Karylle posts peace sign after Vice Ganda confirmed their tampuhan

“#chooselove ;),” wrote Karylle on the caption of her Instagram post earlier today, February 21. The photo—which showed a peace sign, heart, and letter “U” on the sand—was posted after Vice Ganda admitted having a misunderstanding with It’s Showtime co-host Karylle.


Nagpahiwatig si Karylle sa Instagram tungkol sa kasalukuyang tampuhan nila ni Vice Ganda.

Matatandaan na noong Miyerkules, February 19, ay inamin ni Vice ang tampuhan sa pagitan nila ni Karylle.

Sa thanksgiving party na inihanda niya para sa press noong Miyerkules, February 20, inilahad ni Vice ang dalawang insidente na naging dahilan ng tampo niya kay Karylle.

Ang una ay ang hindi raw pagdalo ni Karylle sa victory party para sa tagumpay ng Metro Manila Film Festival movie niyang Girl Boy Bakla Tomboy.

Pangalawa, nasaktan daw si Vice sa komento ng fiancé ni Karylle na si Yael Yuzon tungkol sa pakikipag-loveteam ng singer-actress kay Vice.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

Sa kabila kanilang ng tampuhan, nilinaw ni Vice na hindi siya galit kay Karylle.

Binanggit din ng comedian-TV host na nakapag-usap na silang dalawa.

Nag-sorry na rin umano si Karylle sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak na may kasamang liham.

Read: Vice Ganda not affected by upcoming wedding of Karylle to Yael Yuzon

Tila pakikipag-ayos naman ang naging mensahe ng post ni Karylle kanina sa kanyang Instagram account.

Sa post na may peace sign, puso, at letrang “U” sa buhangin, inilagay ni Karylle bilang caption ang “#chooselove ;)”

Sa kabilang banda, nagpahiwatig naman ng pagkabahala ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla sa isyung kinasasangkutan ng anak.

Kagabi, February 20, nag-post ng Bible verse si Zsa Zsa sa kanyang Instagram account.

May caption itong: “I am troubled by all the news I have been hearing.

“And just like you, I turn to Jesus for answers.

“I went on line to look for a verse to give me some courage and this is what I found.

“Thank you, Jesus. Your love overflows.”

Sa ngayon ay wala pang reaksiyon mula sa fiancé ni Karylle na si Yael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais ibigay ng lead vocalist ng Spongecola kaugnay ng mga naging pahayag ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN