Vhong Navarro’s camp confident Cedric and Deniece will not escape justice; all set to prove that mauling incident is a set-up

Ipinagsawalang-bahala ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga ang pagmamaliit ni Atty. Raymond Fortun sa bagong CCTV footage na nakalap ng NBI, kaugnay ng nangyaring insidente sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong gabi ng January 22.

Kabilang na rito ang ginawang pag-abang ng dalawang lalaki kay Vhong sa condo unit ni Deniece Cornejo noong gabing iyon at pati na rin ang "kissing" CCTV footage nina Deniece at Cedric Lee pagkatapos ni


Buong-kumpiyansang ipinahayag ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Attorney Alma Mallonga na hindi man nagpakita sa pagdinig sa Department of Justice (DOJ) sina Deniece Cornejo at Cedric Lee, ngayong araw, February 14, hindi matatakasan ng mga ito ang hustisya laban sa krimen na ginawa nila sa kanyang kliyente.

Natuwa rin si Atty. Mallonga sa pagbasura ng Taguig Metropolitan Trial Court (MTC) sa Temporary Protection Order (TPO) na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

TPO HEARING. Kalahating oras lamang ang itinagal ng pagdinig para sa naturang reklamo sa Taguig MTC na pinamunuan ni Judge Lorifel Pahimna.

Unang lumabas mula sa courtroom si Atty. Malongga na masayang ibinalita ang tungkol sa pagka-dismiss ng TPO.

“Hindi naman ito secret. Sinabi na namin sa DOJ na we believe the petition was filed for the purpose of delay.

“So, masaya kami ngayon dahil yung possible na balakid—hindi nga namin itinuturing na balakid—there’s no reason anymore for any postponement in the DOJ.

“We should go full-steam ahead in having this case resolved,” saad ni Atty. Mallonga sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media reporters.

Ipinaliwanag ng abugada na ang pangunahing dahilan kung bakit ibinasura ng korte ang petisyon ng kampo ni Deniece ay dahil sa kawalan ng relasyon nito kay Vhong na higit pa sa kanilang pagiging magkakilala.

READ: Court junks Deniece Cornejo’s TPO petition against Vhong

Iginiit din ni Atty. Mallonga na walang isinumiteng matibay na basehan si Deniece sa paghingi nito ng TPO laban kay Vhong.

Mula nang mabugbog si Vhong sa condo unit ni Deniece noong gabi ng January 22, malinaw na hindi na muling nakipag-usap man lang ang actor-host sa dalaga.

Kaya naman hindi puwedeng maakusahan si Vhong na sinusundan nito o pilit na lumalapit kay Deniece.

ALLEGED SET-UP AND EXTORTION. Patuloy ni Atty. Mallonga, kung tutuusin daw ay mas kailangan pa ni Vhong ng proteksiyon kaysa kay Deniece, dahil sa ginawang panggugulpi, pananakot, at pangba-blackmail ng grupo ni Cedric at Deniece sa actor-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What protection are we talking about when we very well know that he was hospitalized and brutally injured?

“Siya ang may kailangan ng proteksiyon because of the threats against him.

“If you will remember, isa sa mga tinext ni Cedric kay Vhong noon, ‘Kung hindi ka magbayad kay Deniece, magpa-file siya ng grave charges sa ’yo. At para naman sa amin, alam mo na ang kalalagyan mo.’ That’s a threat,” giit ni Atty. Mallonga.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay matindi pa rin umano ang trauma na nararamdaman ni Vhong dahil sa dinanas na pambubugbog at diumano’y pananakot ng grupo ni Cedric.

May buwelta rin ang abugada sa pahayag ni ng abugado ni Cedric na si Atty. Raymond Fortun na “non-issue” ang nakalap na bagong CCTV footages mula sa Forbeswood Heights Condominium.

READ: Atty. Raymond Fortun says "kissing" CCTV footage of Cedric Lee and Deniece Cornejo is a "non-issue"

Dito ay makikitang hinalikan ni Cedric si Deniece sa magkabilang bahagi ng leeg habang sakay ng elevator.

Ito ay nakunan pasado ala-una ng madaling araw ng January 23—ilang oras matapos ipa-blotter ng grupo nina Cedric at Deniece si Vhong sa Southern Police District.

Sabi ni Atty. Mallonga tungkol dito, “Sila naman ang nagsasabi na magkaibigan lang sila, ‘di ba?

“Ang pinapakita lang ng footage ay, sa akin, mukhang hindi naman totoo yun.

“Whether or not that has some bearing to the case, sa akin meron siguro.”

Natawa naman ang abugada nang hingan siya ng reaksiyon kaugnay sa sinabi ni Atty. Fortun na, base sa nakalap na CCTV footage, mukhang “relaxed” ang grupo nina Cedric at hindi mukhang sasabak sa bugbugan noong gabi ng January 22.

Sabi ni Atty. Mallonga, “Ano bang dapat ipakita kung ikaw ay mangbubugbog ng tao? Ano ba ang hitsura mo? Ano bang dapat nasa mukha mo? Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ng abugada, mismong CCTV footage at iba pang ebidensiyang isinumite nila ang makakapagpatunay na planado ang ginawang pambubugbog, pananakot, at pangingikil sa actor-host.

“Mas importante sa akin, mag-focus tayo dun sa ginawang krimen kay Vhong.

“Yung sinasabi natin na it’s a set-up, na from the very beginning this was a plan.

“He was detained, he was injured, money was extorted from him, threats to kill him and the members of his family.

“That makes a case for illegal detention. We’re going there.”

NO MORE EXCUSE. Nagpatutsada pa si Atty. Mallonga na naghahanap pa siguro ng gawa-gawang kuwento si Cedric kaya iniwasan nitong dumalo sa hearing sa DOJ kanina.

Sa ngayon, ang tanging hiling ng abugada ay matapos na ang preliminary investigation at ituloy na lang sa korte ang laban ng magkabilang kampo.

Hangga’t maaari ay ayaw nang pag-usapan ni Atty. Mallonga ang alegasyong panggagahasa ni Deniece laban kay Vhong.

Ito ay sa kadahilanang bukod sa wala raw itong basehan, nakakapagpababa pa ng halaga ng Violence Against Women and Children Act para sa mga tunay na biktima ng panggagahasa.

“[Sa korte] na maglabasan ng ebidensiya. Ilabas na nila Cedric at Deniece na may naabutan silang rape.

“Paki-explain na lang kung anong scientific basis for a person who is absent can be raped.”

Nagsampa si Vhong ng kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail laban sa grupo nina Cedric at Deniece sa DOJ, noong January 28.

Kasama rin sa naturang reklamo sina Bernice Lee, Zimmer Rance, Fernando Guerrero, Jed Fernandez, at JP Calma, at isang ’di pa nakikilalang lalaki.

Nagsampa naman ng kasong panggagahasa si Deniece laban kay Vhong, noong January 29.

Sinubukan ng PEP na makapanayam ang legal counsel ni Deniece na si Atty. Howard Calleja bago mag-umpisa ang TPO hearing sa Taguig MTC kanina, ngunit tumanggi ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng pagdinig sa korte, nagbigay ng maiksing mensahe si Atty. Calleja at sinabing balak ng kanilang kampo na mag-file ng motion for reconsideration kaugnay ng TPO na inihain ni Deniece laban kay Vhong.

Maliban dito ay nanatiling tikom ang bibig ng abugado at maging ni Deniece hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng dalaga ngayon.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipahayag ng mga taong sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN