Deniece Cornejo camp asks for lookout bulletin order vs Vhong Navarro; NBI enters Deniece’s condo unit

“Kung nakitang ipinaskil ang mga kliyente ko, e, dapat ipaskil din yung picture niya sa lahat na siya rin ay may kaso ng rape para patas lang,” says Atty. Howard Calleja, legal counsel of Deniece Cornejo, about their request for lookout bulletin order against actor Vhong Navarro.


Isang lookout bulletin order ang hiling ng kampo ni Deniece Cornejo laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Ayon sa ulat ni Saleema Refran ng GMA News, na lumabas kaninang umaga, February 4, sa News To Go, hiniling ng kampo ni Deniece sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) ang lookout bulletin order laban kay Vhong.

Ito ay para raw masiguro na hindi tatakasan ni Vhong ang isinampa nilang reklamong rape laban sa aktor.

Ayon sa legal counsel ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, “I think it’s just just na harapin din ni Vhong Navarro, siguraduhin din na haharapin niya ang kasong rape na laban sa kanya.

“So, kung nakitang ipinaskil ang mga kliyente ko, e, dapat ipaskil din yung picture niya sa lahat na siya rin ay may kaso ng rape para patas lang.”

Nauna nang nagpalabas ang DOJ ng lookout bulletin order laban kina Deniece at sa negosyanteng si Cedric Lee dahil sa pagkakasangkot diumano nila sa pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22.

Positibo silang pinangalanan ni Vhong na nasa loob ng condominium unit na pinangyarihan ng insidente—sa loob ng Forbeswood Heights sa Bonifacio Global City, Taguig.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ang lookout bulletin order ay para ialerto ang Bureau of Immigration sa posibleng tangkang paglabas ng bansa ng mga taong kasama sa nasabing kautusan.

Dalawang araw matapos magsalita si Vhong tungkol sa insidente, may lumabas na balitang nagpa-book ng flight sina Deniece at Cedric papuntang Singapore.

Gayunman, hindi ito kumpirmado dahil hindi pa nabayaran ang mga napa-book na tickets.



DENIECE NOT THE RENTER. Sa kaugnay na balita, isang Malaysian at hindi si Deniece ang nakatalang nangungupahan sa condominium unit na pinangyarihan ng pambubugbog kay Vhong.

Ayon sa naunang ulat ni Saleema Refran ng GMA News, isang nagngangalang Soledad Ramos ang may-ari ng naturang condominium unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay pinauupahan niya raw sa isang Malaysian na nagngangalang Greg Binunos.

Ang dalawa ay magkasamang humarap sa NBI kahapon, February 3.

Sa maiksing panayam sa abugado ni Ramos na si Atty. Jonas Castro, nilinaw nitong walang anumang uri ng kaugnayan ang kanyang kliyente kay Deniece Cornejo.

Aniya, “No direct contact, no contractor relationship, no personal relationship, hindi sila business partners. Hindi sila magkakilala.

“Tinulungan lang [si Deniece] dahil humingi ng tulong, according to Greg.

“‘Yon lang, tinulungan niya dahil naghahanap ng a place to stay temporary, for a while, pinayagan niya to use it.”

Ayon pa sa ulat, isang linggo pa lamang daw nakatira si Deniece sa nasabing condo unit bago mangyari ang insidente.

Matapos ang insidente, nag-report umano si Deniece sa security ng condominium ng pagnanakaw sa condo unit.

Dito raw nalaman ni Ramos na iba ang nakatira sa kanyang unit matapos siyang tawagan ng security.

Ayon kay Atty. Castro, “Nagpunta sila roon, tinanong kung bakit, ano ang nangyari.

“Pero hindi sinabing mayroong nangyaring gano’n.

“Sinabi lang na mayroong nawawala. Pina-request lang na palitan na yung susi.”

Ipinangako naman nina Ramos at Binunos ang kanilang buong kooperasyon para sa pag-usad ng kaso.



GATHERING MORE EVIDENCE. Ayon naman sa ulat ng Bombo Radyo, nakapasok na ang NBI sa loob ng condo unit na pinangyarihan ng pambubugbog kay Vhong, kaninang umaga, February 4.

Sa tulong ng may-ari at nangungupahan sa condo unit, nangangalap na ng karagdagang ebidensiya ang NBI, bukod sa CCTV footage na isinumite ng may-ari ng condominium.

Ayon kay NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente de Guzman, nasa naturang unit pa rin ang sinasabing dalang pagkain ni Vhong noong gabi na mangyari ang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN