Anne Curtis on controversies: "I don’t think anything could really hurt me anymore."

Dahil sa matinding isyung pinagdaanan niya noong nakaraang taon tungkol sa insidente ng pananampal, sinabi ni Anne Curtis hindi na siya apektado sa anumang intrigang ipinupukol sa kanya ngayon.


Nagsusulputan ngayon ang isyu kaugnay ng pagkakapili ng ABS-CBN kay Anne Curtis bilang bagong Dyesebel.

Sinasabi kasi ng ilang mga kritiko na hindi deserving si Anne na gampanan ang sikat na karakter.

Read: Anne Curtis is the new Dyesebel; faces the press for the first time after slapping incident

ISSUES CONCERNING DYESEBEL. Sa birthday press conference niya sa TGIF Restaurant sa Hotel Rembrandt, Quezon City, kaninang hapon, February 17, isa sa mga itinanong ng press kay Anne ay ang pagkadismaya diumano ni KC Concepcion na hindi siya ang napiling gumanap sa iconic Filipino fantasy character na likha ni Mars Ravelo.

Ano ang reaksiyon ni Anne dito?

Tugon ng It’s Showtime co-host, “Hindi ko alam, I don’t know anything.

“Basta ang alam ko, when I arrived from Canada, the next day, ipinatawag na ako.

“I really had no idea.”

Bukod kay KC, naging matunog din ang mga pangalan nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, at Julia Montes na pinagpipilian daw para sa nasabing role.

Tinanong din si Anne kung hindi ba siya nasasaktan sa sinasabi ng ilan na hindi na siya ganoon kabata para gampanan ang papel ni Dyesebel.

“Of course not,” mabilis na sagot ng 29-year-old actress.

“Kahit naman ako nagulat din.

“But I don’t look my age, ‘yan ang sinabi… I don’t look my age.

“And how I am as a person, I don’t act my age,” pabiro pa niyang sabi.

Inusisa rin si Anne kung handa na ba siyang maikumpara kay Marian Rivera, na huling gumanap na Dyesebel sa GMA Network noong 2008.

Sagot niya, “That’s nothing compared to what I’ve been through.

“I don’t think anything could really hurt me anymore, parang di ka na naa-affect.”

Ang tinutukoy ni Anne ay ang pagkakasangkot niya sa slapping incident noong huling bahagi ng 2013, na isa sa pinakamalaking kontrobersiya sa showbiz noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

BIRTHDAY WISH. Ngayong araw, February 17, ang mismong kaarawan ni Anne.

Ano pa ang mahihiling niya sa kanyang kaarawan?

“More than anything, just to have another great year [and] success for Dyesebel,” sagot ni Anne.

May paniniwala na ang mga isinilang daw sa buwan ng Pebrero ay weird.

"True... baliw," mabilis na pagsang-ayon ni Anne.

Saang aspeto siya baliw?

“Everything. I’m just a weirdo.

“But I like my weirdness.

“Baliw-baliwan, kulang-kulang... ‘yan ang sabi nila, ’di ba?”

So, aminado si Anne na baliw-baliwan siya?

“Opo, admittedly,” sagot ng aktres na game na nakipagbiruan sa entertainment writers.



MARRIAGE IN 3-4 YEARS. Kinunan din ng reaksiyon si Anne sa pag-amin ng best friend niyang si Luis Manzano na nagkabalikan na sila ni Angel Locsin.

Sabi niya, “I’m so happy. Angel is really my favorite girl for Luis.”

Sila naman daw ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff ay planong pumunta ng Burma sa Semana Santa.

Biro ng ilan, tatanggapin ba niya kung sakaling mag-propose doon ang kasintahan?

“Feeling ko, hindi pa, because he’s two years younger than me,” sabi ni Anne.

Hindi pa ba niya nakikita na handa na si Erwan na lumagay sa tahimik?

“Hindi pa. ’Di ba, a guy will only think about that when he’s already 30?

“Wala pa sa isip ko… When it happens, it happens.

“Maybe in three to four years.

“I’d like to focus on my career at the moment, pero if it happens, it happens.

“I’m not gonna peg na kailangan in four years, [dapat] propose.

“As of now, I think we’re both concentrating on our careers.”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

Sagot ni Anne, “Not so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If I’m ready, yes. But not yet.

“Siguro mga three-four years.”

Watch: Anne Curtis on potential "Dyesebel bashers" and on having a baby before marriage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN