Paolo Contis recalls last happy days with the late Roy Alvarez

Paolo Contis (right) on the late Roy Alvarez (left): "Si Tito Roy, wala kang mararamdaman na ‘Ang galing ko!’ Nagtatanong kung ano ang magandang atake, ’tapos nakita ko kung gaano siya ka-excited dun sa show. Na minahal niya yung show at yung mga kasama niya. Sweet si Tito Roy, lagi siyang may dalang food. Yung leche flan ng daughter niya, lagi niyang ipinagmamalaki. Sayang, sayang! Ang saya-sayang kasama ni Tito Roy.”


Close daw si Paolo Contis sa namayapang aktor na si Roy Alvarez.

Nakatrabaho na ni Paolo si Roy sa isang esksena sa indie movie na Banal bago sila nagkasama sa afternoon series ng GMA na Villa Quintana.

Kuwento ni Paolo, “Medyo close kami, kami yung madalas magkasama kahit na ginugulpi niya ako sa show.

"[His character was] his complete opposite kasi napakabait niya."

Unang-una, healthy living daw ang pumanaw na aktor.

“Kami, baboy kami nang baboy, siya vegetable lang, e.

"Hindi nagyoyosi, hindi babaero!” natatawang sabi ni Paolo.

ROY’S BREW. Isang linggo bago pumanaw noong February 11, binigyan ni Roy si Paolo ng lambanog na gawa sa mangga.

Kuwento pa ni Paolo, "Ten years na niyang gawa yun, ipinagmalalaki niya sa akin yun!

"Two days yun, ’tapos after a week, nung next taping, sabi niya, ‘Ano, natikman mo na?’

“Kasi last drop na niya yun ng lambanog.

"Sabi ko, ‘Hindi pa, Tito Roy, next taping, sasabihin ko sa ‘yo.’"

Ngunit bago pa mangyari iyon ay inatake sa puso si Roy at binawian ng buhay.

Read: Character actor Roy Alvarez dies after cardiac arrest

“Siguro nagtampo kasi hindi ko tinikman yung lambanog,” pagbibiro ni Paolo.

Hanggang nung araw na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa taping ng Villa Quintana, sa Bustos, Bulacan, noong February 21, ay hindi pa rin daw niya natitikman ang lambanog na bigay sa kanya ni Roy.

Paliwanag niya, “Actually, ayoko na ngang inumin.

"Honestly, I felt bad.

“I felt bad, kasi gusto ko sanang makuwento sa kanya.

"Pero napagdesisyunan ko na hindi na muna galawin yung lambanog."



HUMBLE ACTOR. Dito raw sa Villa Quintana ay laging sila ang magkaeksena.

Sabi ni Paolo, “At si Tito Roy, wala kang mararamdaman na ‘Ang galing ko!’

“Nagtatanong kung ano ang magandang atake, ’tapos nakita ko kung gaano siya ka-excited dun sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na minahal niya yung show at yung mga kasama niya.

“Sweet si Tito Roy, lagi siyang may dalang food. Yung leche flan ng daughter niya, lagi niyang ipinagmamalaki.

“Sayang, sayang! Ang saya-sayang kasama ni Tito Roy.”

Wala raw anumang pahiwatig ang yumaong aktor bago ito pumanaw.

“Wala, one week before, nasaksak siya sa isang eksena.

"Ni-revise yun kasi yung saksak dapat daplis lang.

"Sabi ni Direk [Gina Alajar], dapat fatal yung dating.

“So, nung sinu-shoot namin sa hospital room, ‘O, Tito Roy, magpa-flatline ka dito, ha? Mamamatay ka.’

“Sabi niya, ‘Hindi, a! Ayoko, ayoko!’

“Sayang lang nga, especially yung bagong script na napadala sa amin, these are the sequences na excited na excited si Tito Roy.

"Yung pag-uwi ni Isagani [Elmo Magalona] sa Villa Quintana, yung mga scenes nila ni Lumeng [Sunshine Dizon].

“Meron ulit kaming bugbugan sa Week 7, kaming dalawa, iyon yung mga nabasa niya na excited siyang gawin.

“But the show must go on.”

ENTER AL. Nagkuwento naman si Paolo tungkol sa pumalit sa role ni Roy na si Al Tantay.

Read: Al Tantay on taking over Roy Alvarez’s role in Villa Quintana: “Kaya nga kinakausap ko siya sa dasal, e.”

“It’s his first taping day. We made sure na ma-welcome siya nang mabuti.

“I mean, it’s sad na wala si Tito Roy, pero siyempre ayaw naming ma-feel out of place naman si Tito Al.

“Ayaw rin ni Tito Roy mangyari yun.”

Ayos lang daw kina Paolo na hindi inalis ang karakter ni Don Manolo sa Villa Quintana; bagkus ay kumuha ng kapalit.

“Pagkatapos ng masusing pag-iisip, parang tama,” sabi ng dating child actor.

Kahit daw silang cast members ay kasama sa pag-uusap ng production group kung ano ang gagawin sa pagkawala ni Roy.

“Kinuha rin naman yung mga comments namin.

“It’s hard to replace his character. Not only the actor but yung mismong character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ang puwede mong ipalit, bigla na lang may kapatid na dumating? Hindi puwede, e."



ELMO AND JANINE. Gamay na raw ni Paolo na katrabaho sina Elmo Gutierrez at Janine Gutierrez, ang lead stars sa Villa Quintana.

Tungkol sa kanilang samahan, “Sila ang tanungin ninyo kung kumusta akong katrabaho.

“Ayoko namang sabihing ang bait ko sa kanila, baka naman para sa kanila suplado ako.

“Pero masasabi ko na itong cast ng Villa Quintana ay isa sa pinakamamahal kong cast, very fun to be with.

“Well, si Elmo tsaka si Janine, masarap pagtripan silang dalawa.”

May relasyon na ba ang dalawa sa palagay niya?

Sagot ni Paolo, “Sila ang sasagot nun, hindi kami.

“Nandiyan lang ako bilang kuya para gabayan sila kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay-buhay nila.”

Sa tingin ba niya ay sila na?

“Mukha silang masaya!

"To be honest, wala silang binabanggit sa aming label, but I see them very happy.

“Ang arrangement namin sa tent is ako, si Shine [Sunshine Dizon], si Raymart [Santiago], ’tapos silang dalawa, magkatabi naman silang lagi.

“Alam naman nila na pag work, work.

"Kung anuman yung nangyayari sa kanila kapag walang taping, hindi na namin alam yun.

“May naririnig-rinig lang kami, pero hindi na namin pinapakialaman.

“Ayaw rin naming mang-pressure na dapat silang maging sila dahil may show sila.”



ANNULMENT. Samantala, nasa proseso pa rin daw ang naka-file na nullity ng kasal ni Paolo at ng asawa niyang si Lian Paz.

“Yes, it’s still there,” sabi niya.

Matagal raw na proseso iyon.

“Medyo.”

Si Paolo ang nag-file nito last year.

“I filed a technicality of the whole thing, na null and void ang kasal namin.

“The case is ongoing kaya I cannot talk about it.”

Aabutin ba ng ilang taon bago bumaba ang desisyon?

“Well, I don’t know. Ayoko ring magsabi baka masabi naman na [pinangungunahan ang korte].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN