Wally Bayola resumes hosting job on Eat Bulaga!; apologizes to management and viewers for sex video mess

Matapos ang halos limang buwang pagkawala sa Eat Bulaga!, opisyal nang nagbalik ngayong araw, February 8, ang komedyanteng si Wally Bayola sa show.


Balik Eat Bulaga! si Wally Bayola simula kaninang tanghali, February 8, 2014.

Kanina, nakakuha ng kumpirmasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Malou Choa-Fagar, ang lady boss ng T.A.P.E. Inc., na siyang producer ng longest-running noontime show ng bansa.

Isang maikling “yes” ang sagot ni Malou nang tanungin siya kung opisyal na bang magbabalik si Wally sa show matapos nitong personal na bumati sa ka-tandem na si Jose Manalo, na nagdiwang ng kaarawan.

Sa remote broadcast ng segment ng show na “Juan For All, All For Juan,” sinorpresa ni Wally si Jose. Ginanap ito sa Brgy. 686, Zone 75, Paco, Manila.

Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Puso, ang ginawang gimik ng Eat Bulaga! ay ang kunwaring paghahanap ni Jose ng ka-partner.

Sa opening number ng show, wala sa sinumang performer ang sumakto sa hugis puso na hawak ni Jose.

Kalaunan, si Wally pala ang may dala ng kalahati, kasabay na rin ng pagbati niya ng maligayang kaarawan sa kaibigan.

Sa Miyerkules, February 12, ang ika-48 kaarawan ni Jose.


"SORRY PO..." Setyembre 2013 nang kumalat ang sex video ni Wally kasama ang isa sa dancers ngEB Babes.

Mula noon, hindi na muling nasilayan pa ang komedyante sa show.

Read: Wally Bayola’s alleged sex video with EB Babes dancer goes viral

Mga huling linggo ng Enero 2014, nagbalik entablado si Wally. Pero hindi pa rin malinaw noon kung makakabalik na ba talaga siya sa noontime show.

Read: Wally Bayola resumes work onstage after four months of absence

Sa pagdating ni Wally kanina sa remote location ng "Juan For All, All For Juan," yumakap muna ito kay Jose nang mahigpit. Mangiyak-ngiyak din ito habang yakap ang tinatawag niyang "Kuya."

Pero biro ni Jose, huwag daw muna itong umiyak dahil hindi pa raw niya tiyak kung pasok na ulit ito sa show.

Pambungad na mensahe ni Wally sa kaibigan, “Ang nag-iisa kong kuya. Kuya, hindi ako nakinig sa ’yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jose, “Tigas ulo mo, e.”

Dagdag pa ni Wally, “Kuya, partner, ang nag-iisa kong kaibigan, sorry. Sorry talaga.”

Sa puntong ito, kinantahan ng birthday song ng Dabarkads si Jose, at hinipan na din nito ang kandila sa kanyang birthday cake.

Patuloy ni Wally, “Sa Eat Bulaga!, sa mga manonood, sorry po. Sorry po sa nagawa kong kasalanan. Sana bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon para maiayos ko po buhay ko, patawad po.

"Sa inyo pong lahat, sorry po.”


"ANG DABARKADS HANDANG MAGPATAWAD..." Mensahe naman ni Jose kay Wally, “Brod, sabi nga natin e total ganyan, humingi ka na rin ng tawad, at alam naman natin na pinagsisihan mo na kung ano man yung mga pagkakamali na nagawa mo sa buhay mo.

"Sabi nga natin, lahat naman tayo, lahat ng tao nagkaroon ng pagkakasala, lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakamali.

"Ang importante, kung papano natin tatanggapin, kung papano natin aaminin sa sarili natin.

“Kasi ang tao minsan, matigas na, hindi kayang aminin yung pagkakamali. Pero ngayon, andito ka naman sa harap ng maraming tao at tinaon mo pa sa birthday ko—na inaamin mo na lahat yung kasalalan mo.

"Sabi ko nga Brod, tandaan mo ‘to, ang Diyos, hindi marunong magparusa, hindi ka pinaparusahan.

“Ang Diyos, masuwerte ka na nagkakaroon ka ng problema dahil pag nagkakaroon ka ng problema, dun mo lang siya naaalala at ‘tong mga time na ‘to, siguradong malalapit ka lalo sa Kanya.

"At sana maging maayos na ‘yong buhay mo at yung pag-iisip mo, at kung ano man yung mga nasa utak mo.”

Pagtatapos pa ni Jose habang kinakantahan siya ng mga kasamahan sa Eat Bulaga!, “Ang tunay na Dabarkads, laging nandiyan at laging handang magpatawad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN