Krista Ranillo on dad Mat Ranillo III’s alleged dealings with Janet Lim Napoles in PDAF scam: "Hindi sila magkasabwat."

Nakiusap ang dating sexy actress na si Krista Ranillo na antayin na lang ang resulta ng imbestigasyon sa isyung kinasasangkutan ng ama sa pork barrel scam. May mga legal na proseso daw kasi na dapat masunod.


Idinepensa ni Krista Ranillo ang amang si Mat Ranillo III sa pagkakadawit ng pangalan ng aktor sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam—o mas kilala sa tawag na pork barrel scam.

Mas lalong nadiin ang pangalan ng beteranong aktor nang pinangalanan siya ng bagong witness sa scam na si Ruby Tuason sa testimonya nito.

Si Tuason ang dating social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Base sa sinumpaang salaysay ni Tuason sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi nitong si Mat ang tagapamagitan sa kanila ni Senator Jinggoy Estrada at Janet Lim-Napoles.

Read: Actor Mat Ranillo III named courier of PDAF kickback by Ruby Tuason



“HINDI SILA MAGKASABWAT…” Pinabulaanan naman ni Krista na magkasabwat ang kanyang ama at si Napoles.

Ayon sa isang komento ni Krista sa photo-sharing website na Instagram, sinabi nitong maghintay-hintay muna ang sambayanan sa paglabas ng katotohanan dahil may proseso sa batas na dapat sundin.

Makikita ang naturang sagot ni Krista sa isang post niyang larawan kasama ang ama, mga anak, at iba pang kamag-anak.

Sa U.S. na naninirahan ngayon si Krista at ang kanyang buong mag-anak.

Tanong ni @Chaili24: “Nasa2ngkot po ang Tatay mo sa pork barel.. Kasabwat daw cya ni napoles.. Nood din ng balita sa pinas pag May time..”

Tugon ni Krista: “Thank you for your concern.

"Yes we are fully aware of what is happening back there.

"Hindi sila magkasabwat, hintay hintay lang tayo for the truth to come out bec of the legal process na dapat isunod. @chaili24

Tinanong na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krista kung tuloy na ang pagtestigo ng kanyang ama laban sa mga sangkot sa pork barrel scam.

Hindi tuwirang sinagot ng dating aktres ang tanong ng PEP.

Sinabi nitong panoorin na lang namin ang panayam ng abugado ng ama.

MAT READY TO TESTIFY. Ang tinutukoy na panayam ni Krista ay lumabas sa TV Patrol kagabi, February 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng North America Bureau ng ABS-CBN News ang abugado ni Mat Ranillo III na si Atty. Morel Callueng sa Los Angeles, California.

Sinabi nitong matagal nang inalarma ni Mat ang ilang mambabatas tungkol sa katiwalian ng itinuturong pork-barrel mastermind na si Janet Lim Napoles, subalit hindi umano pinakinggan ang aktor.

Handa rin daw humarap sa imbestigasyon si Mat kung kinakailangan.

Read: Mat Ranillo III’s camp says actor informed lawmakers about Janet Lim Napoles’s illegal dealings in 2007 but fell on deaf ears


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN