Vice Ganda to testify in Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint

Vhong Navarro’s legal counsel Atty. Alma Mallonga confirms that Vice Ganda (main photo) is set to submit his sworn statement in Pasig Prosecutor’s Office this Wednesday morning, February 26. She added that it will be submitted as evidence against Roxanne Cabañero’s (lower inset) rape complaint against Vhong Navarro (upper inset).


Nanindigan ang kampo ni Vhong Navarro na pawang kasinungalingan ang reklamong panggagahasa na inihain ni Roxanne Cabañero laban sa actor-TV host sa Pasig Prosecutor’s Office noong February 19.

Ayon sa isinumiteng sinumpaang salaysay ni Roxanne, naganap ang insidenteng panghahalay sa kanya ni Vhong “15 meters away” mula sa Astoria Plaza Hotel, noong gabi ng April 24, 2010.

Read: Roxanne Cabanero stands by rape allegation against Vhong Navarro despite claims that he was in Cavite on "April 24, 2010"

Ngunit iginiit ng legal counsel ni Vhong, si Atty. Alma Mallonga, na imposibleng mangyari ito dahil wala ang kanyang kliyente sa oras at lugar ng sinasabing pinangyarihan ng insidente.

VICE GANDA TO THE RESCUE. Bilang patunay, nakatakdang maghain si Vice Ganda ng kanyang sinumpaang salaysay sa Pasig Prosecutor’s Office ngayong araw, February 26.

Ito ay upang tumestigo na si Vhong ay nasa Island Cove sa Cavite noong gabi ng April 24, 2010, para sa concert na pinamagatang May Nag-txt, May Concert Ako.

“Yes. Since Vice will be leaving the country [for a concert in U.S.], we have taken the precaution of getting his sworn affidavit.

“It’s going to be part of the evidence that we will be submitting [in Pasig Prosecutor’s Office],” pahayag ni Atty. Mallonga nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kagabi, February 25.

Sa ulat ng Buzz Ng Bayan noong February 23, kinumpirma ni Vice Ganda na kasama niya si Vhong mula umpisa hanggang sa matapos ang concert niya sa Island Cove, sa parehong petsa kung kailan diumano’y ginahasa ng 37-year-old actor-host si Roxanne.

Nakasisiguro rin si Vice na natapos ang naturang event bandang “12 midnight or baka mas mahaba pa” kaya imposibleng nasa pinangyarihan ng insidente si Vhong.

Sabi pa ni Vice Ganda, “Mayro’n akong alam sa puso ko na maaaring makatulong sa kanya.

“Mayro’n akong bitbit na katotohanan at ‘yon ang sasabihin ko dahil maaaring ‘yon makatulong sa kaibigan ko, at maaaring magbigay kaliwanagan sa lahat ng iniisip ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“OBVIOUS FALSEHOOD.” Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Atty. Mallonga, sinabi nitong kahapon lang nakakuha ang kampo ni Vhong ng kopya ng rape complaint ni Roxanne.

Sa March 13 pa ang huling araw ng pagsumite ni Vhong ng counter-affidavit, ngunit ginarantiya ng abugada na hindi na nila paaabutin ng ganoon katagal bago sagutin ng It’s Showtime host ang alegasyon ng dating beauty contestant.

Bukod kay Vice, marami pa raw ibang testigo ang magpapatunay na walang katotohanan ang mga paratang ni Roxanne laban kay Vhong.

Sa ulat ng The Buzz Ng Bayan noong February 23, inihayag ng TV host na si Boy Abunda na personal niyang nakausap ang general manager ng Island Cove na si Gwen Villanueva.

Ayon kay Gwen, nakita niya si Vhong sa naturang resort sa Cavite nang mag-concert doon si Vice Ganda noong gabi ng April 24.

Personal ding nakausap ni Boy si Ric Valenzuela, project director ng Astoria Hotel sa Ortigas, na nagsasabing hindi nakatala ang pangalan ni Roxanne sa kanilang listahan ng hotel guests noong April 24, 2010.

Matatandaang nakasaad sa sinumpaang salaysay na isinumite ni Roxanne na noong gabi ng April 24, 2010, naka-check-in siya sa Astoria Plaza Hotel kasama ang iba pang kandidata ng Miss Bikini Philippines.

Ito rin ang sinabi ni Roxanne na lugar kunsaan siya sinundo ni Vhong noong panahong iyon.

Read: Roxanne Cabanero seeks justice but testimonials contradict her allegations

Taliwas ito sa pahayag sa Twitter ni Rose Ann Uy Aguilar—kasabayan ni Roxanne sa Miss Bikini Philippines 2010—na sa Millenia Suites naka-check-in ang contestants ng naturang pageant at hindi sa Astoria Plaza Hotel.

Read: Witness for Roxanne Cabanero denies knowledge about rape allegation against Vhong Navarro

Bunsod ng mga nakalap na impormasyon ng iba’t ibang TV stations, pahayagan, at online news sites kaugnay ng rape complaint ni Roxanne, iginiit ni Atty. Mallonga na mas lalong napaghahalataang walang kredibilidad at hindi dapat paniwalaan ang dating beauty contestant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng abugada, “In fact, the evidence shows that Vhong could not have committed what Roxanne says he has committed.

“The date, place, and time that she said specifically, wherein a rape incident supposedly occurred, I think it’s fatal to her complaint.”

Pinaalalahanan din ni Atty. Mallonga si Roxanne na hindi dapat ito basta-bastang magbitiw ng paratang laban kay Vhong, lalo na kung walang basehan.

“Roxanne should be prepared for the reality that she has incurred criminal liability for the falsehood that she declared under oath and for the falsehood that she had recklessly announced for anybody who cared to hear her on television and print.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN