Anne Curtis on tampuhan between Vice Ganda and Karylle: "It only makes the relationship stronger."

Aminado si Anne Curtis na naging “awkward” ang staff ng It’s Showtime nang magkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Vice Ganda at Karylle. Pero sabi ni Anne, normal lang sa mga magkakaibigan ang magkaroon ng tampuhan paminsan-minsan.


“It’s very good, yun lang ang masasabi ko,” sambit ni Anne Curtis, na abot hanggang tenga ang ngiti, nang matanong sa unti-unting pagkakaayos ng co-hosts niya sa It’s Showtime na sina Vice Ganda at Karylle.

Nagkaroon ng tampuhan ang dalawa matapos makarating kay Vice na hindi raw nagugustuhan ng boyfriend ni Karylle, ang Spongecola vocalist na si Yael Yuzon, ang pagpapareha kina Vice at Karylle sa noontime show ng ABS-CBN.

Pero sinabi rin ni Vice na humingi na ng paumanhin sa kanya si Karylle.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

Ayon kay Anne, normal lang naman sa magkakaibigan na magkaroon ng tampuhan.

“Kung anuman yung nangyari sa kanila, it’s normal amongst friends.

“Tampuhan happens, but it only makes the relationship stronger.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Anne sa presscon ng bago niyang endorsement, ang American Tourister luggage brand, kaninang hapon, February 24, sa ginanap sa Aracama, sa The Fort.

Tanong ng PEP kay Anne: Mahirap bang maipit sa di pagkakaunawaan ng dalawang kaibigan niya?

Tugon niya, “Yeah. You know, it’s normal for friends to have a misunderstanding.

“What matters is how you were able to patch things up.

“I think they’re slowly getting there, so that’s the thing.”

Hindi naman itinago ni Anne na apektado rin ang iba nilang kasamahan sa show dahil sa naging tampuhan nina Vice at Karylle.

“Siyempre awkward, pero normal naman… parang we were able to survive naman because we’re all friends.

“Nag-aasaran nga, e, ‘Uyy, pansinan na ‘yan!’”

Abot-tenga naman ang ngiti ni Anne nang banggitin ang nalalapit na pagpapakasal nina Karylle at Yael.

“I’m excited for her, they’ll be okay,” sabi ng actress-host.

Read: Karylle to tie the knot with boyfriend Yael Yuzon in March

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNE TO TAKE A LEAVE FROM SHOWTIME. Kinumpirma rin ni Anne na hindi muna siya regular na mapapanood sa It’s Showtime.


Ito ay upang makapag-concentrate siya sa taping ng upcoming fantaseryeng Dyesebel na pagbibidahan niya.

Leading men ni Anne sa serye sina Sam Milby at Gerald Anderson.

May mga usap-usapan dati na si Iza Calzado muna ang magiging reliever niya sa It’s Showtime.

“I think so, yes, yes… for the meantime,” pagkumpirma ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN