Vhong Navarro submits evidence of mauling incident, Cedric Lee’s alleged text messages

Humarap si Vhong Navarro (left) at ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga (right) sa three-member panel of prosecutors sa Department of Justice noong Miyerkules, February 6.

Isa-isang tinukoy ni Vhong Navarro ang mga diumano’y sangkot sa pag-setup at pambubugbog sa kanya na sina Cedric Lee, Zimmer Rance o Simeon Raz Junior, Ferdinand Guerrero, Jed Fernandez, JP Calma, Bernice Lee, Deniece Cornejo, at isa pang di kilalang lalaki.


Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, nagpahayag ng pasasalamat si Vhong Navarro sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.

“Sa lahat po ng mga nagdadasal sa akin, sobrang maraming maraming salamat sa inyong lahat. At sa mga kaibigan ko na ’andiyan pa rin po.

“Basta iba po ang nararamdaman ko. Sa lahat ng mga nagdadasal, sumusuporta, kayo po ang nagpapalakas ng loob ko para harapin ang lahat ng ito.”

Ito ang maiksing pahayag ng It’s Showtime host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang news reporters sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) kahapon, February 6.

TEXT MESSAGES AND CCTV FOOTAGES. Sumumpa at nilagdaan ni Vhong ang dalawang supplemental affidavit—na may petsang January 30 at February 4—na isinumite niya sa DOJ kahapon.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ

Kalakip nito ang diumano’y text messages na ipinadala sa kanya ni Cedric Lee noong January 23 at 24.

Nakasaad dito na pilit na pinababayaran ni Cedric kay Vhong ang danyos para sa mga nasira umanong kagamitan sa condo unit ni Deniece.

Ito ay matapos ng insidenteng pambubugbog sa actor-host sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong gabi ng January 22.

Pati ang bank account number ni Deniece ay nakasaad umano sa isa sa mga natanggap na text message ni Vhong mula kay Cedric.

Kalakip din ng supplemental affidavit ni Vhong ang mga larawang kuha mula sa nakalap na CCTV footage sa Forbeswood Heights noong gabing maganap ang insidenteng pambubugbog sa kanya.

Isa-isa ring tinukoy ng actor-host ang mga taong sangkot sa isyu at nakunan ng CCTV na pumasok at lumabas ng condo.

Ito ay sina Zimmer Rance o Simeon Raz Junior, Ferdinand Guerrero, Jed Fernandez, JP Calma, at Bernice Lee (kapatid ni Cedric).

Mayroon pang isang lalaki ang hindi pa rin natutukoy ng actor-host at mga awtoridad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, isinumite ng kampo ni Vhong sa DOJ ang sinumpaang salaysay ng dalawang witnesses at mga larawang nakunan ng NBI mula sa loob ng condo unit ni Deniece.

NOT WILLING TO SEE HIS ALLEGED CAPTORS. Tahimik at hindi masyadong nagsasalita si Vhong nang humarap siya kina Assistant State Prosecutors Hazel Valdez, Olivia Torrevillas, at Marie Elvira Herrera.

Ang madalas na sumasagot sa tanong ng prosecutors ay ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga.

Hiniling ng kampo ni Vhong na kung maaari ay hindi muna dadalo ang actor-host sa first hearing para sa kanyang reklamo laban sa grupo nina Deniece at Cedric sa February 14.

Ito rin kasi ang itinakdang petsa para sa unang pagdinig sa kasong panggagahasa na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Kinumpirma ng actor-host na ayaw muna niyang makita ang mga taong gumulpi sa kanya sa ngayon.

Bagamat pumayag ang DOJ panel sa kanyang hiling, nilinaw ni Assistant State Prosecutor Valdez na kinakailangang humarap na si Vhong sa mga susunod na pagdinig para sa preliminary investigation.

Ipinaalala rin ni Valdez na maaaring sagutin ni Vhong ang reklamong panggagahasang isinampa ni Deniece, sa pamamagitan ng pagsumite ng counter-affidavit sa February 14.

“WE ARE READY.” Kaugnay nito, umapela si Atty. Mallonga kung maaaring mas mapaaga ang pagdinig para sa preliminary investigation.

Sabi ng abugada, “Basically, your Honor, may interes talaga kami na umpisahan ang proseso.

“Naka-receive po siya [Vhong] ng subpoena which set the date for preliminary investigation ng February 14, which is quite a number of days ahead.

“Gusto na sana naming umpisahan na po. Nasabi na niya yung kuwento, maraming usap-usapan.

"Gusto lang ho namin, gawin na natin yung kailangan gawin.”

Ngunit iginiit ni Valdez na bahagi ng proseso ang pagbibigay ng palugit na “at least 10 days” para mapag-aralan ng kampo nina Deniece at Cedric ang reklamong isinampa ni Vhong laban sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ano man daw ang posisyon ng magkabilang panig ay pag-uusapan na lang sa February 14.

Sa February 21 naman ang nakatakdang second hearing para sa pagsisiyasat tungkol sa hiwalay na reklamo nina Vhong at Deniece.

Pagdating sa reklamong panggagahasa ni Deniece laban kay Vhong, ang maiksi ngunit kumpiyansang pahayag ni Atty. Mallonga, “We are ready.”

Read: Vhong Navarro’s camp confident about complaints against Denice Cornejo, Cedric Lee


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN