Does Benjamin Alves have a date this Valentine’s Day?

Benjamin Alves says he has work this Valentine’s Day, but hopes to have a post-Valentine’s Date: “Wala, e. We have a taping on Friday, we have a promo on Saturday. Maybe Sunday, we’ll see. Sana… It would be nice.”


Unang araw pa lang ng showing ng pelikulang Starting Over Again—na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual—naging maganda na ang naging takbo nito sa takilya.

READ: Piolo Pascual-Toni Gonzaga starrer, Starting Over Again,grosses P25 million on opening day

Hindi naman itinanggi ng pamangkin ni Piolo na si Benjamin Alves ang kalidad ng pelikulang ito ng Star Cinema.

Kuwento ng 24-year-old actor, “I was able to visit the set a few times. Basta when they were making it, you can tell na—and I’ve spoken to my uncle about it—na it was an experience na… it’s really something different from him.

“And I think, it translated well on screen na there really is a different Kuya PJ [Piolo Pascual], a different Toni, a different Iza [Calzado], and everyone else involved in it.

“Direk Olivia Lamasan was able to pull something out of them na the people haven’t seen.”

Bukod dito, napabilib din si Ben sa magandang pagkakasulat ng pelikula.

“Ang ganda kasi, walang antagonist. Everyone was human lang lahat… Going through whatever they’re going through,” aniya.

“I don’t hear the theater say na, ‘Ay, I hate her because of what she did.’ Wala, e.”

Dagdag pa ng Kapuso talent, “It was heavy, e. It was really heavy and then it ended the way it did na may kilig, e.

“It was kilig in the beginning then it became serious and mature and when it ended sa dulo, talagang…

“I was fortunate to watch the premiere. Nagwala lahat,” patuloy sa paghangang sabi ni Benjamin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ben sa tech bloggers conference na ginanap sa GMA Network kahapon, February 13.

VALENTINE’S DAY. Dahil Valentine’s Day ngayon, inusisa na rin ng PEP kung meron na ba siyang plano para sa araw na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktor, “We have taping, but I have something planned for everyone and all the people who believe in Valentine’s Day in our set.

“Kasi that’s very... Although I think there’s too much emphasis put on the day itself, but I understand that the day is special.”

Kabilang si Ben sa primetime fantaserye ng GMA, ang Adarna, kasama sina Kylie Padilla, Mikael Daez, at Geoff Eigenmann.

Ngunit ayon kay Ben, kahit may trabaho ay sisiguraduhin niyang maise-celebrate niya ang Valentine’s Day kasama ang buong cast at crew ng Adarna, lalo na sa mga kababaihang staff ng kanilang programa.

“Reality is we have work. As one of the guys there, I just wanna… I will do my best para maipadama sa kanila yun.

“I’ve made arrangements. I’ll make sure people there feel na it’s Valentine’s Day.”

Pero pagkatapos niyon, may post-Valentine’s date kaya siya?

Tugon ni Ben, “Wala, e. We have a taping on Friday, we have a promo on Saturday.

“Maybe Sunday, we’ll see. Sana... It would be nice.”

Hindi naman binanggit ni Ben kung sino ang gusto niyang maka-date, kung sakali.

ADARNA. Sa ngayon, isa sa pinagkakaabalahan ni Ben ay ang pagtatapos ng Adarna.


Aniya, “I still have Adarna. We still have a few more weeks of taping and we’ll have another few more weeks of showing it.

“We still have scripts… I still haven’t receive the scripts for the finale. So, I’m excited as everyone to find out what’s gonna happen.”

Ayon kay Ben, baka sa March na magtapos ang Adarna, ngunit marami pang dapat abangan sa kanilang programa.

“Marami pa, hindi ko pa nga alam kung ano’ng mangyayari sa character, e.

“But sana, I read on Twitter na nami-miss nila si Bok, yung playfulness niya. So sana makabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll respect whatever the writers write.”

Si Bok ang character ni Ben sa Adarna.

Matagal ding inabangan ng kanilang mga tagapanood kung matutuloy nga ba ang cameo role ng ama ni Kylie na si Robin Padilla sa kanilang programa.

Nabanggit ni Robin noong December 2013 na interesado siyang lumabas sa programa ng kanyang anak bilang pasasalamat na rin sa tiwalang ibinigay ng Kapuso network kay Kylie.

Ngunit ayon kay Ben, hindi pa raw ito natutuloy, ngunit umaasa siyang matutupad ito sa mga huling araw ng kanilang programa.

Kuwento ni Ben, “It didn’t happen, but him going to our presscon was enough.

“I think that was enough—especially for his daughter, si Kylie—na that was a really good boost for her and for her confidence.

“And for us as well, for him to grace our event.

“Hopefully next time, but we still have a few more weeks. So we’ll never know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN