Claudine Barretto affected by Vhong Navarro’s ordeal; rants about abuse on Twitter

Nakaka-relate daw ang aktres na si Claudine Barretto tungkol sa sinapit na pangbubugbog sa kaibigan nitong si Vhong Navarro. Sinabi rin nito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na ipinasa-Diyos na niya ang lahat.


Naka-relate daw si Claudine Barretto sa nangyaring pambubugbog kay Vhong Navarro.

Ito ang laman ng Twitter conversation kahapon, February 2, sa pagitan ng abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio at isang supporter ng aktres na may handle name na "@claire_baring."

Nagsimula ang usapan nang nag-retweet si Atty. Topacio ng balita tungkol sa pagdulog ng manager ni Vhong na si Chito Roño kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Sabi ni Atty. Topacio: “RT“@ABSCBNNews: Mar meets with Chito Rono, lawyer over Vhong mauling." -I condemn what happened to Vhong, but this is the height of Epalism!”

Sagot dito ni @claire_baring: “@FerdieTopacio @ABSCBNNews I agree, atty. I really do. Too much!”

Tugon naman ni Atty. Topacio: “@claire_baring @ABSCBNNews Thanks po. Pls continue supporting our Optimum Star. She was also affected about Vhong, her dear friend.

“Kung baga, she can totally relate to what happened to Vhong. Alam mo na."

"Optimum Star" ang titulo ni Claudine sa showbiz.



“GOD WILL NOT ALLOW NA…” May ilan pang palitan ng mensahe sina Atty. Topacio at ang naturang fan ni Claudine.

Ilang minuto lang ang nakalipas, tumugon na si Claudine sa thread ng usapan nila.

Sabi niya, “Yes. Unfortunately i will jus hav to cry out to God everytym dey do this.”

Kasunod pang mensahe ng aktres: “i will try my very best kayanin ito bt to punish & Lie abt my Parents laki ng Utang na babayaran nilang lahat na niloko at inabuso ako coz God will not allow na.”

Sa ngayon, nanatili pa ring may hidwaan ang pamilya Barretto kung saan nagbabatuhan ito ng akusasyon laban sa isa’t isa.

Kasalukuyan pa ring dinidinig ang kasong isinampa ni Claudine laban sa estranged husband na si Raymart Santiago dahil sa diumano’y pang-aabuso nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago

“YOU WANT WAR….” Incidentally, nag-post din kahapon, February 2, ng isang makahulugang photo-layout ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account (@gretchenbarretto).

Nakasaad dito ang mga salitang: “You want war, I give you war.”

May caption itong: “Repost from @joyortega this is hilarious.”

Ang linyang “You want war, I give you war” ay ang pamosong dialogue ni Gretchen noon sa teleseryeng Magkaribal (2010) ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN