Jessica Soho assures fair GMA News coverage on Vhong Navarro mauling incident

“Makakaasa po kayo na ang GMA News ay nananatiling walang kinikilingan at patas sa pagbabalita,” assures Jessica Soho about their coverage of the ongoing mauling incident involving Kapamilya actor Vhong Navarro.


Umaani ngayon ng batikos ang veteran broadcaster na si Jessica Soho dahil sa kanyang naging komento sa ulat tungkol sa CCTV footage kaugnay ng isyung pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

Sa evening news program na State of the Nation with Jessica Soho ng GMA News TV, ang news channel ng Kapuso network, noong Martes, January 28, iniulat ng field reporter na si John Consulta ang tungkol sa CCTV footage na nakuha ng National Bureau of Investigation (NBI).

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Matapos ang ulat ay nagkaroon ng pagtatalakay sa pagitan nina John at Jessica.

Dito, muling ikinuwento ni John ang mga nakita sa CCTV footage.

Pagkatapos ay sinabi ni Jessica: “Kung hindi ako nagkakamali, tugma ‘yan doon sa testimony ni Vhong Navarro, na may lumabas na mga lalaki within the condominium at tinutukan siya ng baril.”

Sa kanilang pag-uusap, naipaliwanag din ang ginagawang hiwalay na imbestigasyon ng NBI at ng Taguig Police.

Sabi ni John, “Maganda na rin lang daw na magkaroon ng alternatibong organization na maaaring tumulong sa naagrabyado para raw magkaroon ng mas balanse at walang masabing whitewash sa imbestigasyon.”

Sa huling bahagi ng ulat, nagbigay ng kanyang komento si Jessica.

Saad niya, “John, ito ay isang kaso ng ‘he said-she said,’ the truth is out there, sabi nga natin.

“Just to manage expectations, ‘no, may CCTV, may pagkaano ‘yan, e, na ’Wow, may CCTV na.’

“Pero actually, tugma ang timeline ng magkabilang kampo, di ba, hindi naman nila nire-refute.

“Una, dumating si Vhong Navarro, sumunod si Bernice and Cedric Lee, then may nakitang mga lumabas.

"Parang... I don’t know sa appreciation ko ng kaso kung tama, ano, John, pero parang doon sa flow of events, sa version ng magkabilang kampo, walang magkaiba, e, consistent sila.

“Pareho sila ng sinasabi.

“So, I don’t know if itong video na kuha sa lobby ng condominium will amount to anything much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch: Video: CCTV footage of Vhong, Deniece, Cedric and companions; as presented by NBI to media

NEGATIVE REACTIONS. Sa micro-blogging site na Twitter, marami ang nagbigay ng negatibong komento tungkol sa sinabi ni Jessica, at binigyan na naman ng kulay ang pagkakaiba ng network na pinaglilingkuran nila.

Si Jessica ay isa sa prominenteng pigura at mataas na opisyales ng News and Public Affairs department ng GMA Network.

Si Vhong naman ang host ng daily noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Dahil dito, karamihan sa mga negatibong komento ay nagsasabing “bias” diumano si Jessica sa kanyang naging pahayag tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Vhong.

Narito ang ilan sa mga negatibong komento tungkol kay Jessica:

Sa kabilang banda, may ilan din namang nagbigay ng suporta sa Kapuso broadcaster.

Sa You Tube account ng GMA News, may isa pang nagsabi na huwag magpadalus-dalos sa pagtira kay Jessica Soho.

FAIR REPORTING. Samantala, sa “Postscript” ng State of the Nation kagabi, January 29, nagbigay ng pahayag si Jessica tungkol sa pamamaraan nila ng pagbabalita tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Vhong Navarro.

Narito ang kabuuang pahayag ni Jessica Soho:

“Dito po sa State of the Nation kagabi [January 28], sa ulat ng aming reporter na si John Consulta, naipuntos ang maikling time intervals sa pagdating sa lobby ng condominium ng mga taong sangkot sa kaso ngayon ni Vhong Navarro.



“Lumabas din sa aking Q and A o question and answer kay John Consulta na importanteng ebidensiya ang CCTV footage para sa imbestigasyon ng NBI.

“Nabanggit ko rin na ang CCTV ay tila naaayon sa naunang pahayag ni Vhong Navarro tungkol sa nangyari sa kanya.



“Katulad po ng aming pagbabalita sa panig ni Vhong Navarro, ibinabalita rin po namin ang panig nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, at ang iba pang mga may kaugnayan sa kaso.



“Makakaasa po kayo na ang GMA News ay nananatiling walang kinikilingan at patas sa pagbabalita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN