Deniece Cornejo, Cedric Lee no-show at DOJ preliminary investigation of Vhong Navarro’s multiple complaints

Ayon kay Atty. Arleo Magtibay Jr., abugado nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, pag-aaralan muna nila ang supplemental affidavit ni Vhong Navarro at ang CCTV footages na ibinigay ng NBI bago sila gumawa ng susunod na hakbang.


Hindi dumating sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, at iba pa sa preliminary investigation na isinagawa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng patung-patong na reklamong inihain ng aktor na si Vhong Navarro laban sa kanila.

Si Atty. Arleo Magtibay Jr. ang kumatawan kina Deniece at Cedric sa preliminary investigation na ginanap kanina, Fenruary 14, sa tanggapan ng DOJ, sa Padre Faura St., Ermita, Manila.

Matatandaang nagtungo si Vhong sa DOJ noong February 6, diretso mula sa St. Luke’s Medical Center, upang panumpaan at lagdaan ang kanyang supplemental affidavit hinggil sa mga inihain niyang reklamo.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ

Anim na reklamo ang isinampa ng It’s Showtime host laban kina Deniece at Cedric: serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Bukod kay Atty. Magtibay, dumalo rin sa preliminary investigation ang mga tag-National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Atty. Elfren El Meneses, regional director ng NBI-NCR.

Ipinakita ni Atty. Meneses sa media ang mga kopya ng CCTV footages na isinumite rin nila sa DOJ prosecution panel.

Binigyan din ng NBI laywers si Atty. Magtibay ng kopya ng supplemental affidavit ni Vhong na nilagdaan ng aktor noong nakaraang linggo.

Ang pagdinig ay pinamumunuan ng DOJ prosecutors na sina Atty. Hazel Valdez, Atty. Mari Elvira Herrera, at Atty. Olivia Torrevillas.

Sinabi naman ni Atty. Magtibay na wala pa silang counter-affidavit sa mga reklamong inihain ni Vhong.

Sinbi ng abugado na kailangan muna nilang pag-aralan ang supplemental affidavit ni Vhong at CCTV footages mula sa NBI bago sila gumawa ng susunod na hakbang.

“We cannot intelligently answer pa the allegations against us,” ayon kay Atty. Magtibay.



RAPE CASE. Samantala, “submitted for resolution” na ang kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagsumite ng counter-affidavit ang kampo ni Vhong dahil hindi na raw ito kailangan.

Ani Atty. Johann Fernandez, collaborating counsel ni Atty. Alma Mallonga, abugado ni Vhong, “adapted” affidavit na ang gamit nila.

Ito ay nangangahulugan na kung ano ang laman ng affidavit ni Vhong sa mga kasong isinampa nila laban kina Cedric at Deniece, iyon na rin ang gagamiting affidavit sa rape complaint ni Deniece.

Nakatakda ang susunod na hearing sa February 21, Biyernes.

Sa tanong kung dadalo na si Deniece sa susunod na hearing, tugon ni Atty. Magtibay, "That is the schedule and if nothing else changes, siyempre we will stick to the schedule."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN