Gabby Eigenmann bent on pursuing nude pictorial with the other men in their clan

Gabby Eigenmann on "fat memo" of Geoff Eigenmann and Sid Lucero: “Siyempre, mas masama ang loob ko dahil bakit pati mga pinsan ko, kapatid ko, nabibigyan? I wanna be fair, lahat kasi kami tabain talaga, e. Pero we’re all working hard, so hard. Lalo na si Geoff ang laki ng ipinayat, si Sid ganun din. So, ayoko namang hintayin na pati ako magkaroon.”


Kung ang pinsan niyang si Geoff Eigenmann at ang half-brother niyang si Sid Lucero ay nakatanggap na ng “fat memo” mula sa GMA Network management, si Gabby Eigenmann daw ay hindi pa nakakatanggap nito.

Paliwanag ni Gabby, pang-leading man kasi ang image nina Geoff at Sid kaya may ganung pagpapaalala sa kanila ang management.

Isa pa, hindi naman tumaba nang husto si Gabby.

“Pero sabi ko nga, if may ganung trend, hindi ko rin naman hihintayin na magkaroon ako ng ganun, ‘di ba? ’Tsaka hindi naman,” sabi ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Proud ba si Gabby na wala siyang ganoong memo, ‘tulad nina Geoff at Sid?

“Hindi, hindi!” bulalas niya.

“I don’t wanna be proud of it.

“Siyempre, mas masama ang loob ko dahil bakit pati mga pinsan ko, kapatid ko, nabibigyan?

“I wanna be fair, lahat kasi kami tabain talaga, e.

“Pero we’re all working hard, so hard.

“Lalo na si Geoff ang laki ng ipinayat, si Sid ganun din.

“So, ayoko namang hintayin na pati ako magkaroon.”

Isa pa, pinangangalagaan daw niya ang kanyang pangangatawan.

Nakausap ng PEP si Gabby noong Myerkules, February 26, sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, sa Village East Sundivision, sa Cainta, Rizal.



NUDE PICTORIAL. Isiniwalat din ni Gabby ang tungkol sa plano nilang coffee table book kung saan ang lahat ng mga lalaking Eigenmann ay magpu-pose nang hubad.

Hinihintay lang nila ang pagdating ng pinsan ni Gabby na si AJ Eigenmann mula sa Amerika.

Si AJ ang bunsong kapatid nina Ryan at Geoff Eigenmann na nag-artista rin noon.

Saad ni Gabby, “Okay, may good news. My cousin is arriving, si AJ, uuwi.

“I don’t know if I’m at liberty to say, pero ikakasal siya.

“So, sabi ko nga, sana tumagal yung pag-stay niya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I hope, so far he looks good… balbas-sarado siya ngayon.”

Naka-base na si AJ sa Las Vegas, Nevada, kung saan nagtatrabaho siya bilang veterinarian.

Kaya habang naririto raw si AJ ay baka maituloy na nila ang planong sexy pictorial.

“Well, sana, sana, oo sana.

“Ang kapal naman ng mukha namin kung ilang years na naming tina-try ayusin ‘yan… pero sana, sana.

“Sana, kasi si Geoff, he looks good now… si Sid.”

May nagsabing baka “napaglipasan” na ang ideyang ito tungkol sa pagpu-pose nila nang nude.

Aminado naman dito si Gabby.

Aniya, “Oo, alam ko naman yun, e.

“No, but sabi ko, it’s better late than never.

“Kasi eventually, kasi it’s never been done, it’s never been done.

“So kahit passé na yun, kahit lumang tugtugin na yun, once it’s out, or once it happens, depende, sana tanggapin.”



JOYCE & “TITA” G. Naitanong din kay Gabby ang isyu tungkol sa naging pagtawag na "Tita" ng co-star niya sa Paraiso Ko’y Ikaw na si Joyce Ching nsa isa pang kasamahan nila sa soap na si G Tongi.

Na tila hindi diumano nagustuhan ni G na tinawag siyang “Tita” at mas gusto nitong “Miss G” ang itawag sa kanya ng younger stars.

Read: Joyce Ching clams up after a scolding from Paraiso Ko’y Ikaw co-star G Tongi

“Hindi, si G, ano ‘yan, ganun lang yun, mabait yun. Si Tita Jessa dapat ang tini-tita,” sabay tawa ni Gabby.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang kasama rin nila sa Paraiso Ko’y Ikaw na si Jessa Zaragoza.

Pagpapatuloy ni Gabby, “Well, iyon ang pinagkaiba nila ni G.

“Si Jessa, she acknowledges when young ones call her ‘Tita,’ mas gusto daw niya yun.”

Si Gabby ba ay payag na matawag na “Tito Gabby”?

“Ako, hindi, ayoko!

“Si Kim [Rodriguez] nga, sinabihan ako ng, ‘Hello po, Tito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Shhhh, kuya!’” at tumawa si Gabby.

Hindi naman daw niya tinarayan si Kim.

“Ako kasi, playful ako, e.

“So, kahit tawagin mo akong Tito, I’ll correct you in a way na hindi nakaka-offend or hindi natatarayan.”

Pero nilinaw ni Gabby na maayos naman sina G at Joyce.

“Okay lang yun, pero okay na sila.

“Mabait naman yun, si G,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN