Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Inilarawan ni Deniece Cornejo kung paano siya pinagtangkaan diumanong halayin ni Vhong Navarro sa loob ng kanyang condo unit noong gabi ng Enero 22.

“Inihiga niya po ako. Tapos yun, pinaghihila niya ako, pinagkakalmot—may mga kalmot nga po ako. Tapos biglang hinubad po niya yung pants niya, tapos pinipilit niya po,” saad ni Deniece sa panayam sa kanya ng 24 Oras kagabi, January 27.


Nanindigan si Deniece Cornejo na pinagtangkaan siyang halayin ng actor-TV host na si Vhong Navarro.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA Network kagabi, January 27, pinatotohanan ni Deniece na siya ang 22-taong-gulang na estudyanteng nagpa-blotter kay Vhong sa Southern Police District sa Taguig City.

Ito ay sa kadahilanang nagtangka umano si Vhong na pagsamantalahan siya sa loob ng tinitirhan niyang condominium unit sa Forbeswood, Bonifacio Global City, noong gabi ng January 22.

Read: Vhong Navarro now being accussed of attempted rape by a 22-year-old student, says blotter report


THE TRUTH ACCORDING TO DENIECE. Ayon kay Deniece, na isang model at stylist, nagkakilala sila ni Vhong sa isang tindahan ng sapatos.

Ilang beses na raw siyang kinukulit ng komedyante na magkita sila, kaya’t noong January 17 ay pumayag siyang bumisita ito sa kanyang condo unit.

Kampante raw ang dalaga dahil may mga inaasahan siyang dadating na iba pang kaibigan na makakasama nila ni Vhong.

(Sa salaysay ni Vhong, si Deniece diumano ang nag-imbita sa kanyang pumunta sa condo unit ng dalaga.)

Pahayag ni Deniece, “Nagkita kami nung January 17 [Biyernes], pero wala pong nangyari.

"Pumunta po siya dahil kaibigan ko po siya. Pinayagan ko po siya.

“Tapos nag-usap kami, kuwentuhan…

"At alam niya, at alam ko na may papunta rin po akong kaibigan na pupunta doon sa condo ko.”

Noong gabi ng January 22, Miyerkules, muli siyang binisita ni Vhong sa condo dahil gusto raw siya nitong pagdalhan ng pagkain.

Pumayag ang dalaga dahil paparating na rin daw naman ang mga kaibigan niyang sina Bernice at Cedric Lee.

Noong una ay hindi umano nakaramdam ng pagkailang si Deniece kay Vhong dahil kilala niya ito bilang makulit na komedyante.

Paglalarawan pa niya kay Vhong, “Parang ang trato ko sa kanya, parang kapatid lang, parang kuya.

"Yun din po, parang hinahawak-hawakan ako sa buhok, ganun po.”

Ngunit umalma diumano si Deniece nang bigla siyang kutuban na may ibang motibo si Vhong base sa ikinikilos nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, bigla na lang, sabi ko, ‘E, ayoko ‘yan. Ayoko ng ganyan.’

"Kasi nakakaramdam na ako."

Ang sumunod na nangyari ay ginamitan diumano siya ng lakas ni Vhong, upang mapasunod sa gusto nitong mangyaring sekswal sa pagitan nila.

Lahad niya, “Inihiga niya po ako.

"Tapos yun, pinaghihila niya ako, nakalmot... may mga kalmot nga po ako.

“Tapos, biglang hinubad po niya yung pants niya, tapos pinipilit niya po.”

Ganunpaman, hindi raw natuloy ang masamang balak ni Vhong kay Deniece dahil tiyempo namang dumating ang dalawang kaibigan ng dalaga.

Mismong si Deniece ang tumukoy sa magkapatid na Bernice at Cedric Lee bilang mga kaibigan niyang tumulong na iligtas siya mula sa diumano’y tangkang pananamantala sa kanya ni Vhong.

POLICE BLOTTER. Ayon pa rin sa panayam ni Deniece sa 24 Oras, hindi niya nasaksihan ang aktong pambubugbog kay Vhong.

Hindi malinaw kung nasaan at ano ang nangyari sa kanya noong mga oras na iyon.

Ayon kay Deniece, nagkaharap lang sila ulit ni Vhong sa police station, kung saan ipina-blotter niya ang actor-host dahil sa tangka nitong panghahalay sa kanya.

Ibinunyag din ni Deniece na may natagpuan diumanong “sex pills” sa bulsa ng suot na pantalon ni Vhong, nang kapkapan ng mga pulis ang actor-host sa tanggapan ng presinto.

Sabi ni Deniece, “Ni-report po namin kung ano’ng nangyari.

"So, may mga pulis naman po dun.

“Hindi ko naman po alam na may mga sex pills, may mga tablet-tablet.

"Hindi ko nga rin po alam yun, e.”

Nang tanungin si Deniece kung saan natagpuan ng mga pulis ang naturang “sex pills,” ito ang sagot ng dalaga: “Sa bulsa po niya [Vhong] mismo.”"

Sa kabila ng nangyari, ayaw na raw sana ni Deniece na lumaki ang gulo sa pagitan nila ni Vhong, lalo pa’t pinangangalagaan nila ang kani-kanilang reputasyon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nakasaad sa inihaing police blotter ni Deniece sa pulisya, na wala siyang balak magsampa ng kaso laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niyang lahad, “Ayoko na rin malagay pa sa ganitong ano, kumalat, or ganito.

"So, pinatawad ko po siya.

"Binigyan ko siya ng pagkakataon na magbago po.”

Ngunit sa huli, nagpasya siyang lumantad sa publiko dahil sa diumano’y mga maling paratang na inihayag ni Vhong laban sa kanya sa panayam nito sa telebisyon noong Linggo, January 26.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Handa ba siyang magsampa ng kaso laban kay Vhong?

Sagot ni Deniece, “Opo, magpa-file ako ng case, dahil unang-una, pinangalanan po ako.”

Ang mga sumunod na binitawang salita ni Deniece ay nagpapahiwatig na diumano’y may iba pang mga babae na inabuso si Vhong.

“Nalaman ko lang po sa mga kaibigan ko na may history din po.

"Nag-text din po sa akin yung mga random people na nagpapasalamt po sa akin dahil mga minanyak din po, minolestiya, yun po, ni ano, ni Vhong.”

FRAME-UP ISSUE. Sinagot din ni Deniece ang akusasyon ng kampo ni Vhong na pawang kasinungalingan ang alegasyong attempted rape laban sa komedyante.

Read: Vhong Navarro: "Hindi po ako rapist."

Bahagi lamang daw ito ng “premeditated plan” ni Deniece at ng mga kasamahan niya na pahirapan, takutin, at pagkakuwartahan ang It’s Showtime host.

Read: Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation

Buwelta naman ni Deniece ukol dito: "Napakagaling naman po namin kung na-set up po yung ganun.

“At saka kung mase-set up po namin yun, e alam ko pong napakaimpluwensiya niyang tao.

“Kakalat at kakalat din ‘yan.

"Sino bang sinira namin? Pangalan namin. Reputasyon namin.”

Ayon pa kay Deniece, makailang ulit humingi ng tawad sa kanya si Vhong noong nagkaharap sila sa presinto.

“Bakit ko pa siya dadalhin sa police station?

"Kung tutuusin, puwede ngang kung nandun, bakit niya pinirmahan [yung police blotter]?

“Bakit siya sorry nang sorry sa akin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka dun, puwede siyang sumaklolo. E, ba’t di niya ginawa yun?”

(Sa panayam ni Vhong ay sinabi niyang si Deniece ang humingi ng "sorry" sa kanya.)

Pinatutsadahan din ni Deniece ang ginawang pag-iyak ni Vhong sa gitna ng panayam nito sa telebisyon.

“Hindi ko kailangan umiyak, hingiin ang simpatiya ng maraming tao para maawa sa akin.

“Kung meron mang biktima dito at inosente, ako yun, wala nang iba,” giit ni Deniece.

Ano ang mensaheng nais niyang iparating kay Vhong?

Ani Deniece, “Eto lang [ang] masasabi ko sa’yo, if you want justice, I will give you the real justice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN