Deniece Cornejo’s camp changes charges against Vhong Navarro from attempted rape to rape

Atty. Howard Calleja (inset) on innocence clients Deniece Cornejo and Cedric Lee: “Ang malinaw, ang nakaabot sa panghahalay ay si Cedric at yung kapatid niya [Bernice Lee]. Nung pumasok sila, nakita na nandoon si Vhong at sa aktong, yun nga, rape kay Deniece.”


Naghain na ng reklamong rape si Deniece Cornejo laban sa aktor na si Vhong Navarro sa Taguig Prosecutor’s Office kaninang hapon, January 29.

Ngunit bago ito ay nagpaunlak ng panayam ang abugado ng modelo na si Atty. Howard Calleja sa "Punto Por Punto" segment ng Umagang Kay Ganda (UKG) kaninang umaga.

Bukod kay Deniece, kasama rin sa kliyente ni Atty. Calleja—katuwang si Atty. Connie Aquino—ang negosyanteng si Cedric Lee at iba pang sinampahan ng multiple cases ni Vhong kahapon.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

RAPE ACCUSATION. Ayon kay Atty. Calleja, base sa kanilang evaluation sa kuwento ng mga kliyente nila, hindi lang attempted rape ang nangyari, gaya ng unang inireklamo ni Deniece laban kay Vhong.

“Nung aming pag-evaluate ng mga facts o mga kuwento, sabi namin, mukhang hindi attempted rape ang nangyari.

"Sabi ko nga, when we evaluated it, it appears there was rape."

Paano niya nasabing nagkaroon ng “rape” kay Deniece?

Tumangging magbigay ng detalye ang abugado.

Paliwanag niya, “Because yung detalye, let’s leave it to the courts,.

“Ang sa amin lang siguro, maraming tao, hindi naman abugado, hindi na nila nalalaman ang diperensiya ng attempted rape or rape.

“Marami diyan ang hindi nakakaalam na noong 1997, may bago tayong batas sa rape na nag-iba ng elements ng definition ng rape.

“Dati kasi, maiintindihan natin ang ang sinasabing rape kung may pagtatalik, kung may penetration.

“Ngayon, hindi naman necessarily na may pagtatalik, rape na.”

Idiniin niyang malinaw ang kuwento sa kanya ng mga kliyente niya.

“Sabi ko nga, huwag na nating puntahan yung detalye because we would also like to protect the integrity… kumbaga, maselan sa babae.

“So, ’andun na lang tayo and we will file, as I said, andun yung facts presented to us, our study points out to the crime of rape."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ACT. Inusisa rin ng host na si Anthony Taberna kay Atty. Calleja kung normal ba na kapag hahalayin ng assailant ang biktima ay siya ang unang mag-aalis ng pantalon.

Sa panayam kasi kay Deniece, sinabi nito na nang ihiga siya ni Vhong, tinanggal diumano ng actor-host ang pantalon habang pinipilit ang dalaga sa gusto nitong mangyari.

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Tugon ni Atty. Calleja, “Marami na akong nahawakan both on the part ng na-rape at nang-rape.

“Iba-iba ‘yan at karamihan talaga, totoo ‘yan...

"Most often than not, yung nang-rape o yung merong tangka... ang [tinatawag] namin sa abogado na carnal knowledge, e, usually siya ang unang nagtatanggal ng suot o ng baro. "

So, ang rapist nga ang unang naghuhubad?

Sagot ng abugado, “Ang sinasabi ko, ito’y nangyayari.

"Hindi naman ito kataka-taka kasi meron rin naman akong nahawakan na ganito rin ang mga consequence o pangyayari."

Normal din ba na iwang bukas ang pinto ng condo sa pagkakataong tatangkain ng rapist na halayain ang biktima?

Sa salaysay kasi ni Cedric Lee, pagpasok nila sa condo unit ni Deniece ay nahuli nila sa akto ang aktor na nakapatong sa modelo.

Mabilis na sagot ni Atty. Calleja, “Meron din namang rape na hindi sa bahay.

“Meron din namang rape na sa talahiban.

“Hindi natin masasabi, kasi siguro kapag inabot na siya ng pagnanasa, kahit saan, kahit anong paraan at pagkakataon…

"At ang sinasabi ko, siguro kung titingnan natin dun, mas hindi kapani-paniwala na kung ikaw ay gagawa ng isang krimen—katulad ng aking mga kliyente na sila’y inaakusahan ng krimen—ang una nilang pupuntahan at una nilang tatawagan ay ang mga pulisya.

"Yun ang mas hindi kapani-paniwala."

THE POLICE STATION. Ang tinutukoy ng abugado ay ang pagdiretso ng grupo nina Cedric sa Southern Police District (SPD) mula sa Bonifacio Global City para ipa-blotter si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit tumungo pa ang grupo ni Cedric sa SPD gayong may mas malapit na police station sa Forbeswood Heights kung saan nangyari ang insidente?

Ang nasabing presinto ay malapit sa The Fort Strip.

Paliwanag ni Atty. Calleja, “Actually, hindi naman malayo ang pinuntahan na police station, at nakita ko…

"Kung titingnan mo yung puwesto ng condo, dire-diretsuhin mo lang yung kalye, tutumbukin mo na yung istasyon na ‘yon.

"Pero di mo makikita ang istasyon na ‘yon kung hindi mo alam ‘yon, kasi kakaliwa ka pa, hindi naman siya diretso, lilihis ka pa ng kalye.

“Hindi natin alam kung sino’ng may alam [sa kinaroroonan ng presinto].

“Hindi naman ipinangalandakan, ‘May presinto dito,’ sasadyain mo.

“Compared dito sa isa [SPD] na didire-diretsuhin mo ang takbo.”

Hindi ba dapat ay ipinagbigay-alam muna sa pamunuan ng Forbeswood Heights ang tungkol sa insidente, at ang security na ang magdadala sa akusado sa presinto?

“Puwede rin po ‘yon.

"Hindi ko sinasabi na hindi nangyayari ‘yon, pero tama po sa akin ang ginawa nila,” pagtukoy ng abogado sa kanyang mga kliyente.

“Bilang abugado at kung ako rin ang nasa lugar nila, ang una kong pupuntahan talaga o tatawagan, pulis.

“Siguro yung guwardya, puwedeng ipasabi [ang tungkol sa insidente].”

Dagdag ni Atty. Calleja, “Wala naman silang itinatago sa guwardiya. Dumaan pa nga sila sa daanan."

Depensa pa niya, kung talagang may motibo ang kampo ni Cedric na itago ang pangyayari ay sa parking lot sila dadaan kung saan posibleng walang makakita sa kanila.

“Sabi ko nga, kung iyon ay pinagplanuhan, makaklaro ‘yon.

“Pero dumaan pa sa area na public, kitang-kita ng tao.

“Wala namang itinatago, kasi wala naman silang ginawang krimen.”


CCTV IN FAVOR OF VHONG. Nasa kamay na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang CCTV (closed-circuit television) footage na nagpapakitang nakatali ang mga kamay ni Vhong, kasama ang grupo ni Cedric, habang palabas ng condo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa mga ulat ay tugma ang naging pahayag ni Vhong sa Buzz ng Bayan noong January 26, Linggo, sa inilabas na CCTV footage.

Kumpiyansa naman ang kampo ni Vhong na papabor sa kanila ang paglabas ng CCTV footage.

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage released by NBI

Ano ang reaksiyon ni Atty. Calleja rito?

“Malinaw po ‘yon. Pabor sa kanila in a sense na… sabihin natin, ‘no, sinasabing nakita sila after the fact.

“Pero pabor din sa amin dahil sabi ni Vhong Navarro sa kanyang mga interview at sa inyong istasyon din [ABS-CBN], na siya ay na-set up.

"Nung dumating siya, nandun na yung mga tao sa kuwarto.

“Pero sa CCTV na ito, pabor [sa amin] na sinasabing wala pa yung mga taong ‘yon [sa condo unit]. Bakit?

“Klaro na nauna si Vhong Navarro bago [dumating] yung mga kliyente ko.

“So, ‘yon, pabor sa istorya at kuwento ng mga kliyente ko na sinasabing hindi ito set up.

“Sinasabi namin na nung nangyari ‘yon, naabutan namin sila sa pangyayaring ‘yon, contrary o salungat dun sa sinasabi ni Vhong na dumating siya ay nandun na yung mga tao at siya ay pinagplanuhan.”

Ilang tao ang mga kasama ni Cedric sa condo unit?

“Hindi ko masabi yung eksaktong number kasi, sabi ko nga, nakausap ko, apat pa lang.

“Di ako sigurado [kung] ilan sila at that time.

“Ang malinaw, ang nakaabot sa panghahalay ay si Cedric at yung kapatid niya [Bernice Lee].

“Nung pumasok sila, nakita na nandoon si Vhong at sa aktong, yun nga, rape kay Deniece.”

Ang apat na taong nakausap daw ni Atty. Calleja ay sina Cedric, Deniece, Bernice, at isang nagngangalang Ferdinand Guerrero.


NBI ON CCTV. Sa puntong ito ay kinausap naman ni Anthony si NBI Director Virgilio Mendez na nasa linya ng telepono.

Hindi pa raw napapanood ng NBI director nang buo ng CCTV na nasa kamay nila. Pero kumpiyansa siyang papabor ang ebidensiyang ito sa panig ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Positive ako that this CCTV will really help the prosecutors that will be conducting the [investigation] na magkaroon ng tamang appreciation sa facts ng pangyayari.”

Sabi ni Anthony, may nakapagsabi sa kanya na makikita sa footage na may lima o anim na pumasok sa condo unit, pero ang lumabas ay umabot sa tinatayang siyam.

Ang kontensiyon daw rito ay may dalawang taong kasama ni Cedric ang nasa loob na ng condo unit bago pa man dumating si Vhong.

Sinabi ng NBI director na hindi pa niya ito matiyak, subalit tiwala siya na mabibigyan ng linaw ang dalawang kampo kapag nakita na ng Taguig Prosecutor’s Office ang CCTV footage.

Naitanong din si Director Mendez kung masusuportahan ang mga reklamong isinampa ng NBI laban kay Cedric.

Ito ang mga kasong serious physical injuries, grave threats, grave coercion, at serious illegal detention na isinampa noong January 28, Martes.

Sabi ni Director Mendez, “Palagay ko naman po, batay sa mga nakukuha naming ebidensiya, I think we have sufficient evidence to come out with our recommendation.

“But ito, recommendation lang naman sa amin.

“The final verdict and final appreciation will be done by the Office of the Prosecutor kaya ibubuhos na lang namin ang makukuha naming ebidensiya kung mayroon pa kaming idagdag, so that we will have this complete picture of what really happened.”

Sumagot naman si Atty. Calleja at sinabi sa NBI director na makikipagtulungan sila sa NBI para sa pag-usad ng kaso, pero nakiusap siyang bago magbigay ng recommendation o anumang hakbang ang NBI ay pakinggan ang dalawang panig.

Tiniyak naman ni Director Mendez na makikinig ang ahensiya sa dalawang kampo.

Tanong ni Anthony si Atty. Calleja: Naniniwala ba siyang walang kasalanan ang kanyang mga kliyente?

“Wala nga,” tugon ng abugado.

Balik-tanong pa niya sa host, “Kung ikaw ay may kapatid o kaibigan at naabutan mo hinahalay, sa pagkakataon [na ‘yon], ano ang gagawin mo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN