PNoy, Senator Tito Sotto support Supreme Court decision to legalize online libel

“Kung tama naman ang sinasabi mo, bakit ka kakabahan doon sa libel na isyu?” reasons out President Noynoy Aquino about the legalization of online libel provision in Cybercrime Law.


Ikinatuwa ni Senator Tito Sotto ang desisyon ng Supreme Court na gawing legal ang online libel na nakapaloob sa kontrobersiyal na cybercrime law.

“With or without the cybercrime law, libel is libel.

“Somehow, I’m glad that the Supreme Court sees it the way Congress see it,” sabi ni Senator Sotto nang makapanayam siya ng ilang miyembro ng media sa Senado kahapon, February 18.

Ang naturang panayam ay lumabas sa GMA News kahapon din.

Si Senator Sotto ang nagdadag ng probisyon tungkol sa online libel sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na inakda ni dating Senator Edgardo Angara.

Kahapon, February 18, inilabas ng SC ang kanilang desisyon sa pagiging legal ng online libel, subalit ito ay may ilang kundisyon.

Read: Supreme Court rules Internet libel as constitutional

Sa kabila ng bagong desisyon kaugnay ng iminungkahing online libel, nagtataka pa rin daw si Senator Sotto kung bakit umabot pa sa Korte Suprema ang pagsasabatas nito.

Aniya, “Somehow medyo ‘bewildered’ that it had to take the Supreme Court to tell people that libel is libel.”

Dagdag pa niya, “Hindi magandang naninira ka ng reputasyon ng kapwa. Yun lang ang punto na makasama sa cybercrime law iyon.”

Para kay Senator Sotto, walang dapat ikabahala sa Cybercrime Law ang mga responsableng gumagamit ng Internet.

Aniya, “Most netizens are responsible. There are just a few bad eggs who are afraid of the cybercrime act.”

Sinabi rin ni Sotto na magagamit ang online libel ng mga taong nakaranas ng paninirang-puri sa Internet.

AQUINO SUPPORTS SC RULING. Samantala, suportado naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Sa isang press briefing kanina, February 19, sinabi ni PNoy na hindi pinipigilan ng online libel ang karapatan sa pamamahayag.

Sinabi rin niya na ang orihinal na may-akda ang dapat patawan ng parusa kung sakaling lumabag sa online libel, at hindi ang mga nag-share o nag-react sa anumang nailathala sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa artikulong lumabas sa ABS-CBN News kanina, February 19, sinabi ni PNoy, “Pipigilan ba ang freedom of expression?

“Hindi naman, at yun ang layunin.

“Pero kayo bilang mga responsableng mamamahayag, merong mga... may karapatan kayo at meron din hangganan ang karapatan ng lahat, ’di ba?

“Ang turo sa atin noong tayo ay nag-aaral, your rights end where they impinge on the rights of others.”

Binanggit din ni PNoy na ang online libel ay katulad din ng batas tungkol sa libel sa mga ibang uri ng media.

Sabi niya sa harap ng media, “Kung may mali sa sinabi sa TV, sinabi sa radio, inulat sa pahayagan, sa mga magazine, ‘pag lumipat ka ng format, dapat exempted?

“Siguro kayo hindi papayag, unequal protection naman, ‘di ba, ang maba-violate nun.”

Katulad ng pahayag ni Senator Sotto, sinabi ni PNoy, “Ulitin ko lang, kung tama naman ang sinasabi mo, bakit ka kakabahan doon sa libel na isyu?”



PUBLIC OFFICIALS REACT. Sa kabilang banda, iba’t iba ang naging reaksiyon ng ilang public officials sa desisyon ng Korte Suprema.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Akbayan Chairperson Risa Hontiveros ng kanyang reaksiyon kanina:

Sa ulat naman ni Andreo Calonzo ng GMA News, hinikayat ni Senator Francis "Chiz" Escudero ang kanyang mga kapwa mambabatas na alisin ang online provision sa cybercrime law sa pamamagitan ng pag-amyenda nito.

“Iginagalang natin ang desisyon ng Korte Supreme, pero nandoon pa rin ang pangangailangan na ipasa ang amendment na may kaugnayan sa online libel doon sa nasabing batas,” sabi ni Senator Escudero.

Sinusuportahan din ni Senator Escudero ang panukalang i-decriminalize ang kasong libelo.

Ang mag-amang sina dating Senator Edgardo Angara at Senator Sonny Angara ay may hiwalay na panukalang batas tungkol sa pagde-decriminalize ng kasong libelo.

Sa hiwalay na panayam kay dating Senator Angara, aniya, “I have a bill to decriminalize libel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was filed even before the cybercrime law passage so I think it’s something we should look at. I think that’s the trend worldwide.”

Sa ngayon, sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code, ang kasong libelo ay may katapat na parusang pagkakabilanggo mula anim na buwan hanggang anim na taon at may multa mula P200 hanggang P6,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN