Dingdong Dantes reveals out-of-town escapade with Marian Rivera this Valentine’s; reacts to Karylle’s wedding

Marami na ang nag-aabang kung kailan magpapakasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero saad ni Dingdong, "I guess, right now, as we speak, siyempre we have other priorities muna. Pero siyempre, sino ba ang ayaw na makarating at makatungtong sa ganung klase na napakagandang estado? Slowy, at the right place at the right time."


Isang out-of-town Valentine celebration ang magaganap sa magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong weekend.

Ito ang sinabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live appearance niya sa Sunday All Stars noong Linggo, February 9.

Ibinalita ng Kapuso Primetime King na nagkaroon sila ni Marian ng pagkakataong makapagpaalam sa kani-kanilang mga trabaho, kaya susulitin nila ang weekend para sa Araw ng mga Puso.

Gaano na ba sila katagal nagsi-celebrate ng Valentine’s Day ni Marian? May limang taon na ba?

Tugon ni Dingdong, “Good question... parang mga ganun na ’ata, more or less. Definitely not below five.”

IMPORTANT OCCASIONS. Mula nang maging magkasintahan sila ni Marian, laging nababalitang si Dingdong ang nagpaplano ng kung ano ang magiging kaganapan sa mga espesyal na okasyon, gaya ng Valentine’s.

Pahayag ng aktor, “Kasi sa trabaho namin, minsan talagang hindi nabibigyan ng importansiya yung mga petsa na, let’s say holiday, kasi para sa amin, wala naman holiday.

“Pero siyempre, yung mas importansiya, like Christmas, Holy Week, at isama na natin yung Valentine’s Day, yung tatlong okasyon lang naman yun sa loob ng isang taon ang puwede naming paalaman, bukod sa aming mga birthday.

“It’s good naman na we can value these dates, kasi kailangan din mag-celebrate at, kahit paano, hindi naman puro trabaho lang.”

Paano niya nagagawang palaging may excitement, surprises, at thrill ang mga selebrasyon nila ni Marian?

Saad ni Dingdong, “Hindi naman, hindi naman sa pinaplano. Natural lang siyang dumarating.

"Kasi kung ang intensiyon mo naman ay maganda, kusa namang dumarating ’yan.

“Again, hindi naman kailangang magarbo, e.

"Yung quality, kumbaga, medyo unique yung dating.”

Yung out-of-town trip ba nila ang regalo ni Dingdong kay Marian ngayong Valentine’s Day?

“No, I don’t believe in mga gifts pagdating sa Valentine’s

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta magkasama lang kayo, malaking bagay na.

"Saka let’s say may mga kasama rin kayong mga kaibigan, parang in a way, parang it’s a holiday for us.”

Ang out-of-town trips ba nila ay para mapalayo sa abalang buhay nila sa Manila?

“Hindi naman. Hindi naman parating sa labas. Minsan dito rin sa kabihasnan,” sagot ni Dingdong.

MARRIAGE PROPOSAL. Nagsimula na si Marian ng kanyang bagong teleserye sa GMA, ang Carmela.

Sa susunod na buwan ay magsisimula na rin mag-taping si Dingdong sa bago niyang soap, kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Parang imposible talagang maisingit ang marriage proposal o ang posibleng pagpapakasal nina Dingdong at Marian?

Reaksiyon dito ni Dingdong, “Hindi naman.

"Pero again, you know, pag may importanteng bagay ka na gusto mong gawin, gagawa at gagawa ka ng oras at panahon.

“Pero I guess, right now, as we speak, siyempre we have other priorities muna.

“Pero siyempre, sino ba ang ayaw na makarating at makatungtong sa ganung klase na napakagandang estado?

“Slowy, at the right place at the right time.”

KARYLLE’S WEDDING. Samantala, noong Sabado, February 8, ay inanunsiyo na ni Karylle ang nalalapit niyang pagpapakasal sa bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon.

Read: Karylle to tie the knot with boyfriend Yael Yuzon in March

Matatandaang naging magkasintahan sina Dingdong at Karylle nong nasa GMA pa ang singer-actress.

Pero ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay ay lumipat sa bakuran ng ABS-CBN si Karylle.

Tinanong namin si Dingdong kung ano ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend.

Maikli niyang tugon, “You know what, it’s a very… yung sacrament na yun, sobrang mahalaga para sa maraming Pilipino.

“And I’m sincerily glad and happy for her and her soon-to-be husband.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN