Mat Ranillo III willing to testify in PDAF scam investigation, says DOJ Secretary Leila de Lima

Kinumpirma ng whistleblowers na si Benhur Luy na ang aktor na si Mat Ranillo III (left) ang nagsilbing tagapamagitan nina Senador Jinggoy Estrada (right) at itinuturong pork barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles mula 2004 hanggang 2006.


Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na posibleng tumestigo ang aktor na si Mat Ranillo III sa imbestigasyon ng diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga sangkot na mambabatas.

“Naririnig ko rin na parang may feelers from Mr. Mat Ranillo, so we would welcome that.

“Let’s see kung ano yung magiging value ng kanyang testimony if and when he cooperates,” saad ni Secretary De Lima sa panayam ng GMA Network news program na Balitanghali kahapon, February 14.

Kailangan daw munang alamin ng DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) kung ano ang nalalaman ng aktor at kung paano makakatulong ang makukuha nilang impormasyon sa kasalukuyang imbestigasyon kaugnay ng pork barrel scam.

Matatandaang naghain ang DOJ at NBI ng reklamong plunder laban kina Senador Jinggoy Estrada, Senador Juan Ponce Enrile, at Senador Bong Revilla sa Office of The Ombudsman noong September 16, 2013.

Ngunit dahil hindi kasama si Mat sa 35 pang indibiduwal na nahaharap sa kasong plunder, kung saka-sakali ay maaari lamang siyang ituring na “ordinary witness” na makakatulong sa pag-usad ng kaso.

Sa naganap na Senate Blue Ribbon Committee hearing noong February 13, hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV na ipa-subpoena sa NBI si Mat sa susunod na pagdinig tungkol sa pork barrel scam.

Inaprubahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee Chairman na si Teofisto Guingona at pati na rin ang pagkuha ng subpoena para maiharap ang cash vouchers ng mga komisyong tinanggap ni Mat mula sa diumano’y pakikipagtransaksiyon nito kina Napoles at Senador Estrada.

MAT’S LINK TO SENATOR ESTRADA AND NAPOLES. Kaugnay ito ng pahayag ng whistleblower na si Ruby Tuason tungkol sa naunsiyami nitong pakikipagtransaksiyon kina Napoles at Senador Estrada, noong 2004.

“I heard that it was Mr. Mat Ranillo that did the project.

“When I saw the accounting record of Benhur [Luy], I was able to confirm that it was really Mr. Ranillo [who served as go-between].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Mat Ranillo III named as courier of PDAF kickback by Ruby Tuason

READ: Ruby Tuason reveals detailed account of her dubious dealings with Senator Jinggoy Estrada

Dahil dito, muling ginisa ang pangunahing whistleblower na si Luy tungkol sa kuneksyon ni Mat kay Senador Estrada at Napoles.

Minsan na kasing inihayag ni Luy na si Mat ang nagpakilala kay Napoles sa chief-of-staff ng senador na si Pauline Labayen.

Bukod kay Tuason, si Labayen ang itinuturo ni Benhur na isa sa mga tagapamagitan nina Senador Estrada at Napoles sa mga maaanomalyang business transaction ng huli.

Ayon sa salaysay ni Luy sa Senate hearing noong February 13, kasama ni Labayen ang asawa ni Mat na si Erlinda na tumanggap ng P11,970,000 na komisyon ni Senador Estrada.

Sabi ni Luy: “Ako po yung naghatid ng pera kasama ng driver ni Mrs. Napoles, si Fernando Ramirez.

“Kaya I have that exact address. No. 1564 Mahogany Street, Dasmariñas Village, Makati City.

"Nandun po mismo si Ms. Pauline Labayen. Kaharap po yung asawa ni Mr. Mat Ranillo, si Ms. Lyn Ranillo. Linda ang tawag po namin.”

Ayon pa kay Luy, ang mag-asawang Mat at Lyn, bilang malapit na kaibigan ni Labayen, ang nagpasok ng mga transaksiyon sa kumpanya ni Napoles, ang JLN Corporation, mula sa mga pinondohang proyekto ni Senador Estrada.

“Nung wala si Ma’am Ruby, nung hindi natuloy yung kay Ma’am Ruby, nakuha ni Madam [Napoles] yung kay Senador Estrada hanggang 2006,” saad ni Luy.



STORY BEHIND MAT’S CASH VOUCHERS. Ibinunyag din ni Luy ang tungkol sa cash vouchers kung saan nakasaad ang mga diumano’y tinanggap na komisyon o “referral fee” ni Mat mula sa pakikipagtransaksiyon nito kina Napoles at Senador Estrada.

Makikita rin sa naturang cash vouchers na diumano’y tumanggap din si Mat ng komisyon mula sa PDAF ni dating Senador Loi Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Mat Ranillo III’s old legal case links Jinggoy Estrada and Loi Ejercito to alleged PDAF scam mastermind Janet Lim Napoles

Ayon kay Luy, may ibinentang pulang Ford E-150 si Napoles kay Mat at napag-usapan nila na ang gagamiting pambayad ng aktor ay ang makukuha nitong “komisyon sa kickback” mula sa mga ipapasok nitong transaksiyon sa JLN Corporation.

Bilang finance officer ng JLN Corporation noong panahong iyon, mismong si Luy raw ang nagtatala ng mga iniisyung komisyon para kay Mat at pati na rin ang ipinambabayad nito sa sasakyan.

Kuwento ni Luy, “Ang nangyari, bayad na si Mat Ranillo. Nagkaroon sila ng problema kasi parang gusto ni Madam na alisin si Mat Ranillo.

“Didiretso na siya kay Ma’am Pauline. Dapat ‘di na malaman ni Sir Mat, kasi ang nangyari kasi parating si Ma’am Pauline at Mat [ang magkatransaksiyon para kay Senador Estrada].”

Dahil dito, taong 2005 nang sampahan ni Napoles si Mat ng kasong writ of replevin upang mabawi ang sasakyang hindi umano nababayaran ng aktor.

Ang writ of replevin ay ang legal na proseso ng pagbawi ng personal na gamit.

Ngunit hindi umano inasahan ni Napoles na mayroong kopya si Mat ng mga resibo ng komisyong natanggap nito mula sa JLN Corporation.

Ang mga naturang cash vouchers na may tatak na JLN Corporation ang isinumiteng ebidensiya ni Mat sa korte upang patunayan na bayad na siya sa binili niyang sasakyan mula kay Napoles.

Patuloy na lahad ni Luy: “Nagulat si Madam na lumabas sa media na nagkaroon ng kickback.

“Sabi ni Madam, ‘Sh-t! May kopya si Mat Ranillo ng mga voucher!’ ’Tapos pirmado, pirmado din niya po.

“Sabi ni Madam, ‘Kailangan gumawa tayo ng bagong voucher na ipapalabas, para sabihin na hindi yun ang voucher at gawa-gawa lang yun.’ Iyon ang ginawang reply [sa korte].”

Nang maging mainit sa media ang balita tungkol dito, nagdesiyon umano si Napoles na makipagkasundo kay Mat sa pamamagitan ng out-of-court settlement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Luy, “Alam ko nagkaroon ng settlement kasi parang lumabas na yung mga Estrada, kasi lumabas yung kay Senator Loi na nakalagay P71 million. So, na-settle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN