Kris Aquino defends ex-hubby James Yap from game-fixing accusations

"And at the end of day, you are as good as your last game. So tomorrow, good luck James," says Kris Aquino after defending ex-husband James Yap from game-fixing allegations.


Dinepensahan ni Kris Aquino ang dating asawang si James Yap kaugnay ng akusasyong “ibinenta” diumano ng sikat na PBA player ang laban noong Game 6 ng Philippine Basketball Association (PBA) semifinals.

Sa huling mga segundo ng naturang laro sa pagitan ng San Mig Coffee at Ginebra San Miguel Kings noong Lunes, February 10, magkasunod na natawagan si James ng loose ball foul at sumablay ang kanyang 3-point shot.

Natalo ang koponan ni James na San Mig Coffee sa Ginebra San Miguel Kings sa score na 94-91.

Dahil dito ay magkakaroon ng do-or-die battle sa pagitan ng dalawang koponan upang madetermina kung sino ang makakapasok sa finals.

Dahil dito, binatikos ng ilang fans si James kung saan sinasabi nila na si James ang nagpatalo ng laro noong gabing iyon.

Agad namang ipinagtanggol ni Kris ang kanyang dating asawa sa bago niyang talk show, ang Aquino And Abunda Tonight, kagabi, February 11.

Sabi ni Kris, “Sa matagal na panahon na kilala ko si James Yap, at nakilala ko ang buong pagkatao niya, hindi niya gagawing magbenta ng laro dahil buong buhay niya, ibinuhos niya for that.”

Biro pa ng Queen of All Media, “He’s gonna love me for this. Matutuwa siya dito sa sinasabing kong ‘to.”

Sumunod nito, kinuwestiyon ni Kris ang mga bumabatikos kay James:

“Game 5, they won because of James Yap. A three-pointer, ’di ba? Siya yung hero. Bakit ganun?”

Ayon pa sa dating asawa ni James, walang dahilan ang basketbolista para magbenta ng laro.

Paliwanag niya, “As somebody who used to read the contracts of James Yap, pag pumasok sila sa finals, kahit anong benta ang sinasabi nila, matutumbasan yun ng kikitain nila by making it to the finals.

“Ganun kalaki ang kontrata niya.

“There’s no reason for him to sell the game.

"And at the end of day, you are as good as your last game.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So tomorrow, good luck, James.”

Dahil sa pagtatanggol ni Kris kay James, biniro siya tuloy ng kanyang co-host na si Boy Abunda: “You know, if I didn’t know that you were separated, I would think you’re still so in love."

Agad namang sagot ni Kris: “No, my god! Hindi!

"You know why, Boy, I’ve released all the anger from my heart."

Sa huli, binati nina Kris at Boy si James sa nalalapit nitong kaarawan sa February 15.

Sabi ni Kris, “On Saturday, happy birthday, James.

“Alagaan mo si Bimby at si Josh, nasa iyo sila. Be good.”

Read: Kris Aquino okays Bimby-James Yap bonding on her ex-husband’s birthday

Si Kris naman ay magdiriwang ng kanyang 43rd birthday sa February 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN