Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Sinabi ng abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga na kasong serious illegal detention ang pinakaakmang kasong isasampa sa grupo nina Cedric Lee dahil sa ginawa nilang pananakit diumano sa aktor noong January 22.


Nakatakdang magsampa ng kaso ngayong hapon, January 28, ang kampo ng aktor na si Vhong Navarro laban sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at ng modelong si Deniece Cornejo dahil diumano sa pambubugbog sa kanya noong January 22.

Ang mga kasong isasampa ng kampo ni Vhong laban sa mga ito ay serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at unlawful arrest.

Kaninang bandang 2:20 ng hapon ay sinumpaan ni Vhong ang six-page statement sa kanyang hospital bed, sa tulong ng kanyang abugado na si Atty. Alma Mallonga at ng talent manager niyang si Chito Roño.

“There will be a filing very soon, as in today, to put to rest all this mudslinging on the part of Deniece and Cedric Lee.

“All those who are known to have participated in this very horrible crime will be part of it,” ani Atty. Alma Mallonga sa panayam nito sa Mornings @ ANC kaninang umaga.

Naniniwala ang kampo ni Vhong na kasong "serious illegal detention" ang pinaka-akmang kasong isasampa laban sa grupo nina Cedric dahil sa ginawa diumano ng mga ito sa aktor.

Sabi ni Atty. Mallonga, “The fact of the matter is that Vhong Navarro was illegally detained.

“I think he was tied up, and he was forced to go to a place he did not want to go.

"He was deprived of his liberty for that purpose, of doing the bidding of these people.

"We will not argue the legal merits, but in the meantime, the facts are clear."

"INCREDIBLE STORY." Tinawag ding “incredible story” ni Atty. Mallonga ang salaysay nina Cornejo at Lee sa TV and print interviews ng dalawa kahapon, January 27.

"[It was] a very strange coincidence that Mr. Lee was on his way to the condominium unit and happened to witness Vhong on top of Deniece and that supposedly Vhong tried to fight, and that’s the reason they had to tie him up,” ayon sa abugada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanya raw opinyon, ang mga pahayag nina Cornejo at Lee ay may intensiyon “[to] sway the public to believe this incredible story.”

Nauna nang itinanggi ni Cedric ang mga akusasyon sa kanya ni Vhong, gaya ng paghingi diumano niya ng P2 million sa aktor bilang danyos kay Deniece.

Read: PEP EXCLUSIVE: Cedric Lee denies "extortion" allegation of Vhong Navarro’s camp: "I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera."

Sinabi rin ni Cedric na ang pambubugbog kay Vhong ay walang kinalaman sa paghingi nila ng pera, kundi sanhi ng pagtatanggol kay Deniece na pinagtangkaan umanong halayin ni Vhong.

Ani Cedric, pinakiusapan din daw ni Vhong si Deniece na huwag nang ilabas ang tungkol sa pangyayari dahil baka masira ang kanyang career.

Read: PEP EXCLUSIVE: Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: "Ayaw niyang masira yung career niya.


THE CCTV FOOTAGE. Tumutugma naman ang mga pahayag ni Vhong tungkol sa nangyaring pambubugbog sa kanya sa Forbeswood Heights condominium, noong January 22, Miyerkules, sa kuha ng closed circuit television (CCTV) cameras sa nasabing gusali.

Ito ay base sa kuwento ng isang reliable source ng The Philippines STAR na lumabas ngayong araw, January 28.

Ang nasabing CCTV footage ay nai-turnover na sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, January 27.

Iniabot ito kay NBI-National Capital Region Assistant Regional Director Vicente de Guzman ng limang security guards ng Forbeswood Heights na naka-duty nang mangyari ang insidente.

Ang isa raw sa mga guwardiya, si Lero Garvin, ay nakapagbigay na ng salaysay kung ano ang mga nakita niya nang lumabas ng building si Vhong kasama si Cedric.

Si Garvin ang naka-assign sa main gate ng building nang mangyari ang insidente.



MATCHING CCTV FOOTAGES. Sinabi umano ng source ng The Philippine STAR, na tumangging magpakilala, “If you’re going to look at the video and [listen to] his narration, they jibe. That is if we refer to footage of his entering and leaving the elevator.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy na mga pahayag ni Vhong ay ang pagsasalaysay niya noong Linggo sa Buzz ng Bayan.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Dagdag pa ng source, hindi kasama sa footage ang mga nangyari sa loob ng condo unit.

Kung pagbabasehan umano ang footages na “provided” ng security guards ng Forbeswood Height, makikita si Vhong na may suot na cap at nasa likod ang mga nakataling kamay, habang paalis ng building.

May kasama rin daw walong katao ang aktor, kabilang na sina Deniece at Cedric.

Naka-indicate umano sa time stamp ng video footages na nangyari ang insidente noong January 22, dakong 11 p.m.



PROTECTION FROM DOJ. Samantala, umapela ang manager ni Vhong na si Chito Roño at ang isa pang abugado ng aktor na si Atty. Dennis Manalo kay Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima para sa “swift and impartial” investigation.

Nagtungo sina Roño at Atty. Manalo sa tanggapan ni Secretary De Lima kahapon, January 27.

Ani Atty. Manalo, “We want to make sure that all the legal steps are undertaken.”

Idinagdag din ng abugado na maaari silang humingi sa DOJ ng protection para kay Vhong, matapos magtangkang pasukin ng hindi pa nakikilalang lalaki ang bahay ni Vhong noong Linggo, ilang sandali pagkatapos isalaysay ng aktor ang nangyari sa kanya sa Buzz ng Bayan.

Sinabi ni Atty. Manalo na sinigawan umano ng isang lalaki ang kasambahay ni Vhong na buksan ang gate.


Nangako naman si Secretary De Lima na magiging patas siya sa imbestigasyon.

“As in any probe that we undertake, I will make sure that the NBI’s probe will be impartial and credible.

"I will also look into Cedric Lee’s alleged connections to certain NBI officials, past or present,” sabi ng kalihim ng DOJ.

Handa rin daw magbigay ng karagdagang seguridad kay Vhong ang DOJ, sa pamamagitan ng WitNess Protection Program nito, sakaling hingin nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin din ni Secretary De Lima na pag-aaralan nila ang alegasyon ni Cornejo laban kay Vhong na tinangka diumano siyang halayin ng actor-host.

Hinahanda rin ng NBI ang pagsasampa ng hiwalay na mga reklamo laban kina Lee, Cornejo, at iba pang mga sangkot sa pambubugbog kay Vhong.

Sabi ni NBI-National Capital Region assistant regional director Vicente de Guzman III, ang plano nilang pagsasampa ng kaso ay hanggang January 30, Huwebes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN