James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now

James Yap on Kris Aquino’s parenting style: “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko... Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya. Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, ’Sige, gawin mo yung ganito.’ Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod."


Limang buwan na raw hindi nakikita ng PBA player na si James Yap ang ang anak nila ng dating asawang si Kris Aquino—si Bimby Aquino Yap.

Ito ang isiniwalat ni James nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Virtual Sports, Inc., na pag-aari ng manager niyang si Dondon Monteverde, sa Revolver Fort office, Bonifacio Global City, Taguig, kagabi, January 30.

“Matagal ko na siyang hindi nakita. Sana makita ko siya soon.

"Mahirap lang magsalita… pero huwag na lang… okay lang,” medyo nag-aalangang pahayag ng basketball star.

Umiwas din si James nang tanungin namin tungkol sa visitation rights, na sa pagkakaalam ng publiko ay iginawad na sa kanya ng korte.

Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court

Saad niya, “No comment na lang muna ako diyan, kasi medyo siyempre lumagpas ako sa ako… may gag order pa kasi ako.

"Bawal magsalita sa kung anumang isyu sa aming dalawa ng nanay niya.

“Siyempre bilang tatay, mami-miss mo yung anak mo.

"Basta dasal na lang na sana maayos na ang lahat at makasama mo yung anak mo."

Dagdag pa ni James, “Sa billboard ko lang siya nakikita, o sa pelikula din.

“Hindi ko na alam ngayon kung gaano na siya katangkad.

“Hopefully soon, makakasama ko na ang anak ko.”

PROUD DAD. Pero inamin ni James na proud siya sa kanyang anak nang mapanood ang unang pelikula nito, ang My Little Bossings, noong Metro Manila Film Festival 2013.

Nagpa-block screening daw si James kasama ang mga kaibigan, at natutuwa siya dahil pinuri raw si Bimby at maganda ang kinalabasan ng pelikula.

Aniya, “Nagulat ako na magaling pala umarte. Nakakatuwa.

“Siyempre, nung una kong napanood, talagang sobrang saya.

"And siyempre, bilang tatay, proud na proud ka.

“Kasi bilang tatay, pag may nagawa ang anak mo tulad ng ganyan, siyempre proud ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung gusto raw ni Bimby na ituloy ang pag-aartista, suportado naman daw ito ni James, basta huwag lang maapektuhan ang pag-aaral.

Dagdag pa niya, “Kasi ako, sa totoo, hindi ako nakatapos sa pag-aaral ko, and gusto ko matapos siya.

"Huwag lang maapektuhan yung pag-aaral niya, dahil yun ang pinakaimportante."

Hindi naman daw na-offend si James nang nakita niya sa billing sa pelikula na "Aquino" ang apelyidong gamit ni Bimby, at hindi ginamit ang "Yap."

“Sa akin, okay lang yun.

"Siyempre, okay kahit anong gawin nila diyan sa pelikula.

"Pero sa totoong buhay, sa palagay ko, parang hindi naman tama.

“Bahala sila sa pelikula, kung hindi gamitin yung [apelyido] ko… bahala siya, basta sa akin sa totoong buhay.

“Sa pelikula, puwedeng gumawa ng screen name, so tanggap lang.

“Kung hindi nila type yung [apelyido] ko, basta sa totoong buhay, huwag nilang galawin,” saad ni James.

KRIS AS A MOTHER. Hindi naman daw kinukuwestiyon ni James kung paano alagaan at palakihin ni Kris ang kanilang anak.

Masaya raw si James sa pagpapalaki ng dating asawa kay Bimby.

Sabi niya, “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko, and nakita ko din yung pagpapalaki niya kay Josh.”

Si Josh ang anak ni Kris sa dating nitong karelasyon na si Phillip Salvador.

Patuloy ni James, “Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya.

“Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, ’Sige, gawin mo yung ganito.’

"Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod.

"Either gusto niyang mag-artista o gusto niya mag-businessman o mag-basketball player, hindi natin alam.

“Ako, andito lang ako, susuportahan siya kung anong gusto niyang gawin in the future.”

Umaasa pa rin ba si James na magkakaayos sila ni Kris at maging magkaibigan alang-alang sa kanilang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Hindi ko alam, e.

“Siguro darating din yung panahon talaga, yung walang choice kundi… kumbaga maging civil lang.

"Kasi siyempre, may anak kami.

"Hindi naman puwedeng paglaki ni Bimby, magkaaway pa rin kami."

WEDDING TALKS. Pagdating sa kanyang relasyon kay Michela Cazzola, itinagngi ni James ang balitang magpapakasal na sila.

“Wala pa naman, e.

“Hindi naman minamadali ‘yan. So, relax lang.

“Ini-enjoy lang namin ang isa’t isa.

"Kasi yun naman talaga ang importante.

"Kasi yung pagpapakasal, hindi mawawala ‘yan. Basta kilalanin niyo muna ang isa’t isa.”

Ang hiling lang ni James, kung sakaling si Michela na nga ang pakakasalan niya, tanggapin din nito ang kanyang anak.

Sabi niya, “Pag hindi niya matanggap na meron akong anak, e, di hiwalay na lang.

"Kasi yun ang importante, kailangan matanggap mo yung anak ko, package deal na ‘yan.

"Kailangan maintindihan na niya na may anak ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN