PEP EXCLUSIVE. Nadia Montenegro on Mark Herras’s revelation about being a single dad: "Everything happened nung sila pa ni Ynna."

Nadia Montenegro on how daughter Ynna Asistio handled the news about Mark Herras being a single dad: “Yes, she was betrayed. But, at the same time, God revealed this to her ‘coz she deserves so much better. Ynna is the VICTOR not the victim. Ayoko kasi yung mga lumalabas na parang naglulupasay anak ko. E, hindi naman.”


Ayon kay Nadia Montenegro, kailan lamang nila nalaman na may anak na si Mark Herras, ang dating boyfriend ng anak ng aktres na si Ynna Asistio.

Sa pamamagitan ng Facebook private messaging, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia ngayong araw, February 25.

Dito sinagot ni Nadia ang mga katanungan namin kaugnay ng pag-amin ni Mark na isa na siyang binatang ama.

Matatandaang umamin si Mark na mayroon na siyang tatlong-buwang-gulang na anak, mna nagngangalang Ada, sa panayam sa kanya ng Startalk noong Linggo, February 23.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”



CLUELESS. Kailan unang nalaman ni Nadia na nakabuntis si Mark? Paano at kanino niya ito unang nalaman?

Sagot niya, “February 14. May meeting ang sister ko, si Tania [Montenegro], sa GMA.

“May lumapit sa kanya at tinatanong kung kumusta si Ynna.

“Sabi niya, ‘Okay naman, busy sa school at work.’

“Sabi nung kausap niya, ‘So, how is she taking all of it?’

“Sabi ni Tan, ‘Taking what?’

“’Yung… sa anak ni Mark!’

“Na-imagine ko mukha ni Tania. Hahahahaha! As in laglag-panga!

“She pretended na lang she knew.

"Which just proves WALA KAMING ALAM! WALA KAMING IDEA! WALANG ALAM SI YNNA!”

Patuloy ni Nadia, “We were not even aware na may mga tsismis.

“Siyempre, hindi naman naniwala sa tsismis si Ynna kasi kahit break na sila.

"Mark is still family.

“Kasali pa din siya sa occasions namin. He was present Christmas, my mom’s birthday, etc.

“’Tapos, Tania called me. Galit na galit.

“Sabi niya, ‘Nads, how can Mark do this? He didn’t even tell us!’

“Siyempre na-shock ako. Nangibabaw ang galit.

“I did my math. Everything happened nung sila pa ni Ynna.”

Kinumpirma ni Ynna ang breakup nila ni Mark noong July 2013.

Read: Ynna Asistio confirms breakup with Mark Herras; denies money issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinilang naman ang anak ni Mark sa kanyang handler noong November 2013.

Kuwento pa ni Nadia, “Then I called Annette Gozon (my childhood friend) who happens to be owner of GMA. I asked her if it was true.

“She was also shocked na ngayon ko lang nalaman.

“All these time, they all thought we knew but we just didn’t talk about it pag magkasama kaming magbabarkada. Ayun!

“Nagdasal na ako. I asked God to give me the courage to tell Ynna and to give Ynna the strength to accept it.”

Paglilinaw pa ng dating Regal baby, “Please, I want to show how strong Ynna is. Hindi siya talo dito.

“Yes, she was betrayed.

"But, at the same time, God revealed this to her ‘coz she deserves so much better.

“Ynna is the VICTOR not the victim.

“Ayoko kasi yung mga lumalabas na parang naglulupasay anak ko. E, hindi naman.”



FIRST REACTION. Inamin naman ni Nadia na labis na pagkagalit ang naramdaman niya nang malamang nakabuntis si Mark habang sila pa ni Ynna.

“Oo! Sobrang galit ako!

“Pero nung haharapin ko na si Ynna, I had to relax.

“Pero sandali lang yung galit ko. The next day, napalitan na ng paghihinayang at konting sakit.

“Siyempre, sobrang minahal namin si Mark. As in mahal na mahal.

“Betrayal is not easy to take and accept.

“I’ve been on both sides and I know hindi din madali sa taong nanakit.

“But I’d rather be the one accepting the apology than the one giving it.

“Paano pa kaya kung pamilya at mahal mo ang pinag-uusapan, ‘di ba?”

Iginiit ni Nadia na hindi ang pagkakaroon ng anak ni Mark ang dahilan ng breakup ng aktor at ni Ynna.

Saad niya, “Obviously, hindi ‘yan ang dahilan.

“They broke up dahil sa isa pang malalim na problema ni Mark na hindi maayus-ayos, at napagod na si Ynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After five years naman siguro at hindi kayo naggo-grow at walang pagbabago, Ynna had the strength to want to live life muna alone.”

Tumanggi naman si Nadia na sabihin kung ano ang tinutukoy niyang “malalim na problema” ni Mark.



THE MOTHER OF MARK’S DAUGHTER. Kilala raw ni Nadia ang ina ng anak ni Mark,

“Yes, kilala ko si Dianne. Handler siya ni Mark.

“BF ni Ynna si Mark ng five years, so madalas magkita, magkasalubong, at magkasama sa mga occasions naman sa side ni Mark.

“Honestly, we have nothing to do with Dianne and Mark. Buhay nila ’yan!

“Napakasarap ang maging ina. I wish her well.

“With all sincerity, I pray na maalagaan niya nang mabuti anak nila ni Mark.

“Ada is a blessing.”



“ENOUGH IS ENOUGH.” Ano ang saloobin ni Ynna tungkol sa nangyari?

Pahayag ni Nadia, “Malaking bagay yung break na sila 5-6 months na yata, kasi mas masakit siguro kung sila pa ngayon.

“Kasi yung malaman ng babae na nakabuntis ka, masakit na; pero walang sasakit sa betrayal.

“Ynna is not mad nor angry. She was shocked and hurt.

“Umiyak ng isang araw ‘tapos back-to-normal na.

“The best part of all this??? Finally nagising na anak ko.

“She finally realized na ‘Enough is enough!’

“She gave so many chances.

“Tinapon, sinayang ang oras, pagmamahal at TIWALA, so tama na.

“Okay na. Period na. She is so okay na!

“With God’s grace, love and her family and friends, Ynna is okay. Super positive siya.

“Sabi niya, grateful siya na na-reveal sa kanya ni God lahat ito.

“May closure. May direksiyon. Not only for my child but for everyone involved.”

Ano ang saloobin ng mister ni Nadia at ama ni Ynna na si Boy Asistio tungkol sa pangyayari? Galit ba ito?

“Si Boy? Hmmm… Ynna called him Sunday before Mark’s interview. She told her dad everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag na natin isali reaction ni Boy. Ako na lang. Ako na lang!!!

“Ako na lang mag-a-absorb ng lahat para sa nararamdaman ng buong pamilya ko.

“Mahirap kasi i-explain.

“Alam ni Mark ang health ni Boy ngayon kaya ayaw na namin i-expound pa kay Boy. Masakit sa kanya.

“Mahal niya din si Mark, pero siyempre, iba kasi pag princess na niya ang nasaktan.

“Masakit kay Boy. Tatay yun.

“Pero sabi niya kay Ynna ‘Andiyan na ’yan, ‘nak. Wala na tayong magagawa.’

Sa panayam ni Mark sa Startalk noong Linggo ay sinabi niyang humingi na siya ng tawad kay Ynna at sa buong pamilya nito dahil sa kanyang nagawa.

Ngunit hindi raw niya maaaring itago ang kanyang anak na si Ada sa publiko.



MESSAGE FOR MARK. Ano ang mensahe ni Nadia kay Mark?

Pahayag niya, “’Nak, yung sorry mo sa TV, tinatanggap namin yun, kasi mahal ka namin.

“Pero sana maintindihan mo din na kahit siguro kadugo or kapamilya mo ang isang tao at walang naidudulot na buti sa buhay natin, kailangan ilayo na muna.

“Five years, ‘nak! Five years ibinigay ni Ynna sa ‘yo. Pure love!

“Hinding-hindi mo malalaman kung gaano kasakit sa isang ina yun.

“Ngayon, tatay ka na, sana Mark ayusin mo na sarili mo.

“Sa lahat ng tao sa buhay mo na hindi mo kadugo, AKO na kasunod dun na hindi mo ku-question-in ang hindi nagkulang sa ‘yo.

“For Ada, ‘nak, ayusin mo na buhay mo. I pray for you every day.

“I took away all my anger and hurt sa nangyari kasi hindi naman makakabuti sa akin yung magalit pa.

"You’re twenty-seven! You’re blessed! You’re loved! Ingat ka parati!

“Mahalin mo trabaho mo at mga katrabaho mo.

“Ingatan mo magulang at mga kapatid mo.

“God bless you, Mark!”

Kapag nakipagbalikan si Ynna kay Mark, ano ang mararamdaman ni Nadia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “When you are with the Lord, you live with faith and hope in your heart.

“That’s all I have in my heart for my children.

“I pray every day that they find Godly men that will love God first then them next.

“A mother would only want the best for their children.

“Hindi lang si Ynna ang natuto dito.

“I have seven girls and one boy. Umiyak din mga anak kong babae learning about what happened.

“As a mother, ito ang iniiwas mong mangyari sa anak mo.

“I’m just glad and proud my child stayed pure and held up to her principles and didn’t compromise herself for love.

“I raised my children well and that’s all that matters.

“You can never promise your children na hindi sila masasaktan.

“But you can always teach them that the promise of God is all they need.

“Ynna deserves the best!”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng kampo ni Mark kaugnay ng mga pahayag ni Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN