Kris Aquino on James Yap not seeing son Bimby for five months: “James hasn’t exerted the effort.”

Sinagot ni Kris Aquino (kanan) ang pahayag ni James Yap (kaliwa) tungkol sa hindi nila pagkikita ng anak na si Bimby. Aniya, “There has been no reason, legal or personal, preventing James from going to Bimb’s school to pick him up and take him out for merienda. James just hasn’t exerted the effort."


Kamakailan, sa isang event, inamin ni James Yap na limang buwan na nitong hindi nakikita ang anak na si James “Bimby” Yap Jr. at sobrang na-miss na raw niya ito.

Proud din daw siya sa natamong tagumpay ng anak pagdating sa pag-arte dahil tumabo ang pelikulang kinabibilangan nito na My Little Bossings, isa sa mga entry sa nakaraang 2013 Metro Manila Film Festival.

Read: James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now

Pero ayaw na nitong mag-detalye pa kung bakit hindi sila nagkakasama ni Bimby kahit alam ng karamihan na legal na siyang makipagkita dito, alinsunod na rin sa visitation rights na napagkasunduan nila ng ex-wife na si Kris Aquino.

Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court


“JAMES JUST HASN’T EXERTED THE EFFORT…” Kaagad namang nagbigay ng statement si Kris tungkol sa hinaing ni James.

Sa ipinadala nitong pahayag sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, January 31, sinabi nitong wala naman daw legal o personal na balakid ang basketbolista upang makasama ang anak.

Diin pa ng tinaguriang Queen of All Media, si James daw mismo ang walang kusa na makita si Bimby.

Narito ang kabuuang pahayag ni Kris.

“There has been no reason, legal or personal, preventing James from going to Bimb’s school to pick him up and take him out for merienda.

“James just hasn’t exerted the effort.

“With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15.

“I asked Bimb if this was okay with him and he said yes.

“So, it’s just up to James to make the effort.”

Sa February 15 ang 32nd birthday ni James. Isang araw bago ito, si Kris naman ang magsi-celebrate ng kanyang 43rd birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James sa launching ng pinakamalaking sports management firm sa bansa noong January 30, sinabi nitong suportado niya ang pag-aartista ng anak na si Bimby.

Aniya, “Bilang tatay, gano’n naman talaga. Kung ano ang gusto ng anak mo, susuportahan mo. Huwag mong kontrahin, di ba?

“Dahil siyempre, kung gusto niya talagang mag-artista, ’di nandito rin ang Tatay niya na sumusuporta.”

Watch video here: James Yap and other star cagers lead roster of athletes under the biggest sports management firm in the Philippines


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN