Heart Evangelista admits to being frustrated by her Startalk interview with Deniece Cornejo

Paliwanag ni Heart Evangelista, may mga hindi man nakuntento sa ginawa niyang panayam kay Deniece Cornejo sa Startalk noong Linggo, February 2, alam niyang ginawa niya ang kanyang makakaya.


Aminado si Heart Evangelista na nahirapan siya sa panayam niya kay Deniece Cornejo sa Startalk noong Linggo, February 2.

Sinabi ni Heart na nanibago siya sa exclusive interview niya kay Deniece, na dawit sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro noong January 22.

Ito raw ang unang pagkakataon na masalang sa ganoong kakontrobersiyal na isyu ang actress-TV host mula nang mag-host siya ng isang showbiz-oriented talk show.

Kasama ni Heart ang Startalk co-host na si Butch Francisco na nag-interview nang live kay Deniece.

Sa kasalukuyan, higit sa two million page views na sa YouTube ang interview clip ni Deniece sa Startalk na may pamagat na “Startalk Exclusive: Deniece Cornejo: Vhong, magpaka-lalaki ka!”

Sinabi ni Heart na hindi talaga siya naging kumportable sa interbyu.

Saad niya, “I was a bit iffy about the whole thing, but I had to do what I needed to do. It was my job.

“I also had to deliver what I could deliver.

“I’m not used to handling that kind of situation.

“It was so controversial."

Paliwanag pa ni Heart, “That was the only thing I could give.

"That was the only thing that was given to me.

"I couldn’t do anything else… my hands were tied."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Heart sa launching niya bilang endorser ng fastfood brand na Wendy’s, sa Hanston Building, Ortigas Center, kaninang hapon, February 5, Miyerkules.

CRITICISMS. Nagsalita rin si Heart tungkol sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens, via Twitter, kaugnay ng kakayahan niya bilang host ng Startalk.

Sabi niya tungkol dito, “Actually, it was very tough… I had a hard time.

“I understand the frustration because they all want us to just speak and say more about what really happened.

"Unfortunately, [the GMA] legal department and her [Deniece’s] lawyer, they were all there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Heart, ilang oras bago magsimula ang programa ay inabot na sa kanila ang mga dapat lang na itanong kay Deniece.

“So we couldn’t change [the questions], we couldn’t add, we couldn’t make bawas…

"I had no choice but to deliver.

“As I said, our hands were tied.”

Pag-amin pa ng actress-host, “I was actually so frustrated.

“Usually, I’m very vocal, I’m very spontaneous with my questions.

"But there wasn’t anything else that we could do.”

FRUSTRATED HOST. Ano ba ang mga tanong na gusto sana niyang itanong kung pinayagan siyang magbato ng tanong kay Deniece?

Sagot ni Heart, “Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon, ’di ba?

“Bakit meron anggulong parang lahat ng tao hindi naniniwala sa ‘yo? Why does that exist?

“It could really be more on getting answers on what happened, what she thinks is the truth.

“But we couldn’t push it.”

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Heart sa mga kumukuwestiyon sa kakayahan niya bilang host ng talk show.

Ikinumpara pa nga ng iba si Heart kina Toni Gonzaga at Kris Aquino bilang host.

Hindi nakatiis si Heart at sinagot ang ilan sa mga bumatikos sa kanya:

STARTALK VS. BUZZ NG BAYAN. Ani Heart, kasisimula pa lang na mailagay sa Sunday timeslot ang Startalk noong January 26.

Mula sa dating Saturday timeslot ay inilipat ang show sa Linggo, direktang katapat ng Buzz ng Bayan ng ABS-CBN.

Dahil dito ay ikinukumpara ang dalawang showbiz talk shows.

Saad ni Heart tungkol dito, “It’s natural thing that they would always compare and compare… ganun talaga.

“You can’t please everybody.

“Sometimes I do get affected, but then, after a while, you get tired of feeling bad.

“You can’t please everybody.

“When you do your best, there is nothing much you could do, so you cannot please everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If they don’t like you, there are [other] programs that they can watch.

“But at that time, that was the only thing that I could do, ganun na lang ‘yon.

“I never really compare myself with anybody else.

“This is the level I’m at, and this is probably the level I can give to them.”

Samantala, sa ulat ng PEP.ph contributor na si Gorgy Rula sa Abante Tonite ngayon ding araw, February 5, negatibo ang naging reaksiyon ng nakararami sa panayam kay Deniece.

Sinabi naman ni Atty. Howard Calleja, abugado ni Deniece, na ang importante raw sa kanila ay ang desisyon ng korte.

Ayaw raw nilang ibatay sa trial by publicity ang kaso nila laban kay Vhong dahil kumpiyansa silang lalabas ang katotohanan.

Noong January 29 ay naghain si Deniece ng reklamong rape laban kay Deniece.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Ngunit bago ito ay nauna nang naghain si Vhong ng mga reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at unlawful arrest laban kay Deniece, sa businessman na si Cedric Lee, at ilan pang kasamahan ng mga ito, kaugnay ng pambubugbog sa kanya noong January 22.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN