran ni Cedric, ito ay katumbas ng mga nasirang gamit sa condo unit ni Deniece dahil sa gulo sa pagitan ni Vhong at ng kampo ni Cedric.

Ayon kay Atty. Mallonga, “Yung sinasabi na hindi raw sila nanghihingi ng pera, yung one million is for the purpose of repairing the damage.

“Sino ba ang nag-damage nun? Sino ba ang nanuntok? Sino ang nakasira?

"And one million for a TV?

“Nakakatawa.”

Matatandaang sinabi ni Vhong sa kanyang panayam sa Buzz ng Bayan na ang pagpapapirma sa kanya sa police blotter ay may kasamang pangba-blackmail.

Kaya kinuwestiyon ni Atty. Mallonga ang sinabi ni Cedric na hindi nila kinikikilan si Vhong.

“Ang ginawa nilang krimen na ito kay Vhong, brinutalized nila, tinorture nila, binaboy nila, and in-order si Vhong not to say anything…

“Ginawa nila ito, ni-report nila sa police.

“Sinabi pa kay Vhong, ‘Huwag kang magsasalita. Huwag kang magsusumbong. Para may insurance ka, ipapa-blotter natin, ha. Huwag kang mag-aalala dahil ito’y mawawala naman. Basta gawin mo lang yung ipinapagawa namin.’

“Ano yung ipinapagawa? ’Magbigay ka ng, una, P200,000, P500,000, P1 million, hanggang sa naging P2 million.’

“May negotiation daw. Paano nangyari ‘yon?

“With the condition of Vhong, ano ba ang mas believable?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Is he in the position to say no to what he says?

"Nakita niyo naman ang hitsura, e,” sabi ni Atty. Mallonga tungkol kay Vhong.

Naniniwala si Atty. Mallonga na darating din ang panahon na lalabas kung ano ang totoong nangyari.

“In the end, it’s the evidence, na mayroon tayong mga medico legal reports.

"There is going to be, I understand, CCTV [closed-circuit television].

"There are text messages, there are circumstances.”

Sa huli, ani Atty. Mallonga, “We’re very confident on the basis of the evidence.

“The consistency of the story, the believability, the credibility of the story, that will come out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN