PEP EXCLUSIVE. James Yap lawyer Atty. Lorna Kapunan reveals PPO favoring Kris Aquino prevents the cager from visiting son Bimby

Ayon sa kampo ni James Yap (kanan), nahihirapan ang cager na mabisita ang anak na si Bimby (gitna) dahil sa Permanent Protection Order (PPO) ng korte na pabor kay Kris Aquino. Binabawalan din daw nito ang cager na lumapit sa yaya, kasambahay, guwardiya, pati na rin ang tumawag at magpadala ng text messages sa kanila.


Hangga’t maari, ayaw na raw sana ng kampo ni James Yap na makipagpalitan ng salita kay Kris Aquino.

Pero sa ekslusibong pahayag ng abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, February 1, klinaro nito sa pamamagitan ng text ang visitation rights na iginawad ng korte sa kanyang kliyente.

Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court

Ang nagiging hadlang daw rito ay ang Permanent Protection Order (PPO) ng korte kay Kris.

Kaya kung kasama lagi ni Bimby ang kanyang ina, hindi makakalapit si James.

Narito ang statement ni Atty. Lorna Kapunan:

“We do not want to engage in a verbal exchange with Kris.

“There is an order of the court recognizing James right to visitation.

“The parties have to comply with it IN GOOD FAITH.

“There is also a Permanent Protection Order (PPO) in Kris favor so James cannot go near Bimby if he is always with Kris.”

Mayo ng nakaraang taon nang i-deny ng korte ang petition for PPO ni Kris laban kay James para hindi ito makalapit sa anak. Pero iginawad naman ng korte ang PPO ni Kris laban kay James, para hindi ito makalapit sa kanya.

Read: Court denies permanent protection order filed by Kris Aquino’s camp for son Bimby against James Yap


PPO COVERS YAYAS, MAIDS, GUARDS, CALLS, TEXT MESSAGES. Isa pang gustong klaruhin ni Atty. Kapunan ay ang sinabi ni Kris na walang "effort" si James para makita ang anak.

Read: Kris Aquino on James Yap not seeing son Bimby for five months: “James hasn’t exerted the effort.”

Sagot ito ni Kris sa pahayag ni James na limang buwan na niyang hindi nakikita si Bimby, na miss na miss na raw niya.

Read: James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Atty. Kapunan, kahit pa maari raw bisitahin ni James si Bimby sa eskuwelahan nito para makapag-bonding silang mag-ama, ang madalas na kasama ng anak ay sakop ng PPO.

Saad ng abugado sa text, “The PPO also covers the yayas, maids, guards so James cannot get near Bimby if they are with him unless on dates scheduled by the court as agreed by the parties.

“PPO covers also calls, text messages.”


BIMBY DOESN’T WANT TO SEE DAD? Samantala, ayon sa reliable source ng PEP, si Bimby raw mismo ang ayaw na bumisita si James.

Kung noon ay masaya ito sa tuwing kasama si James, nag-iba raw ang pakikitungo nito sa ama since last year.

Taliwas ito sa pahayag ni Kris na payag daw ang anak na makasama ang basketbolista sa paparating na birthday nito sa February 15.

Bahagi ng statement ni Kris, “With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15.

“I asked Bimb if this was okay with him and he said yes.

“So, it’s just up to James to make the effort.”

Kinokontak na ng PEP si Kris Aquino. Bukas ang website na ito sa magiging pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN