Roxanne Cabañero camp denies saying Vhong Navarro raped aspiring beauty queen on April 24, 2010; explains mix-up over name of hotel

Ayon sa abugado ni Roxanne Cabañero (left) na si Atty. Virgillo Batalla (right), hindi sila ang nagsabing noong April 24, 2010 ginahasa ni Vhong Navarro ang kanyang kliyente. Nakalimutan din daw ni Roxanne ang pangalan ng hotel kung saan ito naka-check-in noon dahil “probinsiyana” raw ito.


Nilinaw ng kampo ni Roxanne Cabañero na hindi noong April 24, 2010 naganap ang panggagahasa diumano ng aktor na si Vhong Navarro sa aspiring beauty queen.

Ang naturang petsa raw ang araw na nagkakilala sina Roxanne at Vhong sa programang It’s Showtime ng ABS-CBN.

Ito rin ang araw na bumisita ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines, kabilang si Roxanne, sa noontime show kunsaan isa sa mga host si Vhong.

Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV noong February 25, pinanindigan ng abugado ni Roxanne na si Atty. Virgillo Batalla na wala silang sinabing noong April 24, 2010 nangyari ang panghahalay ng komedyante sa kanyang kliyente.

Sa ibang araw raw nangyari ang panggagahasa diumano ni Vhong kay Roxanne.

Saad ni Atty. Batalla, “Sila ang nagsasabi ng date of rape.

"Doon sa ebidensiya, matibay na wala sila doon. Kinukundisyon nila ang tao na nangyari ang rape ng April 24.

"Pero kaming nag-aakusa, hindi namin sinasabing 24."

Ito ay taliwas sa sworn affidavit diumano ni Roxanne na kumalat sa Internet sa inihain niyang reklamong rape laban kay Vhong noong February 19, 2014 sa Pasig Prosecutor’s Office.

Read: New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong’s camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo

Sa naturang affidavit, sinabi ni Roxanne na nang mag-guest sila sa It’s Showtime noong April 24, 2010, may isang babaeng staff daw ang lumapit sa kanya upang makuha ang number nito, base sa utos daw ni Vhong.

Kinahapunan, may nag-text diumano sa cell phone ni Roxanne na nagpakilalang "Vhong Navarro."

Sa pag-uusap nila sa text, sinabihan diumano siya ng actor-TV host na magkita sila sa Astoria Plaza, sa Ortigas, kung saan daw naka-check-in ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines.

Pero tumanggi raw si Roxanne na sa Astoria sila magkita dahil nahiya raw ito sa kanyang roommates. Hindi rin daw kasi magandang tingnan na doon sila magkita sa unang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi raw ni Vhong kay Roxanne na susunduin na lang siya nito, at pumayag na ring makipagkita ang huli sa aktor.

Read: Roxanne Cabañero stands by rape allegation against Vhong Navarro despite claims that he was in Cavite on "April 24, 2010"

FROM ASTORIA TO MILLENIA. Sa affidavit ni Roxanne, makailang beses niyang nabanggit ang "Astoria Plaza Hotel Ortigas."

Dito umano siya naka-check-in kasama ang iba pang Miss Bikini Philippines candidates.

Ngunit itinanggi ng pamunuan ng hotel na may nakatalang Roxanne Cabañero at mga kandidata ng naturang beauty pageant noong April 24, 2010.

Read: Roxanne Cabañero seeks justice; but testimonials contradict her allegations

Ayon naman kay Atty. Batalla, nagkamali lang si Roxanne sa pagbanggit ng pangalan ng hotel.

Naka-check-in da pala ang kanyang kliyente sa Millenia Suites, na ilang metro lamang ang layo sa Astoria Plaza.

Saad ng abugado ni Roxanne, “Noong una, in-announce sa kanya… sa kanila na Astoria sila, pero somehow hindi natuloy.

"At noong hindi natuloy na yun, na lilipat pala sila sa Millenia Suites.

"At sa Millenia Suites, halos magkatabi yun, ang alam pa rin ng aking kliyente ay Astoria pa rin."

Nagpakita rin si Atty. Batalla ng mga larawan ni Roxanne at ilan pang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines habang nasa hotel.

Kinumpirma naman ng pamunuan ng Millenia Suites na may mga naka-check-in ngang kandidata sa kanilang hotel noong April 2010, dahil sponsor sila ng pageant.

Pinatotohanan din ng kapwa kandidata ni Roxanne sa Miss Bikini Philippines na si Rose Ann Uy Aguilar na hindi sila sa Astoria naka-check in kundi sa Millenia Suites.

Read: Witness for Roxanne Acosta denies knowledge about rape allegation against Vhong Navarro



“PROBINSIYANA ANG KLIYENTE KO.” Sa hiwalay na panayam ng Aksyon Primetime ng TV5 kagabi, February 26, pinanindigan pa rin ni Atty. Batalla na hindi noong April 24, 2010 nangyari ang panggagahasa diumano ni Vhong kay Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “It happened while they are staying in Astoria, as what is corrected now as Millenium [Millenia] Suites.”

Kailan nangyari ang rape diumano?

Sagot ni Atty. Batalla, “During the time of April 24, 25, 26, and 27.”

Tungkol naman sa pangalan ng hotel, sabi nito, “Nagkamali yung kliyente ko dahil yung Astoria Hotel at Millenium [Millenia] Hotel, parehong-pareho ang hitsura.

"At saka probinsiyana ang kliyente ko noong 2010.”

Sa March 13 nakatakdang magsimula ang preliminary investigation at dun nakatakdang magsumite ang kampo ni Vhong ng kanilang counter-affidavit.

Kahapon, February 26, nagsumite na si Vice Ganda ng kanyang testimonya sa Pasig Prosecutors Office.

Kasama kasi ni Vice si Vhong sa concert ng una sa Island Cove, sa Cavite, noong gabi ng April 24, 2010 hanggang madaling-araw ng April 25, 2010.

Read: Vice Ganda submits sworn statement in Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint

ON ROXANNE VIRAL NUDE PHOTOS. Samantala, nanawagan ang kampo ni Roxanne sa mga nagpapakalat ng mga hubad na larawan diumano nito sa Internet.

Wala raw itong kinalaman sa kaso.

February 21, Biyernes, nang kumalat sa Internet ang maraming hubad na larawan ng aspiring beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN