Dingdong Dantes happy about doing outreach programs with girlfriend Marian Rivera

Dingdong Dantes on the fulfillment that he gets doing outreach programs: "Ang fulfillment talaga is kapag nakita naming bumubuti, they strive to improve their education, at makita mong ginaganahan sila dahil sa naibigay namin. Kahit sa munting paraan lang, makikita mong lumiligaya sila at nai-inspire sila na mas pagbutihin pa ang mga studies nila."


Nagkaroon ng fans’ day ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa regional show ng GMA sa Panagbenga Flower Festival, sa Baguio City, noong Sabado ng gabi, February 22.

Ngunit bago ang fans’ day niya sa SM Baguio, nagkaroon muna ng gift-giving si Dingdong sa mga mag-aaral ng Loakan Elementary School.

Namahagi ang aktor ng school supplies, sa pakikipagtulungan na rin ng Yes Pinoy Foundation at Kapuso Foundation.

Ayon sa Kapuso actor, naging bahagi na ng kanyang regional shows ang pamamahagi ng school supplies sa mga piling mag-aaral.

“Yes, sinisiguro ko na sa bawat punta ko sa regional e we get in touch sa aming mga local partners.

“Inaalam namin ang isang school kunsaan maa-appreciate nila ang mga school bags na maibibigay namin,” saad ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “We have donors, e, sa foundation.

“At siyempre, natutuwa naman kami na pinagkakatiwalaan nila kami para maihatid ang gusto nilang ibigay sa mga bata.

“Siyempre, gaya ng commitment ko rin naman kung bakit ko naitayo ang [Yes Pinoy] foundation, siyempre ginagawa ko rin lang naman ang aking tungkulin.

“And, of course, one of our big partners is GMA.

“Sila ang may contact dun dahil nandoon ang regional officers nila.”



MARIAN RIVERA. Kasama ni Dingdong sa outreach program niya sa Loakan Elementary School ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong, “Nagkataon na nandito rin siya, so nagsama-sama na kami.

“Mapalad kami, mapalad ang mga bata dahil siyempre, may extra bonus pa na kasama pa si Marian.”

Masaya raw sila ni Marian kapag para silang isang team na nagsasagawa ng outreach programs.

Kahit sa mga project ni Marian, may pagkakataong nakakasama rin si Dingdong.

“Oo, kasi alam mo yung masaya kami to do it and lalo na if we do something good together,” sabi ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang fulfillment na nakukuha nila kapag nagsasagawa sila ng outreach programs?

Saad ni Dingdong, “Sa amin, it’s really more on yung tinupad lang namin ang aming commitment na bigyang importansiya ang mga kabataan.

“Ang fulfillment talaga is kapag nakita naming bumubuti, they strive to improve their education, at makita mong ginaganahan sila dahil sa naibigay namin.

“Kahit sa munting paraan lang, makikita mong lumiligaya sila at nai-inspire sila na mas pagbutihin pa ang mga studies nila.

“Para sa amin, yun ang fulfillment.”



ENTERING POLITICS. Madalas naitatanong kay Dingdong kung hindi ba niya papasukin ang pulitika, dahil na rin sa pagiging aktibo niya sa outreach programs.

Pero madalas na sagot ng aktor ay wala sa isip niya ang mga ganoong bagay sa ngayon.

Masaya na raw siya na kahit paano ay nakakatulong siya sa mga nangangailangan.

Isa rin siya sa mga artistang hayagang ikinakampanya ang sinusuportahan niyang mga kandidato tuwing eleksiyon.

Sa mga nangyayari ngayong kontrobersiya sa mundo ng pulitika, ano ang nararamdaman ni Dingdong?

Tugon niya, “Alam mo, maganda rin nga na may mga ganitong nangyayari. Nagiging vigilant na ang tao.

“Alam mo na we learn and we involve ourselves.

“Hindi na lang yung tipong pinalalampas natin, so mas may pakialam na tayo ngayon.

“Yun ang kagandahan sa mga nangyayari ngayon.

“But, you know, we should all learn from it.

“Para sa akin, I will always strive to do the right things.”

Sa pinag-uusapang pork barrel scam ay sangkot ang mga kasamahan niya sa industriya na sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

Maikli niyang tugon, “Until proven, it’s really hard to point fingers, but I don’t wanna comment on that.”



VALENTINE’S DAY. Kinamusta rin ng PEP kay Dingdong ang nakaraang Valentine’s Day nila ni Marian Rivera sa Balesin Island, sa Quezon Province.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrate Valentine’s in Balesin Island

Sabi ng aktor, “Sinisiguro talaga namin na bawat alis namin, memorable siya.

“Kanya-kanya naman ‘yan. Para sa amin lang, masaya lang kami at magandang i-share din ang aming enjoyment.

“Although, marami rin bagay na kailangang i-keep private, ‘di ba?”

Siya ba ang tipo ng boyfriend na may pagka-romantic?

“Sakto lang,” sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN