Deniece Cornejo’s lawyer insists rape can happen "in one minute"

Deniece Cornejo’s legal counsel Atty. Howard Calleja insists that the model-stylist’s rape complaint against Vhong Navarro is valid: "Kung mababasa niyo ang counter-affidavit namin, makikita niyo run na iyong rape, meron ng dalawang desisyon ang Supreme Court na less than a minute, meron pong rape. Kaya iyong sinasabi nilang imposible, sinasabi ng NBI na imposible, nandun na po iyon, desisyon po iyon ng Supreme Court, in a minute, less than a minute, meron pong rap


Naninindigan si Atty. Howard Calleja na ang kanyang kliyenteng si Deniece Cornejo ay biktima ng panggagahasa ni Vhong Navarro.

Ito ay sa kabila ng resulta ng paunang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) na imposibleng nagkaroon ng pagkakataon si Vhong na halayin si Deniece sa loob ng condo unit ng modelo noong gabi ng January 22.

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Kumpiyansang pahayag ni Atty. Calleja ukol dito: “Yung sinasabi nilang it is improbable to have rape in one minute, nandun na po, dalawang Supreme Court decisions ‘yan na meron pong rape in one minute.

“Yung sinasabi nilang walang medico-legal na may rape, meron na pong Supreme Court decision iyan na walang medico-legal pero may rape.

“Malinaw po lahat iyon.

"Hindi ho si Atty. Calleja ang nagsasabi diyan. Ang nagsasabi diyan, Supreme Court of the Philippines.”

CCTV FOOTAGE. Tahasan ding sinabi ng abugado na hindi maituturing na matinding ebidensiya laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee ang mga nakalap na CCTV footage ng NBI.

“Ang sinasabi namin sa CCTV, kahit dun sa affidavit, kinukuwestiyon po namin iyon.

“At malinaw po, sinabi ng NBI iyan, hindi po iyan original.

"Hindi masasabi na not unedited. So, meaning, edited po ‘yan.

“So, how can you submit something that’s edited?

"E, sinong nagsama-sama nun? Hindi ko na alam.

"Hindi si Atty. Calleja ang nagsabi niyan. NBI ang nagsabi niyan, na inaamin nila na edited yung ipinadala nila [na evidence sa DOJ]."

Matatandaang inihain ng kampo ni Vhong ang karagdagang CCTV footage kung saan makikitang sakay ng elevator si Bernice at dalawang lalaki papuntang condo unit ni Deniece.

Ayon pa sa NBI, nakunan ito 30 minuto bago dumating si Vhong sa Forbeswood Heights upang bisitahin si Deniece noong gabi ng January 22.

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT’S NEXT? Ano na ang susunod na mangyayari pagkatapos ng DOJ hearing ngayong araw?

Saad ni Atty. Calleja, “Sa February 28, tingnan natin kung ano’ng mangyayari.

"Kasi meron pang pina-subpoena ang iba. Hindi ko rin alam.

“’Tapos inaantay ko yung decision.

"I asked for a formal resolution because I would also take the proper remedies for my client.”

Ngunit hindi na raw kinakailang humarap muli sa DOJ sina Deniece, Cedric, at Bernice dahil tapos na nilang lagdaan at panumpaan ang kanilang counter-affidavits para sa reklamong isinampa ni Vhong laban sa kanila.

Nalagdaan at napanumpaan na rin ni Deniece ang rape complaint affidavit na isinumite niya sa DOJ laban sa aktor, kaya’t hindi na kailangang humarap muli ng dalaga sa tanggapan ng DOJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN