Suzette Ranillo echoes statement of Mat Ranillo III’s lawyer that her brother would have been "the first whistleblower"

Sinabi ng aktres na si Suzette Ranillo, kapatid ni Mat Ranillo III, na handang umuwi ng Pilipinas ang aktor para tumestigo sa pork-barrel scam basta’t matiyak lang ang kanyang kaligtasan.


"Mat is willing to come home naman, as long as protektado ang safety niya."

Ito ang pahayag ng aktres na si Suzette Ranillo tungkol sa kanyang kapatid na si Mat Ranillo III, na isinasangkot ngayon sa pork-barrel scam.

Eksklusibong nakausap ni Sandra Aguinaldo ng GMA News si Suzette.

Nauna nang nagpahiwatig ang kampo ni Mat na handa siyang umuwi sa Pilipinas upang tumestigo para sa pagresolba ng isyung pork-barrel scam.

Kasalukuyang naninirahan si Mat sa U.S. kasama ang kanyang buong pamilya.

Read: Mat Ranillo III willing to testify in PDAF scam investigation, says DOJ Secretary Leila de Lima

Sinabi ng abugado ni Mat na si Atty. Morel Callueng, na 2007 pa lamang ay ibinunyag na ng aktor sa ilang mambabatas ang tungkol sa maanomalyang transaksiyon ni Janet Lim-Napoles, subalit wala raw nakinig sa kanya.

Read: Mat Ranillo III’s camp says actor informed lawmakers about Janet Lim Napoles’s illegal dealings in 2007 but was ignored

Pagdidiin pa ni Suzette sa panayam ng GMA News, “The lawyer said way back in 2007, he [Mat] already expressed, he already opened it to some government officials, but they ignored him.

"And so, kung meron mang original whistleblower nga, sabi ng lawyer, Mat would have been the original whistleblower."

Dugtong pa ng aktres, “The family is backing him up all the way and we love him and we know he’s a good person.

"And alam ko, ang public, hindi naniniwala kung ano ang mga paratang sa kanya."

MAT’S INVOLVEMENT. Nauna nang naiulat sa GMA News ang tungkol pagsusumite ni Mat ng ilang voucher sa korte noong 2005 kaugnay ng isinampang kaso ng JLN Corporation laban sa kanya, hinggil sa hindi nito diumano pagbabayad sa sasakyang nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Ang mga voucher na isinumite ni Mat ay patunay raw ng pagbabayad niya ng sasakyan mula sa komisyon na nakuha niya sa ilang transaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang JLN Corporation ay ang kumpanyang pagmamay-ari ni Napoles, ang itinuturong mastermind sa P10-billion pork-barrel scam.

Ginagamit umano ni Napoles ang nasabing kumpanya para sa maanomalyang financial transactions nito sa gobyerno.

Sa mga voucher na ito nakita ang mga pangalan ni Senator Jinggoy Estrada at ina nitong si dating Senator at First Lady Loi Ejercito.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Ruby Tuason sa National Bureau of Investigation (NBI), binanggit ni Tuason ang record ng main pork-barrel whistleblower na si Benhur Luy, na nagpapakitang naging “middleman” si Mat sa transaksiyon nina Napoles atSenator Estrada.

Read: Actor Mat Ranillo III named courier of PDAF kickback by Ruby Tuason

Si Senator Estrada, kasama ang 38 pang mambabatas, ay sinampahan ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman noong nakaraang taon dahil sa pagtanggap umano ng kickback mula sa kanilang pork-barrel funds.

Si Tuason ang dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Inamin ni Tuason na siya ang nagsilbing tagapamagitan nina Senator Estrada at Senator Juan Ponce Enrile kay Napoles kaugnay ng pork-barrel funds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN