Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Ayon sa legal counsel ni Deniece Cornejo (left) na si Atty. Howard Calleja, maituturing na rape ang ginawa umanong pamumuwersa ni Vhong Navarro (right) sa kanyang kliyente. Ito ay sa kabila ng walang nangyaring sexual intercourse sa pagitan nina Deniece at Vhong.


Naghain na ng kasong panggagahasa si Deniece Cornejo, 22, laban kay Vhong Navarro, 37, sa Prosecutor’s Office ng Taguig City, ngayong hapon, January 29.

Pahayag ni Deniece sa panayam ng 24 Oras kaninang hapon, “Ito ang tamang paraan para mabigyan ng leksiyon ang mga taong binigyan mo na ng kabutihan, sinuklian ka pa ng kasamaan.

“Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao niya. Hinuhusgahan ko yung ginawa niya.”

Bagamat patuloy na umaani ng pambabatikos si Deniece mula sa mga tagasuporta ng actor-host, desidido raw ang dalaga na ipaglaban ang karapatan at prinsipyo niya.

Hindi rin umano hahayaan ni Deniece na masira ang reputasyon niya at ng kanyang pamilya, lalo pa’t nasa panig siya ng katotohanan.

“Kung ikakamatay ko, kung ikakakulong ko, hindi ako natatakot.

“At least, may ginawa akong kabutihan at naturuan ng leksiyon, hindi lang si Kuya Vhong at yung mga taong walang utang na loob,” naiiyak na saad ni Deniece.

Dagdag naman ng legal counsel ni Deniece na si Atty. Connie Aquino: “We are confident that a crime has been committed.”

REASON BEHIND THE RAPE CHARGE AGAINST VHONG. Matatandaang “attempted rape” ang alegasyon ni Deniece laban kay Vhong, base sa police blotter na isinumite nila sa Southern Police District, matapos mabugbog ang actor-host noong gabi ng January 22.

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Ngunit ipinaliwanag ng isa pang legal counsel ni Deniece, si Atty. Howard Calleja, na maituturing na panggagahasa ang ginawa diumano ni Vhong sa kanyang kliyente.

Bagamat walang sexual intercourse na naganap sa pagitan nina Deniece at Vhong, ang mahalaga ay malinaw na tumanggi ang biktima sa pang-aabusong naganap.

Saad ni Atty. Calleja sa panayam ng Unang Balita kaninang umaga, “Dati ho ang rape, merong penetration, may contact, yung talagang pumasok.

"Ngayon, dumampi lang ’yan sa kahit anong bagay or ganun ng mga participant doon, ’yan ay kasama na ng rape.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw rason para matigatig ang kanilang kampo dahil sa lumabas na closed-circuit television (CCTV) footage ng pagpasok at paglabas ng grupo nina Deniece at Cedric Lee kasama si Vhong sa Forbeswood Heights condominium noong gabing mangyari ang insidente.

Ito ay sa kadahilanang hindi naman naipakita sa naturang CCTV footage kung ano ang naganap sa loob mismo ng condo unit ni Deniece, kung saan ginahasa diumano ni Vhong ang dalaga.

Nabanggit din ni Atty. Calleja na ang kasong rape na isinampa ng kampo ni Deniece laban kay Vhong ay base sa impormasyong ibinigay ng dalaga.

DENIECE’S SIDE OF THE STORY. Sa panayam ng 24 Oras noong January 27, inilahad ni Deniece na ilang beses siyang kinukulit ni Vhong na sundan ang una nilang pagkikita noong January 17.

Bagamat medyo nakaramdam na raw ng pag-aalinlangan si Deniece, kinalaunan ay pumayag siyang papuntahin muli si Vhong sa kanyang condo unit noong gabi ng January 22.

Ito ay dahil inaasahan din naman daw ng dalaga na dadating ang dalawa niyang kaibigang sina Cedric at Bernice Lee upang sunduin siya.

Ngunit nang papasukin umano ni Deniece si Vhong sa loob ng kanyang condo unit, bigla na lang daw siya nitong pinuwersa upang may mangyaring sekswal sa pagitan nila.

Sa puntong iyon ay dumating na raw sina Cedric at Bernice, kaya’t hindi umano natuloy ang tangkang panggagahasa ni Vhong kay Deniece.

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Ganunpaman, pinanindigan ni Vhong na pinakitaan siya ng motibo ni Deniece noong unang beses silang magkita sa condo unit nito noong January 17.

Iginiit din ng actor-host na noong ikalawang beses silang nagkita noong January 22 ay walang naganap na anumang seksuwal sa pagitan nila ni Deniece.

Bagkus, kakapasok lang umano ni Vhong sa loob ng condo unit ng dalaga nang biglang pinagbubugbog na siya ni Cedric at iba pang kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro: "Hindi po ako rapist."

Read: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation

Kahapon, January 28, nagsampa ng kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, at blackmail ang kampo ni Vhong laban sa grupo nina Cedric at Lee sa Department of Justice.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention case

Posible naman daw magsampa pa ng karagdagang kaso ang kampo ni Vhong laban kina Deniece at Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN