Vhong Navarro: "Wala akong kasalanan kay Deniece. Ang kasalanan ko, sa girlfriend ko."

Ayon kay Vhong Navarro, hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya ginulpi ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Sa pagkakaalam niya ay walang boyfriend si Deniece na maaaring magselos sa pagiging malapit nila kamakailan. Sabi pa ng actor-TV host, "Kung boyfriend niya [Deniece] si Cedric, hindi ko alam.”


Pinanindigan ni Vhong Navarro na hindi totoo ang akusasyong ginahasa niya si Deniece Cornejo nang magkita sila sa condo unit ng dalaga noong gabi ng January 22.

“Yun po yung bersiyon nila. Basta ako, sinabi ko lang kung ano ang totoo.

"At yung mga totoo na yun, meron tayong mga patunay.

"At hindi ako nagsisinungaling,” giit ni Vhong sa eksklusibong panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa TV Patrol ngayong gabi, February 6.

Kaugnay nito, noong February 2, Linggo, hinamon ni Deniece si Vhong na magpakalalaki at aminin ang ginawa nito umanong panghahalay sa kanya.

Sinabi rin ng 22-year-old model-stylist na handa siyang ipaglaban ang kanyang prinsipyo at dangal bilang babae.

Read: Deniece Cornejo’s message to Vhong Navarro: "Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw kundi ako’ng binaboy mo."

FALSE ACCUSATIONS. Ngunit ayon kay Vhong, imposibleng mangyari ang diumano’y panggagahasa niya kay Deniece, dahil siya ay ginapos, piniringan, at binugbog ng mga armadong lalaki pagdating pa lang niya ng condo unit.

Ang alegasyong ito ay suportado umano ng mga nakalap na ebidensiya ng awtoridad.

Saad ni Vhong, “Kasi kita naman po sa CCTV [closed-circuit television], wala akong puwedeng reypin dun, dahil ang kasama ko, dalawang lalaking armado.

“Kitang-kita po sa CCTV, bumaba po siya [Deniece], iniwan niya ako dun.

"Hindi ako puwedeng sumunod sa kanya because may nakatutok sa aking baril. Dinuctape na nga po ako."

Read: Vhong Navarro’s story matches CCTV, says NBI

Muli ring inilahad ni Vhong na nakilala niya si Deniece sa isang shop at nagkapalitan ng contact details dalawang taon na ang nakalilipas.

Ngunit si Cedric Lee—na tinukoy ni Vhong bilang isa sa anim na kalalakihang bumugbog sa kanya—ay hindi raw personal na kilala ng actor-TV host.

Pamilyar lang umano ang mukha ni Cedric dahil may isang pagkakataong nagkasama sila sa isang party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito, hindi raw lubos maisip ni Vhong kung ano ang atraso niya kay Cedric at bigla na lang siyang binugbog noong gabi ng January 22.

Isa sa mga lumalabas na espekulasyon ay posibleng pinagselosan si Vhong ni Cedric, na diumano’y boyfriend ni Deniece.

Ngunit sa pagkakaalam ni Vhong ay hindi committed kahit kanino ang model-stylist nang manumbalik ang komunikasyon sa pagitan nila dalawang buwan na ang nakararaan.

Sabi pa niya, “Hindi ko po alam, e.

"Kasi una, tinanong ko siya [Deniece] kung may boyfriend siya. Sabi niya, wala.

"Hindi ko nga po alam kung boyfriend niya si Cedric, hindi ko alam.”

Hanggang ngayon ay hindi niya talaga alam kung bakit siya ginulpi ng grupo nina Cedric?

Sagot ni Vhong, “Hindi ko po talaga alam.

"Basta ang alam ko lang na puwede ko gawin, sundin ang gusto nila.

“At may hawak pa silang video ko.

"Eto po yung video ko na ginulpi, binaba yung pants ko.

"Yun po ang hawak nilang video. Yun po ang pang-blackmail nila sa akin."



UNFAITHFUL BOYFRIEND. Kung mayroon man daw kasalanan si Vhong, iyon ay ang ginawa niyang panloloko sa kanyang longtime girlfriend.

Aminado si Vhong na hindi siya dapat nakipagkita kay Deniece at nagpadala sa tukso dahil mayroon na siyang karelasyon.

Naging emosyunal pa ang actor-host sa kanyang sumunod na pahayag:

“Wala akong kasalanan kay Deniece. Ang kasalanan ko, sa girlfriend ko.

"Dun po ako nagkasala. Sa kanya po.

"Wala akong kasalanan kay Deniece," ulit niya.

Malaki ang pasasalamat ni Vhong sa kanyang nobya dahil sa kabila ng pagkakasala niya ay tinanggap pa rin siya nito.

“Kahit ganito ang nangyari, mas iniisip niya ako,” saad ni Vhong, na hindi na napigilang maluha.

Ano ang mahalagang aral ang napulot niya mula sa nangyaring insidenteng pambubugbog sa kanya?

“Una po diyan, ‘wag tayo magtitiwala kahit kanino dahil hindi natin alam kung sino ang kaibigan at hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ewan ko po, bago ko po ito sasabihin, kasi alam ko po nung bata ako, sobrang mahilig ako sa labas, sa mga girls.

“Dapat po maging faithful tayo.

"Kaya sobrang humihingi ako ng tawad sa girlfriend ko. Sobra-sobra po."

VHONG’S CHILDREN. Samantala, masayang ibinalita ni Vhong na nagkaroon siya ng pagkakataong makita ang dalawa niyang anak na lalaki noong Linggo, February 2.

Bagamat gusto niyang maiyak nang mga oras na iyon, pilit daw niyang nilakasan ang kanyang loob para sa kapakanan ng mga ito.

“Gusto ko ipakita sa kanila na pagsubok lang ‘to, pagdadaanan lang natin ‘to, at binigay sa atin ni God ito, dahil alam natin kaya nating lagpasan.

“Niyakap ko sila nang mahigpit. Sabi ko, ‘Be strong. Be strong.’”

Bukod sa tiwala at suporta ng kanyang mga anak, nagpaabot din ng pasasalamat si Vhong sa kanyang manager na si Chito Roño na palagi raw nasa kanyang tabi.

Ito rin daw ang dahilan kaya’t lalong naging desidido si Vhong na ituloy ang reklamong inihain niya laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

“Wala na po talaga[ng urungan]. Kahit po natatakot ako, kailangan ko ituloy,” sabi ni Vhong.

Kaninang hapon ay nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center si Vhong pagkatapos ng ilang linggong pagkaka-confine dahil sa pambubugbog sa kanya.

Dumiretso ang aktor at ang kanyang abugadong si Atty. Alma Mallonga sa tanggapan ng Department of Justice upang pirmahan at panumpaan ang supplemental affidavit sa mga inihain niyang reklamo laban kina Deniece at Cedric.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN