Kim Chiu reveals Xian Lim deeply affected by bashers after Bea Binene joke

Ayon kay Kim Chiu, labis na naapektuhan ang ka-loveteam niyang si Xian Lim sa pambabatikos na natatanggap nito sa social media pagkatapos nitong tawagin ang ka-lookalike ni Kim na "Bea Binene." Kuwento ni Kim, "Sobra siyang malungkot, hindi mo siya makausap, as in hindi siya kumakain. Hindi siya nagpagupit ng hair."


Ipinagtanggol ni Kim Chiu ang ka-loveteam niyang si Xian Lim sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ng young actor ngayon sa social media.

Ito ay kaugnay pa rin ng pagbibiro ni Xian sa isang ka-lookalike ni Kim sa live episode ng ABS-CBN gag show na Banana Nite noong Chinese New Year.

Ayon kasi kay Xian ay mas kamukha ng Kapuso teen star na si Bea Binene ang ka-lookalike ni Kim na sumulpot sa production number niya sa programa.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

Pahayag ni Kim tungkol sa isyu, “Oo nga, e, malungkot siya [Xian].

"Hindi ko alam kung paano siya itsi-cheer up.

"Kasi siyempre yung mga tao sa social media, ang sasakit magsalita.

“Siyempre, hindi natin maiiwasan yun, and hindi rin maiiwasan ni Xian na masaktan.

"Kasi hindi lang ‘ata umabot ng three minutes yun, buong mundo na yung humuhusga sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kim sa The Air We Breathe: Musical Press Conference, kaninang tanghali, February 6, sa Shangri-La Makati.



NO BRIEFING AT ALL. Ayon kay Kim, hindi alam ni Xian na sa kanyang performance ay may biglang susulpot sa kanyang likuran na ka-lookalike niya.

Live na nag-show ang Banana Nite sa harap ng Sta. Cruz Church, sa Binondo, Manila, bilang pagsalubong sa Chinese New Year.

Saad ni Kim, “As in hindi sinabi sa kanya ng Banana Split kung ano yung blocking niya.

"Hindi rin sinabi sa kanya na may lalabas na ganun.

“So, kumakanta siya, kinakabahan siya.

"Kumakanta siya mag-isa, paglingon niya, ‘Ay, sino ‘to? Sa’n galing ‘to?’ Parang ganun.

“E, siyempre gag show, hindi niya siguro nasakyan.

“Sana sinabi lang ng Banana Split, ‘O, Xian, may lalabas, ha,’ sana sinabing ganun. May maglalabas na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi siya aware.

"So, ako naman, pag may lumabas na lalaki sa likod, ‘Oy, sa’n galing ’to?’”

Ipinagtanggol din ni Kim ang pagtawag ni Xian sa ka-lookalike na "Bea Binene."

“’Tsaka ano, kamukha din naman siya ni Bea Binene.

"Hindi naman pangit si Bea Binene, ’di ba?

“Maganda rin naman siya kaya siya artista.”

Pagpapatuloy pa ng Kapamilya young actress, “Kasi gag show, so siguro, funny-funny na rin ni Xian.

"E, siguro hindi nasakyan nung mga tao.

"Siyempre, iba rin yung humor ni Xian, so hindi ko alam."

Pakiusap ni Kim, “Sana huwag muna silang humusga kaagad sa tao.

"Kasi kami hindi niyo naman alam kung ano ang nangyayari backstage.

“Ang nakita lang nila yung sa TV, so sana tama na yung hate words.”

Kaugnay ng isyung ito ay nagpasalamat pa si Bea kay Xian sa pagkukumpara nito sa kanya sa ka-lookalike ni Kim.

Read: Bea Binene thanks Xian Lim for comparing her to Kim Chiu look-alike



“SOBRA SIYANG SAD…” Gentleman ba talaga ang kapareha niya?

Sagot ni Kim, “Of course, hindi ko naman siya kakaibiganin kung bastos siyang tao.

“Siyempre, alam mo naman ako, maselan.”

Pero muli nitong sinabing naapektuhan talaga si Xian sa pambubuska sa kanya sa social media.

“Sobra siyang malungkot, hindi mo siya makausap, as in hindi siya kumakain.

“Hindi siya nagpagupit ng hair.

"Sabi ko, ‘Magpagupit ka na, ang haba-haba na ng hair mo.’

“Ayaw niya, sobra siyang na-down, as in ang daming bashers, sa Instagram.

"Sabi ko, ’Baligtarin mo sila, mag-post ka ng masasaya na mga ganyan.’

"Ayaw niya, sobra siyang sad."

Pinagdaanan na rin ni Kim ang mga ganitong klaseng pangungutya sa social media.

Noong 2013 nga ay hindi napigilan ni Kim na sagutin ang bashers nang idamay pati ang kanyang namayapang ina.

Read: Kim Chiu harassed by basher, pleads not to use her dead mother in attacking her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya raw pinayuhan ni Kim si Xian na huwag masyadong dibdibin ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

“Yeah, kaya sinasabihan ko siya na parang, ‘Sandali lang ‘yan.’

"Pero first time niya yatang batikusin ng buong mundo… na bonggang-bongga."

Sabi pa niya tungkol sa biro ni Xian, “Ano ba, parang hindi naman yata bastos, e.

"Kasi kamukha din naman… actually magkakamukha kaming tatlo.

"Hindi naman masama yun, ’di ba?”

Paano niya pinapakalma si Xian?

“Pinapatawa ko siya, kumakain kami sa labas.

“Pero malungkot pa rin siya.”

Kaya daw sinabihan niya itong, “’Mag-post ka ng smiling face.’

"’Tapos sini-send-an ko siya ng mga life quotes na, ‘Hayaan mo na sila.’

"Parang ganun, pero sobrang malungkot siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN