Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Ayon sa screen grab na ipinakita ng National Bureau of Investigation (NBI) galing sa CCTV footage ng Forbeswood Heights Condominium, sa Bonifacio Global City, makikitang pagkalipas ng tatlong minuto (encircled in red) simula nang makapasok si Vhong Navarro (kaliwa) sa condo, sumunod namang pumasok ang nambugbog umano sa TV host-dancer na si Cedric Lee (kanan).


Isa raw sa matibay na ebidensiya ng kampo ni Vhong Navarro ay ang CCTV (closed-circuit television) footage na nakuha ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Forbeswood Heights Condominum, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang nasabing CCTV footage ay kuha noong Miyerkules, January 22, 2014—ang araw na nabugbog ang TV host ng grupo nina Cedric Lee dahil diumano sa tangkang panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.

Ayon sa ulat ng Pilipinas News (PNews) ng TV5 kagabi, January 28, sinabi ng isang opisyal ng NBI na tumugma ang naturang video sa statement ni Vhong.

Base sa mga screen grab mula sa CCTV footage na inilabas ng NBI, makikita ang paglabas-masok ni Vhong at ang grupo ni Cedric sa condominium na tinitirhan ni Deniece noong Miyerkules, January 22.

Sa unang screen grab, makikitang dumating si Vhong sa Forbeswood Heights ng 10:38 p.m.

Sumakay ang aktor ng elevator papuntang second floor papunta sa unit ni Deniece.

Ilang minuto matapos sumakay si Vhong sa elevator, makikita namang sumakay ng elevator si Deniece at bumaba sa lobby.

Naka-sleeveless, shorts, at tsinelas lang daw ang modelo.

Ayon pa sa ulat, nakunan din si Deniece ng CCTV footage sa lobby at lumabas daw ito ng condominium.

Bandang 10:41 p.m. sa time stamp ng CCTV sa lobby ng Forbeswood Heights—tatlong minuto mula nang pumasok si Vhong sa condo—nakunan naman si Cedric Lee na papasok sa condo.

10:43 p.m. naman nang makunan ang dalawang lalaki, na sinasabing kasamahan ni Cedric, na pumasok sa gusali.

Sumunod ding nakunan ang iba pang kalalakihan na paakyat din ng elevator.

Base pa rin sa ulat, ayon sa video na hawak ng NBI, sunod daw na umakyat si Deniece kasama ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee.

Matapos daw ang mahigit tatlumpung minuto, muling pumasok ng elevator ang grupo ni Cedric.

Sa pagkakataong ito ay kasama na si Vhong, na nakatalikod sa camera at tila nakagapos ang mga kamay na binabantayan ng isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa sa ulat, makikita na may kasama na silang dalawang lalaki na hindi nakitang kasama ng grupo na pumasok sa condo.

Kasama na rin sina Bernice at Deniece sa naturang kuha ng CCTV sa may elevator.



STRONG EVIDENCE AGAINST CEDRIC, DENIECE, AND COMPANY? Kung pagbabasehan ang nasabing mga kuha ng CCTV, ayon sa abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, tila hindi ito tumutugma sa naunang pahayag ni Cedric na naabutan nilang ginagahasa ng aktor si Deniece.

Saad pa ni Atty. Mallonga, “It [CCTV] will show, beyond a shadow of a doubt, that this was a set up.”

Matatandaang sinabi ni Cedric sa kanyang mga panayam na kaya nila nabugbog si Vhong ay dahil nakita nilang ginagawan ng kahalayan ng aktor ang kanilang kaibigang si Deniece, nang madatnan nila ito sa condo unit ng modelo.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies "extortion" allegation of Vhong Navarro’s camp: "I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera."

Ayon naman sa NBI, tumutugma ang pahayag ni Vhong sa nakuhang video sa CCTV.

Nakalagay rin daw kasi sa naturang video ang oras ng pagpasok at pagdating ni Vhong at ng iba pang sangkot sa kasong ito.

Ayon pa kay Atty. Vicente de Guzman, assistant regional director ng NBI-NCR, “As stated by Mr. Vhong Navarro, it appears na nagdya-jibe itong kanyang istorya with that of CCTV footage."

Sa panayam kay Vhong sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 26, inilahad nito ang mga pangyayari noong pagdating niya sa condo ni Deniece noong January 22, hanggang sa humantong sila sa istasyon ng pulisya.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN