Ai-Ai delas Alas on marrying again: "Ay, hindi na puwede! Ayoko na muna!"

Ai-Ai delas Alas on her beautiful aura these days: "Siyempre ano, wala nang iniintindi. Wala ka nang problema. Wala ka nang stress. So, ganoon naman, e, kapag wala ka nang stress, maganda ka."


“Transition period” ang paglalarawan ni Ai-Ai delas Alas sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Marami kasi ang nakakapansin ng magandang aura niya, kaya ang tanong ng marami ay kung in love ba siya ulit ngayon.

Sabi ng tinaguriang Comedy Queen, "Hindi naman. Ano lang, peaceful.

“Sabi nga nila, ’Grabe, ang ganda ngayon ni Ai, ’no?’

"Hindi ko nga alam, e, kung ano’ng nangyari. Transition!

"Oo, transition period ko nga ata ’to.

“Saka siyempre ano, wala nang iniintindi. Wala ka nang problema. Wala ka nang stress.

“So, ganoon naman, e, kapag wala ka nang stress, maganda ka."

Hindi naman kaila sa publiko ang pinagdaanan ni Ai-Ai sa huli niyang pakikipagrelasyon.

Nagpakasal ang komedyana sa businessman na si Jed Salang noong 2013, ngunit pagkatapos lamang ng isang buwan ay naghiwalay rin sila.

Gusto pa rin ba niyang ma-in love ulit?

Sagot ni Ai-Ai, "Siyempre naman. Sino ba ang taong ayaw ma-in love?

“Pero siguro sa proper person at sa proper time."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa grand finals ng “That’s My Tomboy” segment ng It’s Showtime, kung saan isa siya sa mga naging hurado, noong Sabado, February 1.



DANIEL MATSUNAGA. Sa pagkakataon bang ito ay sisiguraduhin na ni Ai-Ai na karapat-dapat ang lalaking mahahalin niya?

"Oo, tama," pagsang-ayon niya.

What about Daniel Matsunaga na kapwa niya judge sa “That’s My Tomboy” at hinalikan niya on-air?

"Si Matsunaga! Naku, hindi! Ganun-ganun lang yun, pero hindi. Harut-harot lang ’yon!" paglilinaw ni Ai-Ai.

Paano kung magbiro ang tadhana sa kanilang dalawa?

"Naku, huwag naman! Ang bata-bata pa ni Matsunaga. Ayoko!” pag-iwas niya.

Paano kung magpursigi?

"Hala-lalala! Ayoko talaga, ang bata pa niyan, e,” sabi ni Ai-Ai.

Bakit si Jed, mas bata rin naman sa kanya, di ba?

"Akala ko nga, e. Wala akong kadala-dala, di ba?" pagsang-ayon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BODYGUARDS. Nabenta na ba ang kotseng Camaru na iniregalo niya noon kay Jed?

"Wala na yun.... nabenta na yun. Praise God!" sagot ng Kapamilya star.

Wala na rin daw bodyguards ngayon si Ai-Ai.

"Matagal na. Tapos na kasi yung mga kaso, e."

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang pag-abruba sa divorce nila ni Jed.

Wala namang kinalaman ang nabalitang alitan nila ni Kris Aquino sa pagtanggal niya sa kanyang bodyguards?

"Ayokong pag-usapan ’yan,” pag-iwas ni Ai-Ai.

“Pero yung mga bodyguard, matagal na yung wala. Bago pa naaprubahan yung divorce, wala na.

"Nung lumipad na si Jed to America, wala na sila. Safe na ako.

"Pinapasyalan lang nila ako. Kasi nami-miss talaga nila ako.

"Kasi sabi nila, ang bait-bait ko raw."

Feeling safe na siya ngayon kahit walang bodyguard?

"Oo, saka cute din yung may bodyguard, para maganda ka. Pa-VIP ka, reyna-reyna ka.

“Pero siyempre, ayan, meron namang isa, e,” sabi niya.



DIVROCE. Ano ang naramdaman niya nang lumabas ang desisyon na nag-aapruba sa divorce nila ni Jed?

Ikinasal sina Ai-Ai at Jed sa Las Vegas, Nevada, noong April 3, 2013.

Read: Jennylyn Mercado vindicated from negative rumors about breakup with Luis Manzano

"Tapos na... closure," sambit niya.

Bakit napakabilis madesisyunan ng korte sa U.S. ang divorce nila ni Jed?

Sagot niya, "Mas mabilis naman talaga ang divorce kesa sa annulment.

“Kaya yun ang hiniling ko sa kanila [kampo ni Jed].

“Si Jed naman ang Amerikano, e. Siya yung magdi-divorce sa akin.

"Ang bagal pa nga noon, kasi nag-Christmas."

Naipadala na ba sa kanya ang papeles na nagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Jed sa Las Vegas?

"Wala pa yung hard copy. Pero sa computer, nakasaad na doon."

Magpapakasal ba siya sa susunod na lalaking magyaya sa kanya ng kasal?

"Ay, hindi na puwede. Ayoko na muna.

“Ayoko... ayoko munang pakasal," umiiling na sagot ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad ba na maging magkaibigan sila ni Jed sa kabila ng nangyari sa kanila?

"Ayaw ko siyang maging friend. Ayokong makipag-friend sa kanya. Nightmare…” sagot ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN