Lawyer: Original authors of defamatory online posts may face libel charges

Atty. JJ Disini, one of the petitioners against anti-cybercrime law, explains the risks that online users might face because of Internet libel: “Sometimes when you’re sharing in Facebook, it contains part of the text. So, if that part of the text is libelous, then I think there’s some reason to charge you with publication. Because you knew that you’re not just sharing the link, but you’re also sharing the content.”


Idineklara ng Supreme Court (SC) na legal ang probisyon para sa online libel na nakapaloob sa Cybercrime Prevention Act o Republic Act 10175.

Ngunit nilinaw ni SC spokesperson Theodore Te na tanging ang original author ng isang libelous statement ang maaaring patawan ng karampatang parusa.

Sabi pa ni Te, "[The Cybercrime Prevention Act’s online libel clause] is unconstitutional only when it penalizes those who simply receive the post or react to it.”

Sa panayam ni GMA Network news reporter Joseph Morong sa State of The Nation kagabi, February 18, ipinaliwanag ni Atty. JJ Disini, isa sa mga petitioner na kontra sa Cybercrime Prevention Act, kung anu-ano ang implikasyon ng pagpapasapatupad ng naturang batas, lalo na para sa mga aktibo sa paggamit ng social media.

Ang simpleng pag-"Like" ng isang Facebook post o pag-retweet ng isang link sa Twitter na nagsasaad ng paninirang-puri sa isang personalidad ay hindi maituturing na paglabag sa batas kaugnay ng online libel.

Ito ay sa kadahilanang walang nangyaring republication o pagpapalaganap ng kung anumang libelous content na mayroon ito.

ORIGINAL AUTHORS. Ngunit mahalagang tandaan na ang paraan ng pag-retweet ng isang link sa Twitter o pag-share ng isang Facebook post na may libelous content ay posibleng sakop ng probisyon ng Cybercrime Prevention Act.

Sabi pa ni Atty. Disini, kung nagdagdag ka ng bagong impormasyon na may libelous content sa ni-repost mong Facebook o Twitter link, maituturing kang original author nito at maaaring makasuhan ng libel.

Ang pag-“cut and paste” naman ng isang post na naglalaman ng paninirang-puri sa isang tao ay paglabag din sa naturang batas.

Kahit ang simpleng pag-embed ng isang Facebook o Twitter post, kung saan mababasa ang kabuuan ng isang libelous content, sa isang webpage ay ipinagbabawal na rin.

Paliwanag pa ni Atty. Disini, “Sometimes when you’re sharing in Facebook, it contains part of the text.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if that part of the text is libelous, then I think there’s some reason to charge you with publication.

“Because you knew that you’re not just sharing the link, but you’re also sharing the content.”

Bunsod nito, marami ang umalma laban sa paglilimita sa malayang pagpapahayag ng opinyon sa pamamagitan ng cyberspace.

Pahayag ni Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares, "No one should go to prison just for expressing oneself, especially on the Internet, where people express their frustration with government.”

Mayroon din namang mga sang-ayon sa naging desisyon ng Supreme Court, dahil itinataguyod daw nito na mas maging responsable ang mga Netizen sa paggamit ng social media.

Read: PNoy, Senator Tito Sotto support Supreme Court decision to legalize Internet libel


EXEMPTIONS. Ayon sa Article 353 ng Revised Penal Code, na nakalathala sa chanrobles.com, “A libel is public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

Nakapaloob din sa general provisions ng Article 360 ng Revised Penal Code na maaaring kasuhan ng libel ang sinumang maglalathala o magpapalaganap ng mapanirang materyal.

Ganunpaman, nakasaad sa probisyon ng naturang batas na hindi masasabing paninirang-puri ang isang pahayag kapag mayroong “justifiable motive” sa pagpapalaganap nito.

Partikular na rito kung mapapatunayan na ang inilathala o ipinalaganap na pahayag ng isang mamamayan ay may kaugnayan sa kanyang “legal, moral, at social duty.”

Isa pang exemption to the rule na nakasaad sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code ang sumusunod:

“A fair and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative or other official proceedings which are not of confidential nature, or of any statement, report or speech delivered in said proceedings, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kung saka-sakaling mapatunayang guilty ng kasong Internet libel ang isang akusado, papatawan ito ng parusang prision mayor o sampung taong pagkakakulong.

Mas mataas ito ng one degree kaysa sa parusang nakasaad para sa kasong libel sa ilalim ng Revised Penal Code na prision correcional o apat na taon at dalawang buwang pagkakakulong lamang.

Ayon pa rin sa ulat ng 24 Oras, hihintayin pang lumabas ang mga dokumentong isinulat ni Associate Justice Roberto Abad, kung saan nakadetalye ang basehan ng Supreme Court sa desisyon nito kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.

Ginarantiya naman ni Department of Justice Assistant Geronimo Sy—na siyang itinalagang pinuno ng Cybercrime—na nakahanda ang kanilang ahensiya pagdating sa pagpapasatupad ng pinal na desisyon ng Supreme Court ukol sa anti-cybercrime law.

Sabi niya, “The hard work begins. We are ready to engage stakeholders to issue the IRR [implementing rules and regulations] as required by law and the procedures that will aid law enforcers to investigate core cybercrime case.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN