Supreme Court rules Internet libel as constitutional

The Supreme Court declares some provisions of Cybercrime Law as constitutional. This includes the Internet libel, which was widely protested by different sectors.


Matapos ang halos dalawang taong pagkabinbin sa Supreme Court (SC), maisasabatas na ang kontrobersiyal na Republic Act No. 10175—o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa desisyon na nailabas ngayong araw, February 18, pinaboran ng Korte Suprema ang pagiging constitutional ng online libel, na unang inalis ng Department of Justice (DOJ) noong 2013.

Read: DOJ removes online libel provision on Cybercrime Law

Ayon sa ulat ng GMA News, sa press briefing na ginanap kanina ay sinabi ni SC spokesman Theodore Te na sa kabila ng muling pagkakasama ng online libel sa Cybercrime Law, may ilang kundisyon namang inilagay ang korte tungkol dito.

Kabilang na rito ang pagtatanggal ng kapangyarihan ng DOJ na maghigpit o mangharang ng pag-access sa data na pinaniniwalaang prima facie evidence na lumalabag sa Cybercrime Law.

Sa bagong ruling na inilabas ng SC, nakasaad ang pagiging legal ng Section 5, o ang pagpataw ng parusa sa sinumang gumawa o magtangkang gumawa ng mga cybercrime.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Illegal access
  • Illegal interception
  • Data interference
  • System interference, at
  • Misuse of devices
  • Cyber squatting
  • Computer-related fraud
  • Computer-related identity theft
  • Cybersex

Samantala, ang pagpataw naman ng penalties para sa “content-related offenses” tulad ng cybersex, child pornography, at unsolicited commercial, communications ay masasabing unconstitutional, ayon sa bagong ruling ng SC.

Narito pa ang ilang probisyon sa Cybercrime Law na naideklarang unconstitutional:

  • Section 12, on collection or recording of traffic data in real-time, associated with specified communication transmitted by means of a computer system
  • Section 19, authorizes the DOJ to restrict or block access to data that would be found prima facie in violation of the cybercrime law
  • Section 7, on separate prosecutions under the Cybercrime Law and the Revised Penal Code.

Hulyo 2012 nang basahin sa Kongreso ang R.A. 10175 na inakda ni Senator Edgardo Angara.

Setyembre 12, 2012 ay inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang naturang panukalang batas.

Oktubre 3, 2012 naman naging epektibo ang Cybercrime Law.

Hindi pa man nagtatagal, marami na ang umalma sa naturang batas, lalo na sa probisyon nito tungkol sa online libel.

Ayon sa mga umalma, nilalabag nito ang kalayaan sa pagpapahayag ng mga mamamayan.

Anim na araw matapos maging epektibo ang naturang batas, Oktubre 9, 2012, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema dahil sa mga petisyong inihain ng iba’t ibang grupo bilang pagkuwestiyon sa ilang probisyon ng batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN