PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp on Deniece Cornejo’s rape charge: “The claim of Vhong is backed up by evidence. And their counter charge is backed up by what?”

Ibinahagi ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga ang ilang ebidensiyang makakapagpatunay na pawang kasinungalingan ang akusasyon ni Deniece Cornejo na ginahasa siya ng actor-host.

Kabilang dito ang pagbalik nina Deniece at Cedric Lee sa condo unit ng dalaga upang maglinis, pagkatapos ng insidenteng pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22.

Ayon pa rin sa abugada, sinusubukan ding ma-recover ang deleted text messages


“The claim of Vhong [Navarro] is backed up by evidence. And their counter charge is backed up by what?”

Ito ang kontra-pahayag ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga kaugnay ng mga akusasyon ni Deniece Cornejo na siya ay biktima ng panggagahasa ng actor-host.

Read: Deniece Cornejo’s message to Vhong Navarro: "Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako’ng binaboy mo."



CLEANUP OF DENIECE’S CONDO. Ibinahagi ni Atty. Mallonga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isa sa matibay na ebidensiyang kontra sa akusasyon ni Deniece ay ang sinumpaang salaysay at logbook ng Mega Force security guards na nakadestino sa Forbeswood Heights Condominium, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Noong nakaraang linggo, matatandaang ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang security guards ng Mega Force upang bigyang-linaw ang naganap na pambubugbog kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece noong gabi ng January 22.

Isa sa mga mahalagang impormasyong nakalap ay ang naitalang pagbalik ng grupo nina Deniece at Cedric Lee sa condo pagkatapos nilang ipa-blotter si Vhong sa Southern Police District.

Paliwanag ni Atty. Mallonga ukol dito, “Remember dun sa logbook, bumalik sina Deniece, Cedric, and Berniece Lee. Mga lima sila, e.

“They were there for about 30 minutes. They were cleaning up.

"Nakalagay sa logbook ng security guard na may dala silang basahan...

“Umalis na sila after 30 minutes. And Deniece followed, she left also.

"I don’t know where she went."

Nakausap ng PEP si Atty. Mallonga sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono kagabi, February 4.

Base na rin sa impormasyong isinawalat ng security guards, tila kuwestiyonable umano ang alegasyon ni Deniece na nilooban ang kanyang condo pagkatapos ng naganap na insidente noong January 22.

Ito ay sa kadahilanang hindi nagsumite ang dalaga ng pormal na reklamo na may mga nawawalang gamit mula sa kanyang unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Atty. Mallonga, “On January 23, about 8 o’clock, she came back.

"Ang sabi nung security guard, si Deniece is trying to view the CCTV [closed-circuit television].

“Na parang she wanted to find out if anybody entered her condo while she was not there.

"Sinabi sa kanya to file a formal complaint, but she never acted on it."

Read: NBI: No damages in Deniece Cornejo’s condo unit

RETRIEVAL OF PHONE LOG DETAILS. Kinumpirma rin ng abugada sa PEP na sinusubukang gawan ng paraan ng NBI na ma-recover ang diumano’y deleted text messages sa pagitan nina Vhong at Deniece mula sa mobile phone ng actor-host.

Ito ay upang patotohanan ang sinabi ni Vhong sa kanyang sinumpaang salaysay na mismong si Deniece ang nangungulit tungkol sa napagkasunduan nilang pagkikita noong gabi ng January 22.

Sa taped interview ng The Buzz Ng Bayan noong January 26, matatandaang inilahad ni Vhong na kinuha ni Cedric ang kanyang telepono at saka binura ang palitan nila ng text messages ni Deniece.

Sabi ni Atty. Mallonga ukol dito, “We’re happy to report—but I have to confirm—that it could be possible to recover, using present technology, the messages that has been deleted from Vhong’s phone.”

Kung hindi man makuha ang kabuuang content ng text messages, umaasa ang abugada na may pag-asang ma-recover ang log details, kung saan nakatala ang numero ng sender/caller pati na rin ang petsa at oras kung kailan natanggap ang text message o di kaya ay tawag sa telepono.

Kung sakali ay malaki raw ang maitutulong nito sa pag-usad ng reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Inihain ng kampo ni Vhong ang mga naturang reklamo sa Department of Justice noong January 28.

READ: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Saad pa ng legal counsel ni Vhong, kaugnay ng pag-retrieve ng text messages sa pagitan nina Vhong at Deniece, “Yes, it’s corroborative.

"The mere fact, for example, na shortly before nagte-text ka. After the incident happened, nagbigay siya ng text.

"Kasi kung talagang na-rape, why are you calling pa?

"My thinking is that whatever that can be produced as evidence will be at the very least be corroborative of the story that Vhong told."



CCTV FOOTAGE. Bukod sa mga nabanggit na ipiprisintang ebidensiya ng kampo ng It’s Showtime host, nauna nang naiulat ang tungkol sa CCTV footages ng paglabas at pagpasok ni Vhong at ng grupo nina Deniece at Cedric sa Forbeswood noong gabi ng January 22.

Ayon sa paunang pagsisiyasat ng NBI sa nakalap na CCTV footages, tila imposibleng naganap ang diumano’y insidenteng panggagahasa ni Vhong kay Deniece sa bilis ng mga pangyayari.

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Sa kasalukuyan, mayroon pang hinihingi ang NBI na karagdagang CCTV footage mula sa Forbeswood Heights management.

Hindi kasi maaaring isumite ng Mega Force security agency sa NBI ang anumang video at iba pang mga dokumento na may kinalaman sa security ng lugar, hangga’t walang pahintulot ng opisyales na nangagasiwa sa condo.

Kaugnay nito, naniniwala si Atty. Mallonga na makakatulong sa inihaing reklamo ni Vhong sa DOJ kung mayroon pang makukuhang additional CCTV footage nang gabing bugbugin ang actor-host sa Forbeswood.

Paliwanag ng abugada, "Ang sinasabi ng Mega Force is the CCTV really belongs to Forbeswood. Hindi sa kanila yun.

"As for NBI’s investigation, I understand that there’s an indication that they [Forbeswood] are going to present the footages. Let me confirm kung anong nakuha nila.

"But even without the CCTV, a case has been established.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s very easy to say something.

"In the case of Vhong, fortunately for him, his claims are backed by substantial evidence.”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng kampo nina Deniece at Cedric kaugnay ng mga pahayag ni Atty. Mallonga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN